Tinutukoy ng developer ng app ang pauna at patuloy na pagiging kwalipikado mo para sa ganitong mga uri ng plan ng subscription. Halimbawa, puwedeng i-verify ulit ng developer ang iyong pagiging kwalipikado para sa may diskwentong student plan bago ang bawat pag-renew sa pamamagitan ng pagkumpirmang naka-enroll ka pa rin sa kwalipikadong institusyong pang-edukasyon. Sa ilang sitwasyon, posibleng kailanganin mong kumilos para i-verify sa developer ang iyong pagiging kwalipikado. Kung magtatapos ang pagiging kwalipikado mo, awtomatikong lilipat ang iyong subscription sa plan na tinukoy ng developer. Ibig sabihin, posibleng magbago ang presyo at mga benepisyong kasama sa iyong subscription.
Makakatanggap ka ng email mula sa Google Play nang mas maaga sa naturang paglilipat para maabisuhan ka tungkol sa iyong bagong plan at presyo. Puwede kang magkansela anumang oras nang walang karagdagang singil sa Mga Subscription sa Google Play. Alamin kung paano magkansela ng mga subscription sa Google Play. Para sa mga tanong na nauugnay sa iyong pagiging kwalipikado, mga tuntunin ng plan, o pagbabago sa plan, makipag-ugnayan sa developer.