Ekspertong gabay sa paggawa ng Ad Grants account

Gumawa ng campaign

  1. Kapag na-set up na ang pagsubaybay sa conversion, pumunta sa tab na “Mga Campaign” sa kaliwa.

  2. Sa page na "Mga Campaign," i-click ang +Bagong campaign.

  3. Sa ilalim ng “Piliin ang layuning magreresulta sa tagumpay ng campaign na ito para sa iyo,” i-click ang Gumawa ng campaign nang walang paggabay ng layunin.

  4. Sa ilalim ng “Pumili ng uri ng campaign,” i-click ang Maghanap.

  5. Sa ilalim ng “Piliin ang mga resultang gusto mong makuha mula sa campaign na ito,” piliin ang mga layuning pinakamalapit sa mga pagkilos na gusto mong gawin ng mga user kapag nakita nila ang iyong ad.

    • Kapag pinili mo ang Mga pagbisita sa website, ilagay ang iyong website.

    • Kapag pinili mo ang Mga tawag sa telepono, ilagay ang iyong numero ng telepono.

    • Kapag pinili mo ang Mga pag-download ng app, ilagay ang platform at pangalan ng iyong app.

  6. I-click ang Magpatuloy.

  7. Maglagay ng pangalan ng campaign.  Puwedeng ipaalala sa iyo ng pangalan ng campaign kung tungkol saan ang campaign. Halimbawa, "Magdala ng mga donasyon" o "Mag-recruit ng mga volunteer."

  8. Sa ilalim ng "Mga Network," i-unselect ang mga checkbox para Isama ang mga partner sa paghahanap ng Google at Isama ang Google Display Network.

  9. Sa ilalim ng "Mga Lokasyon," piliin ang mga may kaugnayang lokasyon kung saan ipapakita ang iyong mga ad, sa pamamagitan ng pagpili sa Maglagay ng isa pang lokasyon at paglalagay ng pangalan ng isang lungsod o rehiyon sa box para sa paghahanap.

Matuto pa tungkol sa pagpili ng mga lokasyon

Gumamit ng partikular na geo-targeting para ipakita ang mga ad sa mga lokasyon kung saan magiging kapaki-pakinabang sa mga user ang impormasyon at mga serbisyo ng iyong nonprofit.

Kung pangunahin mong pinaglilingkuran ang iyong lokal na komunidad, dapat lang ipakita ang mga ad mo sa iyong bayan o lokal na lugar, gaya ng mga food bank at mga lugar ng pagsamba.  

Kung isa kang organisasyong may iba't ibang serbisyo sa lokal at sa buong bansa, paghiwalayin ang mga campaign ayon sa heograpikong lugar para matiyak na makikinabang ang mga user sa iyong mga serbisyo sa kanilang heograpikong lokasyon.

Kung gusto mong i-brand ang iyong organisasyon sa mas malawak na heograpikong lugar, tulad ng isang museo na gusto ng mga bisita mula sa buong bansa, puwedeng malawakang naka-geo target ang isang campaign na nagsasaad ng iyong serbisyo at pangalan ng lungsod, tulad ng 'mga museo ng sining sa Toronto', habang karamihan ng iyong mga campaign ay magpapakita ng mga ad sa lugar ng Toronto.

Kung gumagawa ka ng humanitarian relief sa Nepal pero ang iyong pangunahing online na layunin ay ang mangalap ng donasyon at ang iyong mga donor ay nasa United States, ipakita ang mga ad mo sa US.

Bihirang may kaugnayan na magpakita ng mga ad sa buong mundo.

  1. Sa ilalim ng "Mga Wika," piliin ang mga wika kung saan mo gustong isulat at ipakita ang iyong mga ad.

  2. Sa ilalim ng "Badyet," ilagay ang 329 USD o mas mababa. Magkakaroon ka ng $329 USD bawat araw para gamitin sa lahat ng campaign mo.

  3. Sa ilalim ng "Pag-bid," i-click ang direktang pumili ng diskarte sa pag-bid. Sa ilalim ng “Piliin ang iyong diskarte sa pag-bid,” piliin ang Pag-maximize ng mga conversion, Target na CPA, o Target na ROAS na pag-bid sa drop-down na menu.

Matuto pa tungkol sa pag-bid sa Ad Grants

Ang anumang karagdagang campaign na ginawa sa iyong account ay dapat gumamit ng isa sa mga sumusunod na diskarte sa pag-bid: Pag-maximize ng mga conversion, Target na CPA, o Target na ROAS. Matuto pa.

  1. Sa ilalim ng "Mga extension ng sitelink," i-click ang pababang arrow sa tabi ng "Magdagdag ng mga karagdagang link sa iyong ad."

  2. I-click ang + Bagong extension ng sitelink.

  3. Maglagay ng hindi bababa sa 2 natatanging sitelink ng text. Dinadala ng mga sitelink ang mga tao sa mga partikular na page sa iyong site (hindi mo homepage), tulad ng iyong kalendaryo ng mga event, isa sa maraming programa, o iyong page ng donasyon. Kapag may nag-click sa mga sitelink mo, lumalaktaw sila agad sa kung saan nila gusto. Kinakailangan ng dalawang sitelink na may magkaibang URL, pero puwedeng gumawa ng marami hangga't may kabuluhan ito para sa iyong organisasyon. I-click ang Magdagdag ng sitelink para magdagdag ng mas maraming sitelink.

  4. I-click ang I-save.
  5. I-click ang I-save at magpatuloy para simulang gumawa ng mga ad group.

 

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15613588424671798363
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false