Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mag-set up ng network na gumagamit ng pag-tag ng VLAN

Kinakailangan ng ilang Internet Service Provider (ISP) ang pag-tag ng VLAN (pag-tag ng Virtual local area network) para makaugnayan ng kanilang mga modem ang mga wireless na router.

Ang mga Nest Wifi at Google Wifi (Wi-Fi 5) device na binuo o na-update pagkatapos ng Hunyo 2020, ay awtomatikong sumusuporta sa ilang VLAN tag at karaniwang hindi nangangailangan ng mga karagdagang hakbang para i-set up ang Nest Wifi o Google Wifi

Gayunpaman, hindi sinusuportahan ng mga device na may lumang firmware ang pag-tag ng VLAN nang out of the box. Para sa mga ito, mangangailangan ka ng karagdagang equipment para suportahan ang pag-tag ng VLAN, kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang pag-set up mo.

Sinusuportahan ng Google ang mga value ng tag ng VLAN na 2, 7, at 10 (mula sa isang posibleng hanay na 0 hanggang 4095). Kung kailangan ng ISP mo ng ibang tag, mangangailangan ang pag-set up mo ng karagdagang device para gumana ito. Para matukoy ang wastong kinakailangang tag, tanungin ang iyong ISP o tinangn ang manual ng modem mo.

Para kumpirmahin kung gumagamit ang ISP mo pag-tag ng VLAN, o kung may IPTV (Internet Protocol Television) o VoIP (Voice over Internet Protocol) na serbisyo ka sa pamamagitan ng iyong ISP, tanungin ang ISP mo kung ang nangangailangan ang CPE box mo (ibinigay na modem o router ng ISP) ng tag ng VLAN. Kung gumagamit ito nito, at hindi ito isang tag na sinusuportahan ng Google, sundin ang mga tagubilin sa ibaba.

Gumamit ng Nest Wifi o Google Wifi sa pamamagitan ng broadband na koneksyon na VLAN-tagged

Kapag kailangan ng ISP mo ang pag-tag ng VLAN, para gumana ang ilang Nest Wifi at Google Wifi device, kakailanganin mong magdagdag ng switch sa iyong network o gumamit ng karagdagang router na sumusuporta sa VLAN.

Tandaan: Kung gumagamit ang ISP mo ng tag na sinusuportahan ng Google, at pansamantala kang gumagamit ng router na sumusuporta sa VLAN, ibig sabihin, kapag na-set up ang iyong network at online na ito, magagawa ng mga Nest Wifi at Google Wifi device na mag-download ng update na nagbibigay-daan ditong suportahan ang pag-tag ng VLAN. Nagbibigay-daan ito sa iyo na i-set up ulit ang Nest Wifi router o Google Wifi primary point mo sa hinaharap nang walang karagdagang equipment.

Gumamit ng pinapamahalaang switch ng network

Magdagdag ng hiwalay na pinapamahalaang switch ng network (tinatawag minsan na "smart na switch ng network") na may mga feature ng VLAN:

  1. Ikonekta ang LAN port ng iyong modem sa WAN port ng switch  gamit ang Ethernet cable. 
  2. Ikonekta ang LAN port ng switch sa WAN port ng iyong Nest Wifi router o Google Wifi primary point gamit ang isang Ethernet cable.
  3. Kung may opsyon ang iyong switch para sa Spanning Tree Protocol (STP), tiyaking naka-disable ito. Dapat mo ring i-forward ang Bridge Protocol Data Units (BPDUs), kapag naka-disable ang STP. Maiiwasan nito ang mga teknikal na isyu gamit ang ilang pinapamahalaang switch na nauugnay sa pag-route at mga loop ng network.
  4. Kapag tapos na, i-set up ang iyong mga Nest Wifi o Google Wifi device sa Google Home app.

Gumamit ng router na nakakagamit ng VLAN

Kung may nakakonekta ka nang router na sumusuporta sa pag-tag ng VLAN, puwede mong idagdag ang iyong Nest Wifi router o pangunahing point ng Google Wifi rito.

  1. Ikonekta ang LAN port ng iyong modem sa WAN port ng third-party na router gamit ang Ethernet cable.
  2. Ikonekta ang third-party na router sa WAN port  ng Nest Wifi router o pangunahing Wifi point gamit ang Ethernet cable.
  3. Kapag tapos na, i-set up ang iyong mga Nest Wifi o Google Wifi device sa Google Home app.

​Gamit ang configuration na ito, puwede kang magkaroon ng Double NAT, na hindi naman malaking problema. Pero kung nagdudulot ito ng mga problema, inirerekomendang ilagay mo ang iyong third-party na router sa bridge mode at i-off ang Wi-Fi sa iyong third-party na router para maiwasan ang interference.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9075891290156182004
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false