Saan naka-store ang data ng iyong telepono
Bina-back up sa iba't ibang lugar ang impormasyon sa iyong telepono, depende sa operating system nito. Kung ia-upload sa Google ang iyong mga backup, ie-encrypt ang mga ito gamit ang password ng Google Account mo. Para sa ilang data, ginagamit din sa pag-encrypt ang PIN, pattern, o password ng lock ng screen ng iyong telepono.
Mabubura ang data ng iyong backup (maliban sa iba-back up mo sa Google Photos) kung:
- Hindi mo gagamitin ang iyong device nang 57 araw
- Io-off mo ang mga pag-back up
Ang sine-save ng Backup by Google One
Awtomatikong sine-save ng Backup by Google One ang data mula sa iyong telepono. Kasama rito ang:
- Data ng app
- History ng tawag
- Mga contact
- Mga setting
- Mga SMS message
- Mga larawan at video
- Mga MMS message
- Mga iMessage, SMS text, at MMS message
- Data ng app
- Mga setting ng device
Awtomatikong i-back up ang iyong telepono
Sa iyong computer, puwede mong tingnan kung anong data at mga app ang kasama sa iyong backup file.
- Sa iyong computer, pumunta sa Google One.
- Mag-scroll sa "Backup ng device" at i-click ang Tingnan.
- I-click ang device kung nasaan ang backup na gusto mong tingnan.
Tip: Nakalista rin ang mga device na bina-back up ng ibang miyembro ng iyong pamilya sa Google One. Hindi mo matitingnan ang mga detalye ng mga bina-back up ng iyong pamilya. - Sa ibaba ng device na gusto mong tingnan, i-click ang Tingnan ang mga detalye.
I-delete ang iyong data sa mga pag-back up
Kung io-off mo ang Backup by Google One sa iyong device, made-delete ang mga backup mo. Mananatiling naka-save sa iyong Google Photos ang mga larawan at video na dati mo nang na-back up.
Kung hindi mo gagamitin ang iyong device nang 57 araw, mabubura din ang data na na-back up mo (maliban sa mga larawan o video).