Hindi mahanap ang isang app

Puwede kang mag-install ng mga app, laro, at digital na content sa iyong device mula sa Google Play. Sa iyong device, buksan ang Google Play at hanapin ang content na gusto mong i-install.

Kung hindi mo mahanap ang isang app sa iyong device, posibleng ito ay dahil:

Hindi available sa Google Play ang app

Kung hindi available sa Google Play ang isang app, kadalasang ito ay dahil pinili ng developer na alisin ang app, o inalis ang app dahil sa mga paglabag sa Kasunduan sa Pamamahagi para sa Google Play Developer.

Hindi compatible sa iyong device ang app

Mada-download o magagamit mo lang ang isang app sa iyong device kung compatible ang app sa device na iyon.

Ang mga indibidwal na developer ng app, hindi ang Google Play, ang tumutukoy sa compatibility ng app.

Para alamin kung compatible sa iyong device ang isang app:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. I-tap ang Search bar.
  3. Hanapin ang app na gusto mong i-download.
  4. I-tap ang app at pagkatapos Tungkol sa app na ito o Tungkol sa larong ito.
  5. Mag-scroll pababa para tingnan ang listahan ng mga compatible na aktibong device.

Ang mga device lang na naka-link sa iyong Google Account at naging aktibo sa nakalipas na 30 araw ang makikita mo. Ipapakita nito sa iyo ang status ng compatibility, laki ng download, at OS na nire-require para masuportahan ang app.

Para alamin kung plano ng developer na i-expand ang compatibility ng isang app sa hinaharap, puwede kang makipag-ugnayan sa developer ng app.

Hindi sinusuportahan sa iyong bansa ang app

Sa Google Play Store, ang mga app at content lang na compatible sa iyong bansa sa Google Play ang makikita mo. Kung papalitan mo ang iyong bansa sa Google Play, posibleng mawalan ka ng access sa in-app na content na hindi compatible sa bagong bansa mo sa Play. Kung lumipat ka sa bagong bansa o rehiyon, alamin kung paano palitan ang iyong bansa sa Google Play.

Para alamin kung plano ng developer na i-expand ang compatibility ng isang app sa hinaharap, puwede kang makipag-ugnayan sa developer ng app.

Naka-on ang parental controls

Kung naka-set up ang parental controls para pigilan ang pag-access sa isang app o laro, hindi mo mada-download o magagamit ang app o laro na iyon.

Kapag nag-set up ka ng parental controls sa Android device, mapaghihigpitan mo ang content na puwedeng i-download o bilhin sa Google Play Store. Alamin kung paano pamahalaan ang parental controls.

Kung sa pamamagitan ng system ng pagsingil ng Google Play sinisingil ang iyong subscription, posibleng makansela ang subscription mo, depende sa iyong petsa ng pag-renew at kung ibabalik o mapa-publish ulit ang app. Alamin kung paano magkansela, mag-pause, o magbago ng subscription.

Para sa karamihan ng mga pagbili sa Google Play, hindi nagbibigay ng refund ang Google. Gayunpaman, may ilang pagbubukod. Matuto tungkol sa mga refund sa Google Play.

Kung developer ka, para magtanong tungkol sa iyong app, pumunta sa Help Center ng Play Console.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
14460229710968931238
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false
false
false