Gumawa ng listahan

Masusubaybayan mo ang mga gawain sa pamamagitan ng paggawa ng listahan sa Keep.

Gumawa ng bagong listahan

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. Sa tabi ng "Magtala," i-tap ang Bagong listahan bagong listahan.
  3. Magdagdag ng pamagat at mga item sa iyong listahan.
  4. Kapag tapos ka na, i-tap ang Bumalik Bumalik.

Alamin kung paano gumawa ng listahan sa iyong Wear OS watch

Gawing listahan ang isang tala

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. Mag-tap ng tala.
  3. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Magdagdag idagdag.
  4. I-tap ang Mga Checkbox.

Baguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga item sa listahan

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. Pumili ng listahan.
  3. Sa kaliwa ng item na gusto mong ilipat, i-tap at i-hold ang Ilipat Ilipat.
  4. I-drag ito kung saan mo gusto.
Baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga bagong item sa checklist

 Puwede mong i-update ang mga setting para magdagdag ng mga bagong checkbox sa itaas o ibaba ng isang listahan.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang MenuMenu at pagkatapos ay Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa "Mga Opsyon sa Display," puwede mong lagyan o alisan ng check ang "Idagdag ang mga bagong item sa ibaba."
    • Kung lalagyan mo ng check ang opsyong iyon, makakapagdagdag ka ng mga bagong checkbox sa ibaba ng isang listahan.
    • Kung hindi mo lalagyan ng check ang opsyong iyon, makakapagdagdag ka ng mga bagong checkbox sa itaas ng isang listahan.

Mag-indent ng item sa listahan

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. Pumili ng listahan.
  3. Sa kaliwa ng item na gusto mong i-indent, i-tap at i-hold ang Ilipat Ilipat.
  4. I-drag ang item pakanan. Para mag-undo, i-drag ito pakaliwa.

Tandaan: Hindi mo mai-indent ang unang item sa listahan.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4635032966218522167
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false