Kapag tapos mo nang gamitin ang isang tala sa Keep, maaari mo itong i-store o i-delete.
Mag-archive ng tala
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Keep .
- I-tap ang talang gusto mong i-archive.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-archive .
Tip: Para mag-archive ng maraming tala nang sabay-sabay, pindutin nang matagal ang mga ito sa home screen ng Keep at i-tap ang Higit pa I-archive.
Alamin kung paano mag-archive ng mga tala at listahan sa iyong Wear OS watch.
Mag-delete ng tala
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Keep .
- I-tap ang talang gusto mong i-delete.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Pagkilos I-delete . Ang mga ide-delete na tala ay made-delete din para sa sinumang pinagbahagian mo ng mga ito.
Tip: Para mag-delete ng maraming tala nang sabay-sabay, pindutin nang matagal ang bawat tala sa home screen ng Keep, pagkatapos ay i-tap ang Higit pa I-delete.
Alisin sa archive ang mga tala
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Keep .
- Sa kaliwang sulok sa itaas, i-tap ang Menu I-archive .
- Mag-click o mag-tap ng tala para buksan ito.
- I-click o i-tap ang Alisin sa Archive .
I-recover ang mga na-delete nang tala
Kapag nag-delete ka ng tala, mayroon kang pitong araw para i-recover ito.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Keep .
- Sa kaliwang sulok sa itaas, i-tap ang Menu Trash .
- Mag-click o mag-tap ng tala para buksan ito.
- Para alisin sa trash ang isang tala, i-tap ang Pagkilos I-restore.
Bakantehin ang iyong trash
Puwede mo ring bakantehin ang trash anumang oras. Kapag ginawa mo ito, permanenteng made-delete ang anumang tala sa trash.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Keep .
- Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click o i-tap ang Menu Trash .
- I-tap ang Higit pa Bakantehin ang Trash.