Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Maglipat ng media mula sa isang cast device papunta sa isa pa

Ilipat sa ibang Nest speaker, grupo ng speaker, display, o device na nakakonekta sa Chromecast ang musika, mga podcast, radyo, at video sa YouTube na kasalukuyang sini-stream mula sa iyong Google Nest, Google Home, o Chromecast device.

Mga device na puwede mong paglipatan at pagkuhanan ng media

  • Google Home, Google Nest Mini (2nd gen), Google Home Mini (1st gen), Google Home Max, Google Nest Audio
  • Google Nest Hub o Google Nest Hub Max
  • Chromecast na may Google TV, Chromecast (2nd o 3rd gen), Chromecast Ultra, o Chromecast Audio
  • Mga pangkat ng speaker

Sinusuportahang media

  • Anumang audio (maliban sa balita at media na nagpe-play sa pamamagitan Bluetooth)
  • YouTube para sa mga video
    Mahalaga: Kung hindi nagpe-play ang media, tingnan kung naka-on ang Gamitin ang Restricted Mode sa mga setting ng YouTube ng iyong device.

Sa pamamagitan ng Google Assistant 

Narito ang ilang paraan para makipag-usap sa iyong Google Assistant sa speaker o display mo kapag naglilipat ng media mula sa isang device papunta sa isa pa.

Tandaan: Sa kasalukuyan, sa English lang available ang feature na ito.

Para gawin ito: Sabihin ang “Hey Google,” pagkatapos ay:
Maglipat ng media sa ibang device “Transfer to <pangalan ng device>”
"Move the music to <pangalan ng device>"
"Cast to <pangalan ng device>"

 Mula sa iyong Nest display

 Google Nest Hub

  1. Sa Home screen ng iyong Nest Hub, i-tap ang aktibong media card para palabasin ang media player.
  2. Sa kaliwang sulok sa ibaba ng screen, i-tap ang Mga Device  para makita ang listahan ng mga available na device at pangkat ng speaker.
  3. Piliin ang (mga) device kung saan mo gustong ilipat ang iyong media.
  4. I-deselect ang (mga) device kung saan mo gustong alisin ang iyong media.

 Google Nest Hub Max

  1. Sa Home screen ng iyong Nest Hub Max, i-tap ang aktibong media card para palabasin ang media player.
  2. Sa kaliwang sulok sa ibaba ng screen, i-tap ang Mga Device  para makita ang listahan ng mga available na device at pangkat ng speaker.
  3. Piliin ang (mga) device kung saan mo gustong ilipat ang iyong media. 
  4. I-deselect ang (mga) device kung saan mo gustong alisin ang iyong media.

Mula sa Google Home app

  1. Tiyaking ang telepono o tablet mo ay nakakonekta sa Wi-Fi o naka-link sa account kung saan nakakonekta o naka-link ang iyong speaker, display, Chromecast, o Pixel Tablet.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app
  3.  I-tap ang Mga Paborito . Pagkatapos ay i-tap ang  sa aktibong Media player. Kung mayroon kang nakabukas na higit sa isang player, mag-swipe sa player para piliin ang player na gusto mo.
  4. Piliin ang (mga) device kung saan mo gustong ilipat ang iyong media.
  5. I-uncheck ang (mga) device kung saan mo gustong alisin ang iyong media.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11795062219617328102
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false