Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Mga tinatanggap na paraan ng pagbabayad

Maaari kang bumili ng mga app at digital na content sa Google Play gamit ang mga paraan ng pagbabayad mula sa iyong Google account. Kung ito ang unang pagkakataong bibili ka, idaragdag ang iyong paraan ng pagbabayad sa iyong Google account. Alamin kung paano magdagdag o magbago ng mga paraan ng pagbabayad sa idagdag o i-edit ang iyong paraan ng pagbabayad.

Iba-iba ang mga available na paraan ng pagbabayad ayon sa bansa:

Mga credit o debit card

Maaari mong idagdag ang mga sumusunod na credit/debit card sa iyong account:

  • American Express
  • Discover
  • JCB
  • MasterCard
  • Visa
  • Visa Electron

Tandaan: Maaaring mag-iba-iba ang mga uri ng mga card na tinatanggap sa pamamagitan ng Google Play. Maaaring may mapansin kang mga pansamantalang pahintulot sa iyong account kapag gumagamit ng credit o debit card.

Balanse sa Google Wallet

Sa United States at United Kingdom, maaari mong gamitin ang iyong Balanse sa Google Wallet upang bayaran ang iyong pagbili. Tiyakin lang na may sapat na pera sa iyong Balanse sa Wallet upang mabayaran ang kabuuang halaga ng bibilhin.

Direktang pagsingil ng carrier

Sa ilang mobile device at plan ng serbisyo, maaari mong singilin ang mga pagbili sa iyong carrier bill.

Mga kalahok na carrier sa USA: 

  • AT&T
  • Sprint
  • T-Mobile
  • US Cellular
  • Verizon

Kapag may binili ka, makikita mo ang singil sa iyong carrier account pagkalipas ng 15 minuto.

Tandaan: Maaaring makakita ka ng SMS (text message) na nagsisimula sa "DCB_Association" sa iyong telepono kapag nag-sign up ka para sa direktang pagsingil ng carrier. Awtomatikong ginagawa at ipinapadala ang mensaheng DCB_Association upang kumpletuhin ang pag-enroll sa direktang pagsingil ng carrier para sa iyong Google Play account. 

Pag-troubleshoot sa direktang pagsingil ng carrier

Kung wala kang makitang opsyon sa pagsingil ng carrier, tandaan na:

  • Available lang ang direktang pagsingil ng carrier gamit ang Google Play Store app. Hindi ito available sa website ng Google Play sa isang computer o mobile browser.
  • Ang iyong account sa iyong carrier ay dapat na nasa mabuting katayuan.

Tiyakin sa iyong carrier upang masigurong:

  • Hindi mo pa nalalampasan ang buwanang limitasyon sa paggastos ng iyong carrier.
  • Pinapayagan ng iyong device at plano ng serbisyo ang pagbili ng mga premium na content.
  • Maaaring gamitin ng iyong device ang direktang pagsingil ng carrier.

Mga nakanselang pagbili

Kinakansela kaagad ang mga pagbiling hindi matagumpay na napahintulutan ng iyong carrier. Para sa tulong sa mga hindi matagumpay na pagbili gamit ang direktang pagsingil ng carrier, makipag-ugnayan sa iyong mobile service provider.

Balanse sa Google Play at mga Google Play gift card
PayPal

Maaari mong gamitin ang PayPal upang bumili ng mga app at digital na content sa Google Play.

Tandaan: Kung naka-on ang iyong Security Key sa PayPal, kailangan mong idagdag ang PayPal sa iyong Google Play account gamit ang isang computer o web browser sa mobile. Hindi mo ito mali-link gamit ang Play Store app. Upang idagdag ang PayPal, kopyahin at i-paste ang play.google.com/store/account sa address bar ng isang web browser (gaya ng Chrome o Safari) at piliin ang "Magdagdag ng bagong paraan ng pagbabayad." Kapag naidagdag mo na ang PayPal, magagamit mo na ito sa pagbili ng mga bagay-bagay sa Play Store app at Play web store.

Mga hindi sinusuportahang uri ng pagbabayad

Hindi maaaring gamitin ang Google Play sa:

  • Mga wire transfer
  • Mga bank transfer
  • Western Union
  • Money Gram
  • Virtual Credit Cards (VCC)
  • Health Savings Account (HSA)
  • Mga transit card
  • Anumang escrow na uri ng pagbabayad