Magbahagi ng mga file mula sa Google Drive

Puwede mong ibahagi kahit kanino ang mga file at folder na sino-store mo sa Google Drive.

Kapag nagbahagi ka mula sa Google Drive, makokontrol mo kung magagawa ng mga tao na i-edit, lagyan ng komento, o tingnan lang ang file. Kapag nagbahagi ka ng content mula sa Google Drive, malalapat ang mga patakaran ng programa ng Google Drive.

Hakbang 1: Hanapin ang file na gusto mong i-share

Mag-share ng isang file

Tip: Kung mayroon kang nakabinbing request na mag-share ng bukas na dokumento, sa kanang bahagi sa itaas, makakakita ka ng tuldok sa tabi ng I-share Share.

  1. Sa computer, pumunta sa Google Drive, Docs, Sheets, o Slides.
  2. I-click ang file na gusto mong ibahagi.
  3. I-click ang Ibahagi Share.
Magbahagi ng maraming file
  1. Sa computer, pumunta sa drive.google.com.
  2. Sa iyong keyboard, pindutin nang matagal ang Shift at pumili ng dalawa o higit pang file.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Ibahagi Share.

Alamin kung paano magdagdag ng mga file sa isang folder at ibahagi ang buong folder.

Magpadala at magbahagi ng Mga Google Form

Iba ang mga opsyon sa pagbabahagi ng Google Forms kaysa sa iba pang uri ng mga file.

Hakbang 2: Piliin kung kanino ishe-share at kung paano nila magagamit ang iyong file

Mag-share sa mga partikular na tao
Important: If you use a Google Account through work or school, you might not be able to share files outside of your organization.
  1. On your computer, go to Google Drive.
  2. Select the file you want to share at pagkatapos ay Share Add approver .
  3. Enter the email address you want to share with. If you use a work or school account, you can share with suggested recipients.
    • Tip: To turn off suggested recipients, go to your Drive Settings Mga setting. Uncheck "Show suggested recipients in the sharing dialog."
  4. Decide how people can use your file. Select one:
    • Viewer
    • Commenter
    • Editor
  5. If you use an eligible work or school account, click Add expiration to add an expiration date.
  6. When you share your file, each email address gets an email.
    • Optional: Add a message to your notification email.
    • If you don't want to notify people, uncheck the box.
  7. Click Send or Share.
Magbahagi sa isang grupo o sa isang partikular na tao

Ibahagi sa isang Google Group

Puwede kang magbahagi ng mga file sa Google Groups sa halip ng mga partikular na tao. Kapag ikaw ay:

  • Nagdagdag ng miyembro sa isang grupo: Nagkakaroon ang taong iyon ng pahintulot para ma-access ang mga file at folder na mayroon ang grupo.
  • Nag-alis ng miyembro mula sa isang grupo: Nawawalan ang taong iyon ng pahintulot na i-access ang mga file at folder na mayroon ang grupo.

Para magbahagi ng file sa iyong Google Group:

  1. Gumawa ng Google Group.
  2. Magdagdag ng mga miyembro sa iyong grupo.
  3. Ibahagi ang file sa iyong grupo.

Tip: Bago lumabas ang isang file sa folder na “Nakabahagi sa akin,” dapat mong buksan ang file na iyon mula sa isang imbitasyon o link. 

Magbahagi sa isang Chat space

Para magbahagi ng mga file sa isang Chat space, puwede mong idagdag ang file na gusto mong ibahagi sa Chat space na iyon.

Para magdagdag ng file sa Drive sa isang Chat space:

Opsyon 1: 

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Chat.
  2. Piliin ang Chat space kung saan mo gustong ibahagi ang file.
  3. Sa ibabang bahagi sa kaliwa, i-click ang Menu sa pag-integrate at pagkatapos ay Drive .
  4. Piliin ang file na gusto mong ibahagi sa isang Chat space.
  5. I-click ang Ilagay.

Opsyon 2: 

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Drive.
  2. Mag-right click sa file na gusto mong ibahagi sa isang Chat space.
  3. I-click ang Kunin ang link at pagkatapos ay Kopyahin ang link at pagkatapos ay Tapos na
  4. Pumunta sa Google Chat.
  5. Piliin ang Chat space kung saan mo gustong ibahagi ang file. 
  6. Sa field ng mensahe, i-paste ang kinopya mong link.

Mga Tip:

  • Kung magpapadala ka ng file sa isang Chat space, may lalabas na prompt para magbigay ng access.
    • Kung magbibigay ka ng access sa Chat space na iyon, magkakaroon din ng access sa mga nakabahaging file ang mga taong sasali sa space sa hinaharap.
  • Kapag may mga umalis na tao sa Chat space, mawawalan sila ng access sa mga file sa Chat space na iyon kung wala silang access sa pagbabahagi:
    • Bilang indibidwal
    • Bilang miyembro ng ibang grupo
  • Para magbigay ng access sa file, dapat ay mayroon kang access sa pag-edit sa file na gusto mong i-share. 

Matuto pa tungkol sa kung paano bigyang-daan ang ibang tao na tingnan, lagyan ng komento, o i-edit ang mga file.

Magdagdag ng petsa ng pag-expire

Available lang ang feature na petsa ng pag-expire para sa mga kwalipikadong pantrabaho o pampaaralang account.

Hindi ka naka-sign in ngayon.

Mag-sign in sa iyong pantrabaho o pampaaralang account

Payagan ang pangkalahatang access sa mga file

Mapipili mo kung dapat maging available sa kahit sino o limitado lang sa mga taong may access ang iyong file. Kung papayagan mong mag-access ang sinumang mayroong link, hindi paghihigpitan ng iyong folder kung sino ang makaka-access nito.

  1. Piliin ang file na gusto mong ibahagi.
  2. I-click ang Ibahagi o Ibahagi Share.
  3. Sa “Pangkalahatang access,” i-click ang Pababang arrow Down.
  4. Piliin kung sino ang puwedeng mag-access sa file.

  1. Para pagpasyahan kung ano ang magiging tungkulin ng mga tao sa iyong file, piliin ang Tumitingin, Tagakomento, o Editor.
  2. I-click ang Tapos na.
Magbahagi ng file sa publiko
  1. Piliin ang file na gusto mong ibahagi.
  2. I-click ang Ibahagi o Ibahagi Share.
  3. Sa “Pangkalahatang access,” i-click ang Pababang arrow Down.
  4. Piliin ang Sinumang may link.
  5. Para pagpasyahan kung ano ang magiging tungkulin ng mga tao, piliin ang TumitinginTagakomento, o Editor.
  6. I-click ang Kopyahin ang link.
  7. I-click ang Tapos na.
  8. I-paste ang link sa email o anumang lugar kung saan mo ito gustong ibahagi.

Lalabas bilang mga anonymous na hayop sa iyong file ang mga taong hindi naka-sign in sa Google AccountMatuto pa tungkol sa mga anonymous na hayop.

Mag-share at makipag-collaborate sa isang file sa maraming tao

Mahalaga:

  • Sa anumang oras, puwede lang i-edit ang isang Google Docs, Sheets, o Slides file sa hanggang 100 nakabukas na tab o device. Kung mahigit 100 instance ng file ang nakabukas, ang may-ari lang at ang ilang user na may mga pahintulot na mag-edit ang puwedeng mag-edit sa file.
  • Puwede lang i-share ang isang file sa hanggang 600 indibidwal na email address.

Para mag-share at makipag-collaborate sa isang file na may napakalawak na audience:

I-publish ang file

Gumawa ng Site ng Google

Mag-share ng mga file sa mga collaborator ng iyong site

  • Para tiyaking naa-access ng lahat ng collaborator ng site at viewer ang mga file na naka-embed sa mga site, dapat mong i-share ang access sa file sa kanila kapag nag-publish ka ng site. Puwede mong i-update ang mga pahintulot sa pag-share, kapag ikaw ay nag-embed ng file, nag-publish, o nag-share ng site.

Mangolekta ng feedback gamit ang Google Forms

  • Kung kailangan mong mangalap ng maraming impormasyon, gumawa ng Google Form. Itatala ang mga sagot sa isang Google Sheet. Mga tao lang na may kailangang gawin sa mga sagot ang bigyan ng access sa pag-edit. Para bigyang-daan ang mahigit 100 tao na buksan ang mga sagot, i-publish ang spreadsheet sa web at gumawa ng link na ishe-share sa mga taong may access. Alamin kung paano mag-publish ng file.

Ayusin ang mga problema sa mga dokumentong naka-share sa maraming tao

Kung naka-share sa maraming tao ang iyong dokumento at nagka-crash ito o hindi ito mabilis mag-update, subukan ang mga tip na ito sa pag-troubleshoot:

  • Sa halip na payagan ang mga tao na magkomento sa isang dokumento o spreadsheet, gumawa ng Google Form para makolekta ang feedback. Alamin kung paano gumawa ng Google Form.
  • Kung gumagawa ka ng kopya ng isang dokumento, huwag isama ang mga nalutas nang komento at suhestyon. Alamin kung paano gumawa ng kopya.
  • I-delete ang mas lumang impormasyon o ilipat ang data sa isang bagong dokumento.
  • Hilingin sa mga taong may access na isara ang dokumento kapag hindi nila ito ginagamit.
  • Ang pinakamahalagang impormasyon lang ang isama sa isang naka-publish na dokumento. Mas mabilis mag-load ang mas maiikling dokumento.
  • Bawasan ang bilang ng mga taong may access sa pag-edit sa isang dokumento.
  • Kung nangongolekta ng impormasyon mula sa maraming dokumento, gumawa ng bagong access-only na dokumento na ishe-share sa maraming tao.

Limitahan kung paano ishe-share ang isang file

Piliin kung puwedeng tumingin, magkomento, o mag-edit ang mga tao

Kapag nag-share ka ng file sa isang tao, mapipili mo ang kanilang level ng access:

  • Tumitingin: Puwedeng mag-access ang mga tao, pero hindi nila mababago o mashe-share ang file sa iba.
  • Tagakomento:Puwedeng magkomento at magmungkahi ang mga tao, pero hindi nila mababago o mashe-share ang file sa iba.
  • Editor: Magagawa ng mga tao na gumawa ng mga pagbabago, tanggapin o tanggihan ang mga suhestyon, at ibahagi ang file sa iba.
Baguhin ang pangkalahatang access para sa iyong file

Puwede mong payagan ang malawak na access sa iyong file. Nakadepende ang mga opsyong ito sa kung sa pamamagitan ba ng trabaho, paaralan, o Gmail ang iyong Google Account.

  • Pampubliko: Puwedeng maghanap sa Google at magkaroon ng access sa iyong file ang kahit sino, nang hindi nagsa-sign in sa kanyang Google Account.
  • Sinumang may link: Magagawa ng kahit sinong may link na gamitin ang iyong file, nang hindi nagsa-sign in sa kanyang Google Account.
  • Pinaghihigpitan: Mga tao lang na may access ang makakabukas ng file.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13569936494239699947
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5044059
false
false