Gabay sa paggawa ng Google Ad Grants account

Gawin ang iyong ad

  1. Sa page na "Isulat natin ang iyong ad," sundin ang mga sunud-sunod na tagubilin  para gawin ang ad mo.

Mga tip sa pagsusulat ng mga epektibong ad

I-highlight kung bakit natatangi ang iyong organisasyon. Mga donasyong nababawasan ng 100% buwis? Nag-aalok ng pick-up para sa malalaking donasyon? Sabihin sa mga tao! I-highlight ang mga feature o aspeto na dahilan kung bakit namumukod-tangi ang iyong organisasyon.

Call-to-action. Sabihin sa iyong mga user kung ano magagawa nila. Huwag mo silang tanungin - ikaw ang maging sagot. Naghahanap ka ba ng mga volunteer? Sabihin sa mga user kung anong klase ng serbisyo ang maibibigay nila. Nag-aalok ka ba ng hotline? Sabihin sa mga user kung paano ka nila makakaugnayan. Nililinaw ng mga call to action - tulad ng magboluntaryo, mag-donate ngayon, mag-sign up, tumawag sa amin, o matuto pa - kung ano ang mga susunod na hakbang.

Gamitin ang espasyong available sa iyo. Pinapalaki ng mga na-expand na field ng headline ang naki-click na espasyo ng iyong mga ad at nagbibigay-daan ito sa iyong mas makaugnayan ang isang taong naghahanap bago pa siya magpasya kung magki-click ba siya sa site mo.

 

  1. Sa ilalim ng “Ang mga pag-click sa iyong ad ay napupunta sa,” isama ang partikular na page sa iyong website kung saan mo gustong madirekta ang iyong ad. Tiyaking madaling mahahanap ng mga user sa page ang kahit anong babanggitin mo sa ad. Baka umalis ang mga user sa iyong website kung hindi nila makikita ang inaasahan nila.

Pagdidirekta ng trapiko sa iba't ibang landing page

Para magdirekta ng trapiko sa mga karagdagang page ng iyong website, kakailanganin mong gumawa ng mga bagong campaign. Magagawa mo ito kapag nakumpleto mo na ang iyong unang pag-set up ng campaign.
  1. Bagama't isang ad lang ang kinakailangan para sa mga Smart campaign, inirerekomenda naming gumawa ng 2-3 ad para mapahusay ang performance. Para gawin ito, i-click ang “Magsulat ng isa pang ad” at sundin ang mga tagubilin sa itaas.
  2. I-click ang Susunod.
  3. Huwag magdagdag ng anumang larawan sa page na “Magdagdag ng mga larawan sa iyong ad (opsyonal).” 
  4. I-click ang Susunod.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2687185290019961279
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false