Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-set up at kontrolin ang mga Microsoft Xbox device gamit ang Assistant

Puwede mong kontrolin ang mga Microsoft Xbox device gamit ang iyong boses kapag na-link mo ang mga ito sa Google Home app. Kung magdaragdag ka ng speaker o display na may Assistant, puwedeng hands-free ang pagkontrol gamit ang boses.  

Mga sinusuportahang device

  • Xbox One
  • Xbox One S at S All-Digital Edition
  • Xbox One X

I-link ang iyong Xbox sa Google Home app

Mabilisang setup

Magagamit mo ang mabilisang setup kung sinundan mo ang isang link ng shortcut sa iyong TV at na-enable mo na ang mga digital na assistant at instant-on sa iyong Xbox. 

Sa iyong telepono o tablet, sundin ang shortcut na ito:

I-link ang iyong Xbox sa Google Account mo

Kung na-download mo na ang Google Home app, dadalhin ka ng link sa screen kung saan mali-link mo ang iyong Xbox account sa Home app. 

  1. Sundin ang mga hakbang sa pag-link ng account ng Microsoft, at magtalaga ng mga console sa mga kwarto.
  2. Handa na ang iyong Xbox. I-tap ang Tapos na.
  3. Tapos na ang pag-set up. Puwede mo na ngayong kontrolin ang Xbox mo gamit ang iyong boses.

Kung hindi mo pa nada-download ang Google home app, dadalhin ka ng link sa isang screen kung saan makukuha mo ang app. I-download ang app, pagkatapos ay buksan ulit ang link ng shortcut.

Manual na i-link ang iyong account

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-set up ang iyong speaker o display na may Assistant sa pamamagitan ng Google Home app Google Home app, kung hindi mo pa ito nagagawa. (Opsyonal na hakbang kung gusto mo ng hands-free na pagkontrol gamit ang boses.) 
  3. I-set up ang iyong Xbox alinsunod sa mga tagubilin ng manufacturer, kung hindi mo pa ito nagagawa.
  4. Sa iyong Xbox, itakda ang power mode sa instant-on at i-enable ang mga digital na assistant.
  5. Buksan ang Google Home app Google Home app. Tiyaking mayroon ka ng pinakabagong bersyon.
  6. I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  7. Ilagay ang Xbox sa search bar piliin ang Xbox.
  8. Sundin ang mga hakbang sa pag-link ng account ng Microsoft, at magtalaga ng mga console sa mga kwarto.
  9. Handa na ang iyong Xbox. I-tap ang Tapos na.
  10. Tapos na ang pag-set up. Puwede mo na ngayong kontrolin ang Xbox mo gamit ang iyong boses.

Kontrolin ang iyong Xbox

Narito ang ilang basic na command gamit ang boses na magagamit mo. Tiyaking gamitin ang pangalan ng iyong console na tulad ng nakikita sa Google Home app. 

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
I-on o i-off ang iyong console. "I-on o i-off ang <pangalan ng console>."
Magbukas ng app. "Buksan ang <pangalan ng app> sa  <pangalan ng console>."
Maglaro. "Laruin ang <pangalan ng laro> sa <pangalan ng console>."
Mag-record ng clip ng laro habang nasa gameplay. "I-record 'yan sa <pangalan ng console>."
Kontrolin ang pag-playback ng media.

“I-pause sa <pangalan ng console>."
“Ituloy sa <pangalan ng console>.”
“Susunod na Episode sa <pangalan ng console>."

Kontrolin ang mga setting ng TV (kung nag-set up ka ng kontrol ng device sa iyong console). "Lakasan ang volume sa <pangalan ng console>."
“I-mute sa <pangalan ng console>.”
Buksan ang mga setting at feature ng system. “Buksan ang Mga Setting sa <pangalan ng console>.”
Puwede mo ring buksan ang Mga Kaibigan o Party gamit ang iyong boses.  

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18370871810327351325
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false