Puwede kang mag-bundle ng isang pangunahing subscription at maraming opsyonal na add-on sa subscription sa Google Play. Ibig sabihin, puwede mong bilhin ang subscription at ang lahat ng add-on sa iisang pagbili. Babayaran mo ang isang pinagsama-samang presyo at mananatiling naka-sync ang lahat bilang isang subscription. Tinatawag na base na subscription ang pangunahing subscription, at ang anumang karagdagang subscription na binili kasama ng base na subscription ay tinatawag na mga add-on. Halimbawa, puwede kang mag-subscribe sa isang sikat na serbisyo ng video streaming (ang base na subscription), at bumili rin ng espesyal na content o mga feature tulad ng 4K streaming, nada-download na content, o mga premium na channel (ang mga add-on).
Alamin ang tungkol sa mga add-on
- Iisa ang iskedyul ng pagsingil ng mga add-on: Lahat ng add-on na nasa iisang base na subscription ay may pare-parehong umuulit na sinasakupang panahon ng pagsingil, tulad ng buwanan o taunan, at iisang iskedyul ng pagsingil. Malalapat ito pagkatapos ng anumang indibidwal na trial o mga may diskwentong yugto. Kapag nag-subscribe ka sa isang add-on, awtomatikong ia-align ng Google Play ang iskedyul ng iyong pagsingil sa iskedyul ng pagsingil ng base na subscription mo. Posibleng makakita ka ng prorated na singil para sa add-on sa unang beses na bibilhin mo ito. Puwede ring mangyari ito pagkatapos ng trial o may diskwentong yugto para sa add-on.
- Kapag kinansela mo ang iyong base na subscription, awtomatiko nitong kakanselahin ang mga kaugnay na add-on: Makakansela mo lang ang iyong base na subscription at mga add-on nang magkasama. Kapag kinansela, hihinto sa pag-autorenew ang base na subscription at ang lahat ng add-on sa bundle mo, at mag-e-expire ito sa katapusan ng mga nauugnay na sinasakupang panahon ng pagsingil. Aabisuhan ka ng Google Play na nakansela ang iyong base na subscription na may mga nauugnay add-on.
- Hindi ka puwedeng mag-pause ng mga add-on: Sa kasalukuyan, hindi ka puwedeng mag-pause ng subscription na may mga add-on.
Mag-subscribe sa at magkansela ng mga add-on
- Mag-subscribe sa mga add-on: Kapag nag-subscribe ka sa isang add-on, posibleng magka-access ka kaagad o sa katapusan ng sinasakupang panahon ng pagsingil. Puwede kang makatanggap ng prorated na singil para sa natitira sa kasalukuyang sinasakupang panahon ng pagsingil para mai-align ang susunod na petsa ng pag-renew sa base na subscription.
- Magkansela ng mga add-on: Sa ngayon, hindi mo makakansela ang mga indibidwal na add-on mula sa Google Play. Pero posibleng may ganitong opsyon ang app. Puwede mong kanselahin ang iyong buong subscription sa subscription center ng Google Play.