Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Matuto tungkol sa Feed sa Home app

Gamitin ang Feed sa Google Home app para tingnan ang mahahalagang event sa bahay mo at mga suhestyon para gawing mas kapaki-pakinabang ang iyong bahay at mga compatible na device.

Ipinapakita sa iyo ng Feed ang impormasyon gaya ng:

  • Aktibidad na na-detect ng iyong mga produkto ng Google Nest, gaya ng mga event sa camera ng Nest
  • Mga isyu sa network na na-detect ng Nest Wifi
  • Mga paalala tungkol sa mga karagdagang feature at serbisyo para sa iyong mga produkto ng Google Home at Nest

Tandaan: Para maabisuhan tungkol sa mahahalagang event sa bahay, kahit na nakalimutan mong tingnan ang Feed, i-on ang mga notification ng Google Home app.

Tingnan ang Feed

  1. Buksan ang Home app Google Home app.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Feed .
  3. Tingnan ang listahan ng mga event at suhestyon.
    • Para makakuha ng higit pang detalye, i-tap ang isang event o suhestyon.
    • Para magsagawa ng pagkilos sa isang event o suhestyon, i-tap ito. Kung maraming pagkilos ang available, i-tap ang pagkilos na gusto mong gawin.
    • Para mag-alis ng event o suhestyon, i-tap ang Buksan ang mga opsyon sa card at pagkatapos ay I-dismiss.
      • Tandaan: Lalabas pa rin sa history ng Home ang mga na-dismiss na event.

I-customize ang iyong Feed

I-customize ang Aktibidad ng Home app para ipakita lang ang mga event na gusto mo.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Aktibidad .
  3. Sa itaas, i-tap ang I-filter.
  4. Piliin ang mga event at device na gusto mo at pagkatapos ay i-tap ang Ipakita ang mga resulta.

History ng Home

Ipinapakita sa iyo ng history ng Home mo ang mga event na nangyayari sa iyong bahay, tulad ng Mga Routine sa Sambahayan na nagsimula na o mga event sa camera ng Nest.

Tingnan ang history ng Home

  1. Buksan ang Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Feed at pagkatapos ay History. Makakakuha ka ng listahan ng mga event sa bahay, simula sa pinakabago.
  3. Para mag-scroll sa iyong history, mag-swipe pataas o pababa.

I-filter ang mga event

Para tingnan ang mga partikular na uri ng mga event, puwede mong i-filter ang mga ito ayon sa kuwarto, petsa, na-detect na mga tao o tunog, at higit pa.

  1. Buksan ang Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Feed at pagkatapos ay History.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Filter .
  4. I-tap ang mga filter na gusto mo at pagkatapos ay sa ibaba, i-tap ang Ipakita ang mga resulta.
    • Tandaan: Ang kasama lang sa mga naka-filter na history ay ang mga araw na may mga piniling uri ng mga event.
  5. Para mag-alis ng partikular na filter, mag-scroll pataas at pagkatapos ay sa itaas, i-tap ang Isara sa tabi ng filter.
  6. Para alisin ang lahat ng filter at bumalik sa iyong buong history, i-tap ang Mga Filter at pagkatapos ay I-clear lahat at pagkatapos ay Ipakita ang mga resulta.

I-delete ang history

History ng camera

Bago mo i-delete ang history ng video ng iyong camera, narito ang ilang bagay na dapat mong malaman:

  • Kapag na-delete mo ang history ng camera, made-delete din nito ang lahat ng history ng video nito sa app. Hindi nito ide-delete ang mga indibidwal na clip na na-save mo.
  • Puwede mong i-delete ang lahat ng history para sa mga partikular na camera, pero hindi mo puwedeng i-delete ang mga indibidwal o partikular na uri na event sa camera.
  • Puwede mo ring i-delete ang history ng camera sa Nest app. Kung nasa parehong app ang iyong camera, kapag binura ang history ng camera mula sa isang app, mabubura din ito sa isa pang app.

I-delete ang history ng video sa iyong camera

Mahalaga: Bago mo burahin ang history ng video sa iyong camera, i-save at i-download ang mga video clip na gusto mong panatilihin.

  1. Buksan ang Home app Google Home app.
  2. Piliin ang gusto mong camera.
  3. I-tap ang I-delete ang history ng video at pagkatapos ay I-delete.

Iba pang event

  1. Buksan ang Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Feed at pagkatapos ay History.
  3. I-tap ang event at pagkatapos ay Buksan ang mga opsyon sa card at pagkatapos ay I-delete at pagkatapos ay I-delete.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6107402705289353605
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false