Gabay sa pag-activate ng Google Ad Grants

Gabay sa pag-activate ng Google Ad Grants

Kung walang Google for Nonprofits account ang iyong organisasyon, pakibisita ang website ng Google for Nonprofits para makapagsimula.

Pakikumpleto ang mga hakbang sa ibaba.

Kakailanganin mong gumamit ng iisang user name para sa iyong Google for Nonprofits account at Ad Grant account. Halimbawa, kung nag-sign up ka para sa Google for Nonprofits gamit ang username@gmail.com, maiuugnay rin ang Ad Grants account mo sa email address na iyon. Puwede kang mag-imbita ng mga karagdagang user para i-access at pamahalaan ang iyong Ad Grant account pagkatapos ng pag-activate.

Hakbang 1: I-verify kung secure ang iyong website sa pamamagitan ng HTTPS

  1. Mag-sign in sa Google for Nonprofits
  2. I-click ang Magsimula sa ilalim ng Google Ad Grants
  3. Ilagay ang website na gagamitin ng iyong organisasyon para sa Ad Grants
  4. I-click ang Isumite ang website para malaman kung secure ang iyong website

Hakbang 2: Panoorin ang welcome video

  1. Dapat 5 minuto ang itatagal nito. Nagbibigay ang video ng impormasyon tungkol sa mga requirement ng Google Ad Grants program at mga tip kung paano magtagumpay
  2. I-click ang checkbox para kumpirmahing nakumpleto mo ang video

Hakbang 3: Isumite ang iyong pag-activate para sa pagsusuri

  1. I-click ang Isumite ang request sa pag-activate para maisumite ang iyong pag-activate para sa pagsusuri

Susuriin ang iyong request sa pag-activate at makakatanggap ka ng email na may mga karagdagang tagubilin. Karaniwang tumatagal ang pagsusuri nang 3 business days.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6517194221122946378
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false