Mag-ulat ng pang-aabuso o legal na isyu

Kung naka-sign in ka sa account sa trabaho o paaralan, baka iba ang mga nakikita mong opsyon. Para matuto pa, makipag-ugnayan sa iyong administrator.

Pagkasumite mo ng ulat, sisiyasatin namin ito at gagawin namin ang naaangkop na pagkilos. Pakitandaang makikipag-ugnayan lang kami sa iyo kung kailangan namin ng mga karagdagang detalye o may maibabahagi kaming karagdagang impormasyon.

Tandaan: Kapag nag-ulat ka ng grupo o ng content nito, hindi ka maa-unsubscribe sa grupo. Para mag-unsubscribe, sundin ang mga hakbang sa Umalis sa grupo o mag-unsubscribe sa mga email.

Mag-ulat ng may poot o marahas na content, ibinahaging personal na impormasyon, o pag-promote ng mga kontroladong produkto at serbisyo

Puwede kang mag-ulat ng may poot o marahas na content, ibinahaging personal na impormasyon, o pag-promote ng mga kontroladong produkto at serbisyo sa antas ng grupo, pag-uusap, o mensahe.

Mag-ulat ng grupo

  1. Mag-sign in sa Google Groups.
  2. Hanapin ang grupo o mag-browse papunta ritoat pagkataposi-click ito.
  3. Sa itaas, i-click ang Higit pa at pagkataposMag-ulat ng mapang-abusong grupo.

Mag-ulat ng pag-uusap

  1. Mag-sign in sa Google Groups.
  2. Hanapin ang pag-uusap o mag-browse papunta ritoat pagkataposi-click ito.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-ulat ng pang-aabuso .

Mag-ulat ng mensahe

  1. Mag-sign in sa Google Groups.
  2. Hanapin ang mensahe o mag-browse papunta ritoat pagkataposi-click ito.
  3. Ituro ang mensahe, at sa kanan, i-click ang Higit pa at pagkataposIulat ang mensahe bilang pang-aabuso.

Mag-ulat ng ilegal na aktibidad

Mag-ulat ng mga mensaheng sa tingin mo ay ilegal.

Mag-ulat ng larawan ng menor de edad

Kung ikaw ang menor de edad sa larawan, o kung ikaw ang magulang o tagapag-alaga ng menor de edad, puwede mong hilinging paghigpitan ang pagbabahagi ng larawang iyon.

Matuto pa tungkol sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1167231486822153501
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
50
false
false