Maghanap at sumali sa isang grupo

Ang artikulong ito ay para sa paghahanap ng mga pampublikong grupo na nagtatapos sa googlegroups.com. Para makahanap ng mga grupo sa iyong pantrabaho o pampaaralang account, pumunta sa Magsimula sa Groups: Maghanap at sumali sa isang grupo.

Puwede kang sumali sa isang grupo para makipagtalakayan tungkol sa isang paksa o makipag-ugnayan sa iyong team, organisasyon, klase, o ibang tao. Puwede kang sumali agad sa ibang grupo, pero sa iba, kinakailangan mong humiling ng membership.

Kailangan mo ng Google Account para makasali at makalahok sa mga grupo. Gayunpaman, hindi ka puwedeng sumali sa mga grupo gamit ang isang Google Account na naka-set up para sa batang wala pang 13 taong gulang. Kung pampubliko ang isang grupo, puwede mong hanapin at basahin ang mga mensahe ng grupo nang hindi sumasali rito.

Direktang sumali sa isang grupo

Depende sa mga setting ng isang grupo, puwede mong hanapin ang grupo at sumali rito mula sa page ng grupo. Kung alam mong may ganoong grupo pero hindi mo ito mahanap, makipag-ugnayan sa may-ari ng grupo para humiling ng access.

  1. Mag-sign in sa Google Groups.
  2. Hanapin ang grupo:
    1. Sa itaas, i-click ang Aking mga grupo at piliin ang Lahat ng grupo at mensahe.
    2. Sa box para sa paghahanap, ilagay ang pangalan o email address ng grupo o ang isang paksa sa grupo at pindutin ang Enter.
  3. (Opsyonal) Para i-customize o palawakin ang mga resulta ng paghahanap, pumili ng opsyon:
    • Kung may hinanap kang paksa at mga grupo lang ang gusto mong tingnan, sa itaas, i-click ang Groups.
    • Para tumingin ng higit pang resulta, sa ibaba ng mga resulta ng paghahanap sa Groups, i-click ang +x pang grupo.
  4. I-click ang grupoat pagkataposSumali sa grupo.

    Kung wala kang makitang anumang opsyong sumali sa grupo o kung ang makikita mo ay Hilinging sumali sa grupo o Makipag-ugnayan sa mga may-ari at manager, pumunta sa Hilinging sumali sa isang grupo (sa ibaba).

  5. Makikita ng sinumang puwedeng tumingin sa mga miyembro ng grupo ang iyong profile sa Google. Kung ayaw mong nakikita ang iyong profile:
    1. I-uncheck ang kahong I-link sa profile ng Google account ko.
    2. (Opsyonal) Para gumamit ng ibang display name, i-click ang Display name at ilagay ang pangalan.
  6. Para sa Subscription, piliin kung paano makakatanggap ng mga update sa email mula sa grupo.
  7. Kung available ito at ayaw mong awtomatikong ma-subscribe sa mga update kapag nag-post ka sa grupo, i-uncheck ang kahong I-subscribe ako sa mga update sa email.
  8. I-click ang Sumali sa grupo.

Hilinging sumali sa isang grupo

Kung hindi ka hinahayaan ng mga setting ng isang grupo na direktang sumali:

  1. Sundin ang mga hakbang 1–4 sa itaas sa Direktang sumali sa isang grupo.
  2. I-click ang Hilinging sumali sa grupo o Makipag-ugnayan sa mga may-ari at manager. Kung iki-click mo ang:
    • Hilinging sumali sa grupo—Maghintay ng email na kumukumpirma sa pag-apruba sa iyong membership.
    • Makipag-ugnayan sa mga may-ari at manager—Kumpletuhin at ipadala ang mensahe sa mga may-ari at manager ng grupo para humiling ng membership. Pagkatapos, maghintay ng email na kumukumpirma sa pag-apruba sa iyong membership.
  3. Kung walang anumang opsyong humiling o sumali, puwede ka lang sumali sa grupo sa pamamagitan ng direktang imbitasyon mula sa isang may-ari o manager ng grupo. Kung may kakilala kang may-ari o manager ng grupo, makipag-ugnayan sa kanya at hilingin sa kanyang imbitahan ka.

Sumali sa isang grupo nang walang Gmail addresss

Kung wala kang Gmail address, puwede ka pa ring sumali sa mga grupo. Kailangan mong iugnay ang iyong email address sa isang Google Account. Kung ikaw ay:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
71170997242781360
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
50
false
false