I-clear ang cache at cookies

Mas pinapadali ng cookies, na mga file na ginawa ng mga website na binisita mo, at ng cache ng iyong browser, na tumutulong na mag-load nang mas mabilis ang mga page, ang iyong pag-browse sa web.

Ang ibig sabihin ng pagki-clear sa cache at cookies ng iyong browser ay ide-delete ang mga setting ng website (tulad ng mga username at password) at maaaring magmukhang mas mabagal ang ilang site dahil kailangang i-load muli ang lahat ng larawan.

Paano mag-clear ng cache at cookies

Google Chrome
  1. Sa toolbar ng iyong browser, piliin ang menu ng Chrome Chrome menu.
  2. Piliin ang mga tool.
  3. Piliin ang I-clear ang data mula sa pagba-browse.
  4. Sa lalabas na kahon, piliin ang “Cookies at iba pang data ng site at plug-in,” at "Mga na-cache na larawan at file.”
  5. Sa kahon ng menu sa itaas, piliin ang "pinakasimula" upang i-delete ang lahat.
  6. Piliin ang I-clear ang data mula sa pagba-browse.
Iba pang mga browser
Suriin at sundin ang mga tagubiling ibinigay ng iyong browser:

Tip: Kung hindi naipapakita nang maayos ang mga web page, maaari mong subukang gamitin ang mode na "incognito" o “pribadong pagba-browse” ng iyong browser upang makita kung ang problema ay sanhi ng iba pang bagay bukod sa cache o cookies.

Sa Google, gumagamit kami ng cookies upang mapahusay ang kalidad ng aming serbisyo. Tingnan ang aming Patakaran sa Privacy para sa higit pang impormasyon tungkol sa cookies.