Matukoy nang maaga ang mga isyu sa app sa pamamagitan ng mga pre-review check

Matutulungan ka ng mga pre-review check na matukoy ang mga potensyal na problema sa mga pagbabagong pinaplano mong gawin sa iyong app, bago mo ipadala para sa pagsusuri ang mga iyon. May mga problemang posibleng kritikal at dapat ayusin bago mo ipadala para sa pagsusuri ang mga ginawa mong pagbabago.

Pangkalahatang-ideya

Mahahanap mo ang mga pre-review check sa page na Pangkalahatang-ideya ng pag-publish, sa seksyong "Mga pagbabagong hindi pa naipapadala para sa pagsusuri." Lalabas lang ang seksyong ito kung gumawa ka ng mga pagbabago sa iyong app mula noong huli itong ipinadala para sa pagsusuri.

Awtomatikong tatakbo ang mga pre-review check sa tuwing gagawa ka ng mga pagbabago sa iyong app. Matitingnan mo ang status ng mga iyon sa page na Pangkalahatang-ideya ng pag-publish , pero dapat tandaan ang sumusunod:

  • May mga check na mas matagal kaysa sa iba kaya posibleng makakita ka ng tinatayang tagal ng panahon bago matapos ang mga iyon.
  • Hindi mo kailangang hintaying matapos ang mga check para maipadala para sa pagsusuri ang mga ginawa mong pagbabago. Puwede mong ipadala anumang oras ang mga pagbabago, at tatapusin namin ang mga check na ito bago namin ipadala para masuri ang mga ginawa mong pagbabago.

Makikita kaagad ang mga isyu sa sandaling matuklasan ang mga iyon. I-click ang Tingnan ang mga isyu para matuto tungkol sa bawat isyu.

Matuto pa tungkol sa aming proseso ng pagsusuri ng app sa Google Play Academy.

Tingnan ang halimbawang screen capture ng mga pre-review check

Pamamahala ng mga natukoy na isyu

Naghahanap kami ng iba't ibang isyu. Nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa bawat isyu nang may kasamang mga link para matulungan kang ayusin ang mga iyon o matuto pa tungkol sa nauugnay na paksa. Puwede mong ayusin sa Play Console mismo ang maraming isyu. May ibang isyu naman na posibleng mangailangan ng mga teknikal na pagbabago sa iyong app kaya baka kailanganin mong gumawa at mag-upload ng bagong bersyon ng app.

May mga isyung dapat ayusin bago ka makapagpatuloy. Puwedeng ipagpaliban ang iba sa pamamagitan ng pagpili sa Balewalain ang isyu. Para balewalain ang isyu, dapat mong ihayag kung bakit sa pamamagitan ng pagpili sa isa o higit pang dahilan, halimbawa, "May plano na akong lutasin ang isyung ito" o "Mali ang isyung ito." Ila-log ang impormasyong ito sa Log ng aktibidad, at gagamitin namin ang sagot mo para makatulong na mapabuti ang pagkamaaasahan ng mga check namin.

Hindi makakaapekto sa resulta ng pagsusuri ng iyong app ang sagot mo, pero kung hindi gagana ang iyong app dahil sa isyu, posibleng tanggihan iyon sa pagsusuri dahil hindi iyon nakakasunod sa mga patakaran ng Google Play kaugnay ng kalidad ng app (gaya ng patakaran sa Minimum na Functionality).

Kung babalewalain mo ang mga isyu at hindi mo aayusin ang mga iyon pagkatapos, posibleng lumabas uli ang mga iyon sa hinaharap.

Tingnan ang halimbawang screen capture ng natukoy na isyu

Mga kinakailangang pahintulot para magbalewala ng mga isyu

Mga user lang na may isa sa mga sumusunod na pahintulot ang puwedeng magbalewala ng mga isyu:

Ito ang mga pahintulot na ginagamit para sa iba pang feature sa page na Pangkalahatang-ideya ng pag-publish, kabilang ang pinapamahalaang pag-publish, kaya hindi mo kailangang baguhin dapat ang mga pahintulot ng user na kasalukuyang nakatalaga sa iyo.

Mga madalas itanong

Bakit may mga ganitong bagong check?

Gusto ka naming mabigyan ng maagang feedback tungkol sa anumang kritikal na isyu sa mga pinaplano mong pagbabago para masigurong gagana nang maayos ang iyong app para sa mga user mo. Matutulungan ka rin ng mga ito na maiwasan ang mga karaniwang pagkakamali na puwedeng maging dahilan ng pagtanggi sa mga ginawa mong pagbabago sa proseso ng pagsusuri.

Bago ba ang mga check na ito?

Dati pa kami nagsasagawa ng mga check para masigurong nakakasunod ang mga app sa aming Patakaran ng Programa para sa Developer at maganda ang performance ng mga iyon sa mga device ng mga user. Ipapakita na namin ngayon ang ilan sa mga ito sa simula pa lang sa Play Console kasama ang ilang mas bagong pagsusuri sa kalidad, gaya ng mga isyu sa compatibility ng app sa mga mas bagong bersyon ng Android, para makatipid ka ng oras.

Pareho lang ba ang mga pre-review check at ang dati nang proseso ng pagsusuri ng app?

Hindi. Isinasagawa ang mga check na ito bago sumalang ang iyong app sa proseso ng pagsusuri.

Ano-anong pre-review check ang isinasagawa?

Nagsasagawa kami ng iba't ibang pre-review check sa buong app mo. Kabilang sa mga halimbawa ng mga check ang pagsisigurong kasama sa iyong mga update ang lahat ng mandatoryong deklarasyon sa page na Content ng app (Patakaran at mga programa > Content ng app), at pagtukoy ng matataas na rate ng pag-crash sa ilang partikular na device o bersyon ng Android.

Gaano katagal ang mga check?

Hindi lalampas ng 15 minuto bago magkaroon ng resulta ang lahat ng check pero karaniwang mas maikli ang mga ito. Puwede mong piliin ang Ipadala para sa pagsusuri habang tumatakbo pa ang mga check at wala pa kaming nahahanap na isyu. Tatapusin namin ang mga check at awtomatiko naming ipapadala para sa pagsusuri ang mga ginawa mong pagbabago kung wala kaming mahanap na isyu.

Paano gumagana ang mga check na ito sa API?

Kasalukuyang sa website lang ng Play Console tumatakbo ang karamihan sa mga check na ito, at may subset na tumatakbo sa API. Tatakbo sa API ang mga check na halos nagkakaresulta kaagad, at hindi tatakbo sa API ang mga mas matagal na check.

Puwede ko bang piliing balewalain na lang ang lahat ng isyu?

Hindi. May mga check na kinakailangan para sa pag-publish sa Google Play at hindi mababalewala. Kabilang sa mga halimbawa ang mga kulang na deklarasyon sa content ng app at iba pang impormasyon tungkol sa iyong app.

Ano ang ginagawa sa mga sagot na pinili pagkatapos kong magbalewala ng isyu?

Ginagamit namin ang mga sagot na iyon para matulungan kaming maunawaan kung tama o mali kami para mapabuti ang pagkamaaasahan ng mga check namin at para maunawaan ang pananaw mo sa mga check na ito. Hindi makakaapekto sa resulta ng pagsusuri ng iyong app ang sagot mo, pero kung hindi gagana ang iyong app dahil sa isyu, posibleng tanggihan iyon dahil hindi iyon nakakasunod sa mga patakaran ng Google Play kaugnay ng kalidad ng app (gaya ng patakaran sa Minimum na Functionality).

Kung makapasa ako sa lahat ng pre-review check, puwede pa rin ba akong bumagsak sa proseso ng pagsusuri ng app?

Oo. Posibleng pumasa sa lahat ng pre-review check at bumagsak pa rin sa proseso ng pagsusuri ng app na mas komprehensibo kaysa sa mga pre-review check na ipinapakita namin sa Play Console mismo.

Ano ang mangyayari kung magpadala ako ng mga pagbabago para sa pagsusuri bago matapos ang mga check?

Tatakbo pa rin ang mga check, at awtomatikong ipapadala para sa pagsusuri ang mga ginawa mong pagbabago kapag tapos na ang mga check hangga't walang natukoy na kritikal na isyu.

Tama ba ang lahat ng natutukoy na isyu?

Sinisikap naming tumama pero may mga isyung baka mali dahil sa pagiging teknikal ng mga iyon. Puwede mong balewalain ang mga iyon at pumili ng naaangkop na dahilan para mabigyan kami ng feedback.

Kaugnay na content

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6301009525830264025
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
92637
false
false