Kapag tapos mo nang gamitin ang isang tala sa Keep, maaari mo itong i-store o i-delete.
Mag-archive ng tala
- Sa iyong computer, pumunta sa https://keep.google.com/.
- Mag-hover sa tala na gusto mong i-archive.
- Sa ibaba ng tala, i-click ang I-archive .
Tip: Para mag-archive ng maraming tala nang sabay-sabay, mag-hover sa bawat tala at lagyan ng check ang mga ito, pagkatapos ay i-click ang I-archive .
Mag-delete ng tala
- Sa iyong computer, pumunta sa https://keep.google.com/.
- Mag-hover sa tala na gusto mong i-delete.
- Sa ibaba ng tala, i-click ang Higit pa I-delete ang tala. Kapag nag-delete ng mga tala, made-delete din ang mga ito para sa sinumang pinagbahagian mo ng mga ito.
Tip: Para mag-delete ng maraming tala nang sabay-sabay, mag-hover sa bawat tala at lagyan ng check ang mga ito, pagkatapos ay i-click ang Higit pa I-delete ang mga tala.
Alisin sa archive ang mga tala
- Sa iyong computer, pumunta sa https://keep.google.com/.
- Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Menu I-archive .
- Mag-click ng tala para buksan ito.
- I-click ang Alisin sa archive .
I-recover ang mga na-delete na tala
Kapag nag-delete ka ng tala, may pitong araw ka para i-recover ito.
- Sa iyong computer, pumunta sa https://keep.google.com/.
- Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Menu Trash .
- Mag-click ng tala para buksan ito.
- Para mag-alis ng tala sa trash, buksan ito at i-click ang Higit pa I-restore.
Bakantehin ang iyong trash
Maaari mo ring bakantehin ang trash anumang oras. Kapag ginawa mo ito, permanenteng made-delete ang anumang tala sa trash.
- Sa iyong computer, pumunta sa https://keep.google.com/.
- Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Menu Trash .
- I-click ang Bakantehin ang Trash.