Mga Resource ng Ad Grants para sa COVID-19

Naapektuhan ng COVID-19 ang iyong kakayahang maisagawa ang mga layunin ng organisasyon mo. Narito kami para tumulong.
Alam naming nahaharap ang mga nonprofit sa mga natatanging hamon sa panahon ngayon. Sa panahon ng COVID-19, mas mahalagang maabot ang mga taong pinaglilingkuran mo, ang mga donor na inaasahan mo, at aktibong makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng iyong Ad Grants account.
 
May mga tip at resource sa ibaba na magagamit habang sinusuri mo ang iyong mga ad sa Ad Grants at umaaangkop ka sa mga dynamic na kundisyon sa merkado. 

Planuhin ang iyong pamamaraan para magtagumpay

Planuhin ang iyong pamamaraan para magtagumpay sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili mo ng mga sumusunod:

  1. Paano naapektuhan ang aking organisasyon?  Magsimula sa kung ano ang nakokontrol mo. Gamitin ang mga alituntunin sa ibaba para makagawa ng mga napapamahalaan at mabisang pagbabago sa iyong Ad Grants account.
  2. Ano ang mga pangunahing priyoridad para sa atin ngayon?  Nagbago ba ang mga ito dahil sa COVID-19? Gamitin ang mga tanong na ito para makatulong sa pagbibigay sa iyo ng direksyon kapag pinag-iisipan ang mga ad mo at ang call to action ng mga ito.
  3. Paano natin babaguhin ang ating mga pakikipag-ugnayan at serbisyo para sa ating mga donor at benepisyaryo?  Habang pinag-iisipan mo ang iyong pangkalahatang diskarte sa online, ang mga pagbabago sa mga pakikipag-ugnayan at alok mo ay nangangahulugan din ng mga pagbabago sa iyong mga ad.

Abutin ang pinakamahahalagang user

Kumpara sa dati, mas mahalaga na ngayong maabot ang mga taong makikinabang sa mga serbisyo ng iyong organisasyon, pati na rin ang mga taong puwedeng mag-ambag. Kapag naghahanap ang isang user ng impormasyon tungkol sa iyong adhikain sa Google.com, ang ad mo ang magiging pinakakapansin-pansin kung may kaugnayan ito sa hinahanap niya. 

Isaayos ang iyong account sa pamamagitan ng mga mabisang keyword

Gamit ang Keyword Planner, makakahanap ka ng mga bagong ideya sa keyword para sa iyong mga Search Network campaign na may kaugnayan sa mga serbisyo ng mga organisasyon mo. Sa iyong Ads account, sa kanang sulok sa itaas, i-click ang icon ng Mga tool at setting , pagkatapos, sa ilalim ng "Pagpaplano," i-click ang Keyword Planner.
  1. Pumili ng mga keyword na gusto mong pagpakitaan ng ad at i-cluster ang mga ito sa mga ad group na may tema.
  2. Magsulat ng 3-5 nakakaengganyong ad sa bawat ad group na may kaugnayan sa mga keyword sa ad group na iyon.
  3. Magro-rotate ang mga ad at uunahin ang mga ad na mas mahusay ang performance kaysa sa iba pang ad sa ad group.

Kung mas may kaugnayan ang iyong mga keyword sa mga ad mo at ang iyong mga ad sa landing page mo, mas magiging maganda ang karanasan ng user at ang kalidad ng ad mo.

Suriin kung may malinaw na mensahe ang iyong mga ad

  • Isaalang-alang ang iyong konteksto at tono. Tiyaking sensitibo ka sa kung ano ang posibleng maramdaman ng iyong audience sa ilang partikular na salita. Mag-ingat sa mga salitang may ibang kahulugan tulad ng “proteksyon,” “checkup,” “pag-iwas,” o “virus.” Para sa mga international na campaign, alamin ang mga lokal na terminong ginagamit para tukuyin ang COVID-19 at ang mga pagbabagong panrehiyon. 
  • Pag-isipan kung kapaki-pakinabang ang iyong mensahe. Halimbawa, i-edit ang iyong mga ad kung kinakailangan para maipaalam sa mga benepisyaryo kung nag-aalok ka ng mga binagong serbisyo tulad ng contactless na pag-pick up ng donasyong pagkain.

 Subaybayan ang iyong performance at tulungan ang mga user mo na manatiling updated 

Tiyaking napapanatili mo ang iyong performance sa panahong ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pangunahing sukatan tulad ng clickthrough rate na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagiging mabisa ng ad mo. Gawin ang anumang kinakailangang pagbabago sa iyong mga ad para maipakita ang kasalukuyang status ng organisasyon mo.

Unawain ang iyong kasalukuyang performance

CTR (Clickthrough rate): Isa ito sa mga pangunahing indicator ng kalagayan ng iyong mga ad. Ipinapakita nito kung gaano kadalas kini-click ng mga tao ang iyong ad pagkatapos itong makita. Bilang pamantayan, isinasaad ng CTR na mas mababa sa 1% sa Search Network na hindi naka-target ang iyong mga ad sa nauugnay na audience. Kung makikita mong mas mababa sa 1% ang iyong CTR, subukang pahusayin ang mga ad mo gamit ang mga tip sa ad na ito.
  • Suriin ang mga sukatan ng iyong performance, at maging handang magbago. Halimbawa, posibleng kailanganing isaayos ang iyong mensahe dahil sa malalaking pagbabago sa clickthrough rate at performance ng keyword.  
  • Isaalang-alang ang mga tool na makakatulong sa iyong umangkop. Halimbawa, makakatulong sa iyo ang Google Ads mobile app (iOSAndroid) na manatiling konektado sa mga campaign mo.

I-update ang iyong mga ad kapag binabago ang mga alok mo

I-pause ang mga ad group o ad kung kinakailangan. Suriin ang iyong mga serbisyo at alok na apektado ng COVID-19 at isaayos ang mga ito nang naaayon. Kung may ilang partikular na event o serbisyo kang ginawang online o ipinagpaliban sa ibang petsa, tiyaking i-pause ang mga lumang ad o i-update ang mga ito para maabisuhan ang iyong mga user. 

 Sukatin ang epekto para makagawa ng mga mahusay na pasya at makatipid ng oras

Mas mahalaga ang iyong oras sa ngayon dahil napakaraming pagbabagong nangyayari sa organisasyon mo bawat araw. Magkaroon ng kumpiyansa na mahahanap ng iyong mga ad ang mga pinakaangkop na user para sa iyo.

Alamin kung nagagawa ng mga user ang mga gustong pagkilos sa iyong site

Nakakatulong sa iyo ang paggamit ng pagsubaybay sa conversion para maunawaan kung nanghihikayat ng mga tamang pagkilos ang mga ad mo.
Ang pagsubaybay sa conversion ay isang libreng tool na nag-uulat tungkol sa mga gustong pagkilos na ginagawa ng mga bisita sa iyong website pagkatapos nilang makipag-ugnayan sa mga ad mo. Sinusukat ng mga pag-click ang trapiko at sinusukat naman ng mga conversion ang halaga at ang epekto ng mga ad para sa iyong organisasyon. 
Kung gagamit ka ng third party (hal. PayPal, GiveLively) para subaybayan ang mga donasyon, basahin ang aming mga gabay na partikular sa third party.
  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-click ang tools icon , at sa ilalim ng "Sukat," i-click ang Mga Conversion.
  3. I-click ang button na plus .
  4. I-click ang Website.
  5. Sa tabi ng “Pangalan ng conversion,” maglagay ng pangalan para sa conversion na gusto mong subaybayan, gaya ng “pag-sign up sa newsletter” o “pagbili ng bulaklak sa kasal.” Makakatulong ito sa iyong matukoy ang pagkilos na conversion na ito sa mga susunod sa ulat sa conversion.
  6. Sa tabi ng “Kategorya,” pumili ng paglalarawan para sa iyong pagkilos na conversion. Nagbibigay-daan sa iyo ang kategorya na i-segment sa mga ulat ang mga conversion mo, para makita mo nang magkakasama ang magkakatulad na conversion.
    • Kategorya ng Conversion

      Mga layunin sa conversion ng nonprofit
      Pagbili/Benta
      • Mga Donasyon
      • Mga Pagbili
      • Mga benta sa membership
      • Mga benta sa ticket 
      Pag-sign up
      • Pag-sign up ng volunteer
      • Pag-sign up sa email / newsletter
      • Pagsagot sa form para sa bagong membership
      • Libreng pagpaparehistro ng account
      • Pag-sign up sa event
      Lead
      • Mga pag-download ng impormasyon
      • Mga pag-click para tumawag
      • Pag-click para mag-email 
      • Mga pag-click sa mga social account
      • Mga pagsusumite ng form na makipag-ugnayan sa amin
      • Mga pag-click sa button na makipag-ugnayan sa amin
      Pagtingin sa isang pangunahing page
      • Pagbisita sa page na makipag-ugnayan sa amin kung wala kang form o button na “Makipag-ugnayan sa amin”
      • Mga layunin sa tagal ng oras sa site
      • Mga layunin sa mga page sa bawat session
      • Panonood ng mga video
      Iba pa
      • Iba pa
  7. Sa tabi ng “Halaga,” piliin kung paano susubaybayan ang halaga ng bawat conversion.
    • Gamitin ang parehong halaga para sa bawat conversion. Ilagay ang halaga ng bawat conversion sa iyong negosyo.
    • Gumamit ng iba't ibang halaga para sa bawat conversion. Gamitin ang opsyong ito kung, halimbawa, sinusubaybayan mo ang mga pagbili ng mga produktong may magkakaibang presyo. Sa ibang pagkakataon, kapag idinagdag mo ang iyong tag ng pagsubaybay sa conversion, kakailanganin mong i-customize ang iyong tag para masubaybayan ang mga halagang partikular sa transaksyon
    • Huwag gumamit ng halaga
  8. Sa tabi ng “Bilangin,” piliin kung paano bibilangin ang mga conversion na ito.
    • Isa. Pinakamainam ang setting na ito para sa mga lead, gaya ng form ng pag-sign up sa iyong website, kapag isang conversion lang sa bawat pag-click ng ad ang malamang na magdagdag ng halaga para sa negosyo mo.
    • Lahat. Pinakamainam ang setting na ito para sa mga benta, kapag malamang na magdagdag ng halaga para sa iyong negosyo ang bawat conversion.
  9. I-click ang Palugit ng conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga conversion pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa ad. Puwedeng 1 hanggang 90 araw ang palugit. Matuto pa tungkol sa mga palugit ng conversion.
  10. I-click ang Palugit ng view-through na conversion. Piliin sa drop-down kung gaano katagal susubaybayan ang mga view-through na conversion. Puwedeng 1 hanggang 30 araw ang palugit.
  11. I-click ang Isama sa “Mga Conversion.” Nagbibigay-daan sa iyo ang setting na ito — na napili bilang default — na magpasya kung isasama ba o hindi ang data para sa pagkilos na conversion na ito sa iyong column sa pag-uulat na "Mga Conversion." Kung ia-uncheck mo ang setting na ito, isasama pa rin ang data sa column na "Lahat ng conversion." Puwede mong i-uncheck ang setting na ito kung gumagamit ka ng Smart Bidding, at ayaw mong isama ang partikular na pagkilos na conversion na ito sa iyong diskarte sa pag-bid. Matuto pa tungkol sa setting na "Isama sa 'Mga Conversion.'"
  12.  I-click ang Gawin at magpatuloy.

Makakakita ka ngayon ng screen na nagpapakitang nagawa mo na ang iyong pagkilos na conversion. Sundin ang mga tagubilin para i-set up ang iyong tag sa pamamagitan ng pag-install mismo ng tag o paggamit ng Google Tag Manager.

I-automate ang iyong pag-bid para makatipid ng oras sa pamamahala ng account mo

Nauunawaan naming mas gipit sa oras ngayon ang mga nonprofit dahil sa mga pagbabago sa iyong mga pang-araw-araw na operasyon, pati na rin sa diskarte sa marketing. 

Kapag na-automate ang iyong mga pag-bid sa Google Ads, mas magiging madali at sigurado ang pagtatakda ng mga bid para matugunan ang iyong mga layunin sa performance. Makakatipid ka rito ng mahalagang oras sa pamamahala ng iyong account at makakatulong ito sa mga campaign mo na awtomatikong mag-optimize sa mga ad na nagbabalik ng pinakamahuhusay na resulta.

Ang Pag-maximize ng mga conversion, na isang diskarte sa Smart Bidding, ay awtomatikong nagtatakda ng mga bid para makatulong sa pagkuha ng pinakamaraming conversion para sa iyong campaign habang ginagastos ang badyet mo.
Layunin Diskarte sa Pag-bid

Makakuha ng mas maraming conversion gamit ang iyong target na CPA.

Awtomatikong nagtatakda ng mga bid sa Search ang target na CPA para makatulong sa pagkuha ng maraming conversion hangga't posible sa itinakda mong target na cost-per-action (CPA). Puwedeng mas mahal o mas mura ang ilang conversion kaysa sa iyong target.

Available ang target na CPA na pag-bid bilang isang karaniwang diskarte sa iisang campaign o portfolio na diskarte sa pag-bid sa maraming campaign at ad group.

Matuto pa tungkol sa Target na CPA.

Maabot ang isang target na return on ad spend (ROAS) kapag binigyan mo ng iba't ibang halaga ang bawat conversion. 

Awtomatikong nagtatakda ng mga bid ang target na ROAS para makatulong sa pagkuha ng malaking halaga ng conversion hangga't posible sa itinakda mong target na return on ad spend (ROAS). Puwedeng mas malaki o mas maliit ang balik ng ilang conversion kumpara sa iyong target.

Available ito bilang isang portfolio na diskarte sa pag-bid at bilang isang karaniwang diskarte para sa mga indibidwal na campaign.

Matuto pa tungkol sa Target na ROAS.

Makakuha ng mas maraming conversion habang ginagastos ang iyong badyet. 

    
Awtomatikong nagtatakda ng mga bid ang Pag-maximize ng Mga Conversion para makatulong sa iyong makakuha ng pinakamaraming conversion para sa campaign mo habang ginagastos ang iyong badyet.

Matuto pa tungkol sa Pag-maximize ng Mga Conversion.

Makakuha ng mas malaking halaga ng conversion habang ginagastos ang iyong badyet.  

Awtomatikong nagtatakda ng mga bid ang Pag-maximize ng Halaga ng Conversion para makatulong sa iyong makuha ang pinakamalaking halaga ng conversion para sa campaign mo habang ginagastos ang iyong badyet.

Matuto pa tungkol sa Pag-maximize ng Halaga ng Conversion.

 

Tingnan ang mga karagdagang tip at resource na makakatulong sa iyo sa pagharap sa COVID-19 sa Google for Nonprofits.

Puwede ka ring matuto pa tungkol sa pangkalahatang pagtugon ng Google sa COVID-19 dito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12295939243515557162
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false