Kung masisira ang iyong Google Nest device nang hindi mo sinasadya, puwede mo itong ibalik para ipapalit, ipaayos, o ipa-refund, sa pagpapasya ng Google. Hindi saklaw ng warranty ang hindi sinasadyang pagkasira.
Mahalaga: Puwedeng iba-iba ang mga tuntunin ng warranty base sa bansa o rehiyon kung saan mo binili ang iyong device. Makakakuha ka ng online na suporta at suporta sa telepono saanman kami nagbebenta ng mga Nest device. Para suriin ang mga tuntunin ng iyong warranty, bisitahin ang Google Hardware Warranty Center.