Lagyan ng label, kulayan, o i-pin ang mga tala

Para pagbukud-bukurin at mahanap ang iyong mga tala sa Google Keep, puwede mong lagyan ng label, kulayan, at i-pin ang mga tala. Kung ibinabahagi mo ang isang tala, ikaw lang ang makakakita ng mga ginawa mong paglagay ng label, pagkulay at pag-pin. Puwede kang gumawa ng hanggang 50 label.

Lagyan ng label ang iyong mga tala

Magdagdag ng label

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. I-tap ang tala na gusto mong lagyan ng label. Para pumili ng maraming tala, pindutin nang matagal ang isang tala at pagkatapos ay i-tap ang iba pang talang gusto mong piliin.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Pagkilos Menu ng pagkilos. Kung pumili ka ng maraming tala, puwede mong laktawan ang hakbang na ito.
  4. I-tap ang Mga Label Label.
    • Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng bawat label na gusto mo.
    • Para magdagdag ng label, maglagay ng pangalan ng label sa "Maglagay ng pangalan ng label" at i-tap ang Gawin Insert.
  5. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Bumalik Bumalik.
  6. Makikita mo ang label sa ibaba ng tala. Para mag-alis ng label, mag-tap ng tag.

Mag-edit ng label

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu.
  3. Sa tabi ng "Mga Label," i-tap ang I-edit.
  4. Hanapin ang label na gusto mong baguhin at i-tap ang I-edit I-edit.
    • Para mag-delete ng label, i-tap ang I-delete I-delete .
    • Para mag-edit ng label, maglagay ng bagong label at i-tap ang Tapos na Done.
  5. Kapag tapos ka na, i-tap ang Isara Close.

Palitan ang kulay o background ng iyong mga tala

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. I-tap ang talang gusto mong i-edit.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Pagkilos Menu ng pagkilos.
  4. Sa ilalim, pumili ng kulay o background mula sa gallery.
  5. Para i-save ang mga pagbabago, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Bumalik Bumalik.

Para mag-edit ng maraming tala:

  1. Pindutin nang matagal ang isang talaat pagkatapos ay i-tap ang iba pang talang gusto mong piliin.
  2. I-tap ang Baguhin ang kulay Kulay.
  3. Pumili ng kulay o background mula sa gallery.

Mag-pin ng mahahalagang tala

Puwede kang mag-pin ng mahahalagang tala sa itaas ng iyong feed ng Google Keep para mabilis na ma-access ang mga ito.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Keep app Google Keep.
  2. I-tap ang tala na gusto mong i-pin.
  3. I-tap ang I-pin ang tala I-pin.

Alamin kung paano mag-pin ng tala sa iyong Wear OS watch..

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8817321241757573602
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false