Nakakonekta sa iyong Google Account, hindi lang sa device mo, ang mga app at digital na content, tulad ng mga aklat, laro, at pelikula. Hindi mo kailangang bilhin ulit ang mga ito kung kukuha ka ng bagong device. Puwede mong gamitin ang mga ito sa maraming device.
Mahalaga:- Kung marami kang account sa iyong device, bago mo tapusin ang iyong pagbili, siguraduhing sa account na gusto mong gamitin ka naka-sign in. Hindi ka makakapaglipat ng content sa pagitan ng mga account sa Google Play.
- Kung bumili ka ng app gamit ang maling account, makipag-ugnayan sa developer ng app. Posibleng mabigyan ka nila ng refund para sa pagbili mo.
Gamitin ang iyong telepono o tablet para mag-install ng app sa iba pang device
Para mag-install ng app sa iba pang Android device, tulad ng relo, TV, o kotse:
- Buksan ang Google Play Store
.
- Para maghanap ng app o content na gusto mong i-install, maghanap o mag-browse.
- Piliin ang item.
- Sa tabi ng “I-install,” piliin ang pababang arrow.
- Piliin ang checkbox para sa bawat device kung saan mo gustong i-install ang app.
- I-tap ang I-install.
Tip: Para maghanap ng app na compatible sa partikular na device, gamitin ang mga filter ng paghahanap ng device sa Google Play Store.
Gamitin ang iyong computer para mag-install ng app sa iba pang device
Para mag-install ng app sa iba pang Android device, tulad ng tablet, relo, TV, o kotse mula sa iyong computer:
- Pumunta sa play.google.com.
- Para hanapin ang app o content na gusto mong i-install, maghanap o mag-browse.
- Piliin ang item.
- I-click ang I-install.
- Tip: Sa ilalim ng “I-install,” sasabihin sa iyo ng Google Play kung available ang item para sa ilan, wala, o lahat ng device mo.
- Para piliin ang device kung saan mo gustong i-install ang app, gamitin ang dropdown.
- I-click ang I-install.
Tip: Para maghanap ng app na compatible sa partikular na device, gamitin ang mga filter ng paghahanap ng device sa Google Play Store.
I-sync ang iyong mga app sa maraming device
Kapag na-on mo ang Pag-sync ng app, pwedeng awtomatikong i-install sa iba pang device na naka-sign in sa Google Account mo ang mga app na ii-install mo sa iyong telepono o tablet. Puwede kang mag-sync ng mga app sa iba pang device tulad ng iyong tablet, relo, Chromebook, o TV. Kung gumagamit ka ng Android Automotive, puwede ka ring mag-sync ng mga app sa iyong kotse.
Para i-on ang Pag-sync ng app sa iyong telepono o tablet:
- Buksan ang Google Play Store
.
- I-tap ang iyong icon sa Profile.
- I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device
Mag-sync ng mga app sa mga device.
- Piliin ang mga device na gusto mong i-sync sa iyong mga app.
Mga Tip:
- Para mapadali sa iyong tukuyin ang mga device mo, puwede mong i-rename ang mga ito.
- Para mag-rename ng device, pumunta sa https://play.google.com/library/devices. Pagkatapos, i-edit ang “Nickname.”
Malayuang mag-uninstall ng mga app sa iba't ibang device
Madali kang makakapag-uninstall ng mga app sa pagitan ng mga device mula sa iyong telepono.
Para malayuang mag-uninstall ng mga app gamit ang iyong telepono:
- Buksan ang Google Play Store
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile.
- I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device
Pamahalaan.
- Sa dropdown menu, piliin ang device kung saan mo gustong mag-uninstall ng mga app.
- Piliin ang listahan ng mga app na gusto mong i-uninstall.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-uninstall
I-uninstall.
Mag-install ulit ng mga app sa bago o pangalawang device
Kung magkakaroon ka ng bagong device, o kung may mga problema ka sa Pag-sync ng app, puwede mong i-install ulit ang kahit anong app na binili mo dati. Para mag-install ulit ng app, kailangan mong gamitin ang parehong account sa lahat ng device. Alamin kung paano mag-install ulit ng mga app sa Android.
Tip: Posibleng hindi maging available ang ilang content sa lahat ng device.
Hindi puwedeng maglipat ng content sa pagitan ng mga account
Kung marami kang account, hindi ka makakapaglipat ng content sa pagitan ng mga account sa Google Play. Kung marami kang account sa iyong device, bago mo kumpletuhin ang pagbili mo, tiyaking naka-sign in ka sa account na gusto mong gamitin.
Kung bumili ka ng app gamit ang maling account, makipag-ugnayan sa developer ng app. Posibleng mabigyan ka nila ng refund para sa pagbili mo.