Gumawa ng profile sa mga pagbabayad

Gumawa ng profile sa mga pagbabayad sa center sa mga pagbabayad para pamahalaan at subaybayan ang iyong mga benta ng app mula sa Play Console. Suriin ang listahan ng Mga sinusuportahang lokasyon para sa pagpaparehistro ng developer at merchant.
  1. Mag-sign in sa Play Console.
  2. Pumunta sa page ng Mga setting ng pagbabayad (Setup at pagkatapos ay Mga profile sa mga pagbabayad).
  3. I-click ang Gumawa ng profile sa mga pagbabayad. Tiyaking available ang impormasyon ng iyong negosyo para ma-set up ang profile sa mga pagbabayad mo.
  4. Sa ilalim ng "Profile sa mga pagbabayad," i-click ang pababang arrow at piliin ang Gumawa ng profile sa mga pagbabayad.
  5. Pangalan at address: 
    • Ilagay ang legal na pangalan ng iyong negosyo kung paano mo ito gustong lumabas sa profile sa mga pagbabayad mo. Ipinapakita ang impormasyong ito sa iyong mga customer at sa mga resibo mo. 
    • Ibigay ang legal na address ng iyong negosyo gaya ng kung paano ito nakalagay sa mga opisyal na dokumento. Mahalagang mayroon kaming nakatalang valid na pisikal na address para sa iyong negosyo. Hindi ka namin pinapayagang gumamit ng PO box address. Pagkatapos, kakailanganin mong tiyaking nakarehistro ang iyong bank account sa bansang nakalista sa profile sa mga pagbabayad mo. Matuto pa tungkol sa mga kinakailangan sa bank account.
  6. Pangunahing contact: Maglagay ng pangalan ng awtorisadong kinatawan para sa iyong kumpanya na puwedeng makausap ng Google kung may mga tanong kami tungkol sa profile sa mga pagbabayad mo. Magbigay ng email address at numero ng telepono (opsyonal).
  7. Ilagay ang sumusunod na pampublikong impormasyon ng negosyo, o piliing pagtugmain ang impormasyon ng iyong pampublikong profile ng merchant at profile sa mga pagbabayad:
    • Ilagay ang website ng iyong negosyo.
    • Piliin ang kategorya ng mga produktong ibinebenta mo.
    • Ang email ng iyong customer support.
    • Ang pangalan ng negosyo o produkto na lalabas sa mga credit card statement ng iyong mga user.
      • Tip: Para matulungan ang mga customer na maalala ang kanilang binili at mabawasan mga chargeback para sa iyo, gumamit ng naaangkop na pangalan ng credit card statement.
  8. Kapag natapos ka na, i-click ang Isumite.
    Tip: Hindi mo mababago ang bansa ng lokasyon ng iyong negosyo, pero puwede mong baguhin ang iyong pampublikong profile ng merchant at profile sa mga pagbabayad sa ibang pagkakataon.

Pagkatapos mong gumawa ng profile sa mga pagbabayad, awtomatiko itong mali-link sa iyong Play Console. Tandaan: Kung dati ka nang nag-set up ng profile sa mga pagbabayad o merchant center account, naka-link na ito sa iyong Play Console.

Kung kailangan mo ng tulong, makipag-ugnayan sa amin.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13870151836723643131
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
92637
false
false