Pagkasumite mo ng ulat, sisiyasatin namin ito at gagawin namin ang naaangkop na pagkilos. Pakitandaang makikipag-ugnayan lang kami sa iyo kung kailangan namin ng mga karagdagang detalye o may maibabahagi kaming karagdagang impormasyon.
Tandaan: Kapag nag-ulat ka ng grupo o ng content nito, hindi ka maa-unsubscribe sa grupo. Para mag-unsubscribe, sundin ang mga hakbang sa Umalis sa grupo o mag-unsubscribe sa mga email.
Mag-ulat ng may poot o marahas na content, ibinahaging personal na impormasyon, o pag-promote ng mga kontroladong produkto at serbisyo
Puwede kang mag-ulat ng may poot o marahas na content, ibinahaging personal na impormasyon, o pag-promote ng mga kontroladong produkto at serbisyo sa antas ng grupo, pag-uusap, o mensahe.
Mag-ulat ng grupo
- Mag-sign in sa Google Groups.
- Hanapin ang grupo o mag-browse papunta ritoi-click ito.
- Sa itaas, i-click ang Higit pa Mag-ulat ng mapang-abusong grupo.
Mag-ulat ng pag-uusap
- Mag-sign in sa Google Groups.
- Hanapin ang pag-uusap o mag-browse papunta ritoi-click ito.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-ulat ng pang-aabuso .
Mag-ulat ng mensahe
- Mag-sign in sa Google Groups.
- Hanapin ang mensahe o mag-browse papunta ritoi-click ito.
- Ituro ang mensahe, at sa kanan, i-click ang Higit pa Iulat ang mensahe bilang pang-aabuso.
Mag-ulat ng ilegal na aktibidad
Mag-ulat ng mga mensaheng sa tingin mo ay ilegal.
Mag-ulat ng larawan ng menor de edad
Kung ikaw ang menor de edad sa larawan, o kung ikaw ang magulang o tagapag-alaga ng menor de edad, puwede mong hilinging paghigpitan ang pagbabahagi ng larawang iyon.