Mag-set up ng mga paalala para sa iyong mga tala

Puwede kang paalalahanan tungkol sa iyong mga tala pagsapit ng isang partikular na oras o kapag nakarating ka sa isang partikular na lugar.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Keep app Google Keep.
  2. Mag-tap ng tala.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Ipaalala sa akin Ipaalala sa akin.
  4. Puwede kang magtakda ng mga paalalang lalabas sa isang partikular na oras o lugar:
    • Paalala sa oras: I-tap ang isa sa mga default na oras, o i-tap ang Pumili ng petsa at oras. Maaari mo ring itakdang umulit ang paalala.
    • Paalala sa lokasyon: I-tap ang Pumili ng lugar. Pagkatapos, ilagay ang pangalan o address at i-tap ang Tapos na Done. Kakailanganin mong pahintulutan ang Keep na i-access ang iyong lokasyon.
  5. Lalabas ang paalala ng iyong tala sa ibaba ng text ng tala, sa tabi ng anumang mga label.
  6. Para isara ang iyong tala, i-tap ang Bumalik Bumalik.

Upang baguhin o i-delete ang iyong paalala anumang oras, i-tap ang oras o lugar ng paalala sa ibaba ng tala.

Tandaan: Para makakuha ng mga mas tumpak na paalala sa lokasyon at makatipid ng baterya, i-on ang Wi-Fi.

Tingnan ang mga nalalapit nang paalala

  1. Buksan ang Keep app Google Keep.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas ng Keep, i-tap ang  Menu Menu at pagkatapos ay Mga Paalala.
  3. Makikita mo ang lahat ng talang may mga nalalapit nang paalala.

Baguhin ang mga default na oras ng paalala

Puwede mong baguhin ang mga paunang nakatakdang oras ng paalala para sa umaga, hapon, at gabi. Alamin kung paano baguhin ang iyong mga default na oras ng paalala.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11742717122447175400
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false