Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Nest

Huling Na-update: Pebrero 28, 2022

Para magamit ang mga device at serbisyo ng Nest, dapat mong tanggapin (1) ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, at (2) itong Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Nest.

Pakibasa nang mabuti ang bawat isa sa mga dokumentong ito. Kapag pinagsama, kilala ang mga dokumentong ito bilang “Mga Tuntunin.” Itinatatag ng mga ito kung ano ang maaasahan mo mula sa amin habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo, at kung ano ang inaasahan namin sa iyo.

Kung sumasalungat ang Mga Karagdagang Tuntuning ito sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, ang Mga Karagdagang Tuntuning ito ang mamamahala sa mga serbisyo ng Nest.

Para sa mga layunin ng Mga Karagdagang Tuntuning ito, ang “mga device at serbisyo ng Nest” ay binubuo ng:

  • mga sumusunod na hardware device at feature na may brand na Nest (sa pangkalahatan, “Mga Nest Device”): mga Nest thermostat, Nest Cam, anumang smart display device na may brand na Nest na may kasamang feature na “Nest Cam,” Nest video doorbell, Nest security alarm system, Nest door lock, at Nest smoke + CO alarm; at
  • Nest Aware (o katulad na serbisyo sa nakakonektang home na iniaalok ng Google Nest) at ang mga serbisyong ibinibigay namin kaugnay ng Mga Nest Device, tulad ng mga Nest web app, mga Nest mobile app, at Google Home app, pero kapag ginagamit lang para pamahalaan ang mga device at serbisyo ng Nest na ito, at ang iba pang serbisyo sa nakakonektang home na ibinibigay namin na binuo para sa mga partikular na device na ito (kabilang ang anumang serbisyo ng subscription tulad ng mga energy program), pero hindi kasama ang mga serbisyo ng Google (tulad ng Google Assistant, YouTube, Google Maps, Google Duo, at mga katulad nito) na magagamit sa Mga Nest Device at sa iba pang produkto o device ng Google.

Mga Kinakailangang Edad

Dapat ay hindi ka bababa sa 13 taong gulang para magamit mo ang mga device at serbisyo ng Nest (o kung anumang mas mataas na edad ang kinakailangan sa iyong bansa para mapahintulutan kang gamitin ang mga device at serbisyo ng Nest nang walang pag-apruba ng magulang), gayunpaman, hindi pinaghihigpitan ng mga nasabing limitasyon sa edad ang paggamit mo sa Google Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link kapag pinapahintulutan sa anumang device at serbisyo ng Nest.

Paggamit sa Mga Serbisyo ng Nest

Mga Serbisyo ng Nest. Kapag gumamit ka ng Google Account sa mga device at serbisyo ng Nest: (i) ibibigay sa iyo ng Google ang mga device at serbisyo ng Nest, pero puwede nitong kunin ang Nest Labs, Inc. at iba pang affiliate o kumpanya bilang mga service provider para ibigay sa iyo ang ilan o lahat ng device at serbisyo ng Nest, para sa Google at sang-ayon sa mga tagubilin ng Google; at (ii) hanggang sa sakop na magsa-sign up ka sa anumang mga tuntunin ng program sa mga third-party na partner para sa mga program na kasama sa mga device at serbisyo ng Nest (tulad ng mga energy program), ang ibig sabihin ng anumang pagbanggit sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Nest ay ang Mga Tuntuning ito, at ang ibig sabihin ng anumang pagbanggit sa mga patakaran sa privacy ng Nest ay ang Patakaran sa Privacy ng Google.

Mga garantiya ayon sa batas. Ang batas sa ilang hurisdisyon ay puwedeng magpahiwatig ng mga warranty, kundisyon, o garantiya, o magpataw ng mga obligasyong magbibigay sa iyo ng ilang partikular na karapatan ng consumer sa ilalim ng naaangkop na batas. Sa ilang hurisdiksyon, hindi puwedeng ibukod, paghigpitan, o baguhin ang mga nasabing probisyon maliban sa limitadong sakop at dapat basahin ang mga tuntuning ito sang-ayon sa mga nasabing probisyon sa batas.

Mga Awtomatikong Update ng Software. Pana-panahon, puwede kaming gumawa ng mga patch, pag-aayos ng bug, update, upgrade, at iba pang pagbabago para mapahusay ang performance ng mga device at serbisyo ng Nest. Puwedeng awtomatikong ma-install ang mga ito nang hindi nagbibigay ng anumang karagdagang abiso o nakakatanggap ng anumang karagdagang pahintulot mula sa iyo. Sumasang-ayon kang matanggap ang mga awtomatikong update na ito. Kung ayaw mo ang mga nasabing update, dapat mong ihinto ang paggamit sa mga device at serbisyo ng Nest.

Sa ilang rehiyon (gaya ng European Economic Area), kung saan legal na kinakailangan, puwede mong ma-access ang isang setting para mapigilan ang iyong device sa pagtanggap ng mga partikular na update. Gayunpaman, lubos naming iminumungkahi na payagan ang device mo na tanggapin ang lahat ng update para matiyak na gagana ang iyong produkto o serbisyo ng Nest sa pinakamahusay na paraan. Kung matukoy na aayusin ng isang update ang isang kritikal na kahinaang legal, pangkaligtasan, o panseguridad, posibleng gawin ang pag-update anuman ang iyong mga setting sa pag-update.

Mga Serbisyo ng Third Party. Puwedeng magbigay-daan sa iyo ang mga device at serbisyo ng Nest na mag-access, gumamit, o direktang makipag-ugnayan sa mga website, app, content, produkto, at iba pang serbisyo ng third party, kasama ang Propesyonal na Pagsubaybay (tulad ng inilalarawan sa ibaba). Pakitandaang kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng third party, ang sarili nilang mga tuntunin at patakaran sa privacy, bukod pa sa Mga Tuntuning ito, tulad ng naaangkop, ang mamamahala sa iyong paggamit sa mga serbisyong iyon.

Ilang Limitasyon sa Paggamit sa Mga Device at Serbisyo ng Nest. Hindi certified ang mga device at serbisyo ng Nest para sa pagpapadala ng pagtugon sa emergency maliban na lang kung hayagang inaprubahan at certified na naka-enable para sa pagsubaybay sa sentrong istasyon sa pamamagitan ng propesyonal na pasilidad para sa pagsubaybay (ang mga nasabing hayagang inaprubahan at certified na device at serbisyo ng Nest, ang “Mga Nest Device na Naka-enable para sa Pro na Pagsubaybay”). HINDI KAILANMAN MAGPAPADALA ANG GOOGLE NG MGA SERBISYONG PANG-EMERGENCY SA IYONG BAHAY SAKALING MAGKAROON NG EMERGENCY. Hanggang sa sagad na sakop na pinapahintulutan ng naaangkop na batas (pero sang-ayon sa mga probisyong patungkol sa "Mga garantiya ayon sa batas" na nasa itaas), hindi isinasaad o pinapatunayan ng Google na mapapaigting ang kaligtasan sa pamamagitan ng paggamit sa mga device at serbisyo ng Nest (kabilang ang anumang Nest Device na Naka-enable para sa Pro na Pagsubaybay o anumang serbisyo sa pagsubaybay ng third party na ginagamit kaugnay ng mga device at serbisyo ng Nest).

Pagsubaybay sa Sentrong Istasyon para sa Mga Nest Device na Naka-enable para sa Pro na Pagsubaybay. Ang mga third party na provider ng propesyonal na pagsubaybay sa sentro (“Mga Provider ng Pagsubaybay”) ay puwedeng mag-alok ng mga available na serbisyong nagbibigay ng propesyonal na pagsubaybay at kaugnay na pang-emergency na notification at pagpapadala ng mga awtoridad sa emergency (“Propesyonal na Pagsubaybay”) kaugnay ng Mga Nest Device na Naka-enable para sa Propesyonal na Pagsubaybay. Kung kukuha ka ng plan para sa Propesyonal na Pagsubaybay, direkta kang makikipagkontrata sa Provider ng Pagsubaybay (at hindi sa Google) para ibigay ang Propesyonal na Pagsubaybay. Magkahiwalay na kumpanya ang Provider ng Pagsubaybay at ang Google, at walang ugnayan ng pagsososyo, ahensya, o subcontractor sa pagitan ng mga ito. IDINISENYO LANG ANG PRO NA PAGSUBAYBAY PARA GUMANA SA MGA NEST DEVICE NA NAKA-ENABLE PARA SA PRO NA PAGSUBAYBAY. HUWAG SUBUKANG GUMAMIT NG PRO NA PAGSUBAYBAY SA ANUMANG DEVICE AT SERBISYO NG NEST MALIBAN SA MGA NEST DEVICE NA NAKA-ENABLE PARA SA PRO NA PAGSUBAYBAY.

Mga Pahintulot at Pagpaparehistro para sa Pro na Pagsubaybay. Ang ilang lokal na pamahalaan ay may mga kinakailangan sa pahintulot o pagpaparehistro para sa paggamit sa mga device at serbisyo ng Nest sa Propesyonal na Pagsubaybay. Kung wala ang kinakailangang pahintulot o pagpaparehistro, baka hindi sumagot ang mga emergency responder sa mga kahilingan mula sa isang Provider ng Pagsubaybay, o baka mapatawan ka ng mga multa o iba pang parusa. Ikaw lang ang responsable sa pagkuha ng anumang kinakailangang pahintulot o pagpaparehistro para sa paggamit ng Propesyonal na Pagsubaybay sa mga device at serbisyo ng Nest at sa anumang kaugnay na multa at parusang posibleng ma-assess.

Mga Pagkaantala ng Serbisyo; Walang Refund. Puwedeng pansamantalang masuspinde ang mga device at serbisyo ng Nest, nang walang abiso, dahil sa seguridad, pagpalya ng mga system, pagpapanatili at pagkukumpuni, o iba pang sitwasyon. Hanggang sa sagad na sakop na pinapahintulutan ng naaangkop na batas (pero sang-ayon sa mga probisyong patungkol sa "Mga garantiya ayon sa batas" na nasa itaas), hindi ka magiging kwalipikado sa anumang refund para sa mga pansamantalang pagkasuspindeng ito.

Mga Kinakailangan sa System. Puwedeng hindi gumana nang maayos ang mga device at serbisyo ng Nest nang walang Google Account at gumaganang Wi-Fi network sa iyong bahay na nakakonekta sa maaasahang access sa Internet na may sapat na bandwidth. Puwedeng kinakailangan din ang iba pang element ng system para sa paggamit sa ilan o lahat ng device at serbisyo ng Nest, tulad ng mobile device na may Nest at/o Google Home app. Responsibilidad mong tiyaking mayroon ka ng lahat ng kinakailangang element ng system at compatible at naka-configure nang maayos ang mga ito. Puwedeng i-activate ng Google ang Bluetooth sa iyong mobile device, nang walang paunang notification, pero sang-ayon sa mga setting ng device mo, para mapangasiwaan ang maayos na pagtakbo ng mga device at serbisyo ng Nest at ma-enable ang ilang partikular na feature (tulad ng malayuang pagpapatahimik ng smoke o CO alarm sa Nest Protect).

Pag-back Up ng Mobile Device Kapag Nawalan ng Wi-Fi. Kapag nagkaroon ng anumang pagkaantala ng serbisyo sa koneksyon sa Wi-Fi network o internet sa iyong bahay, baka hindi maaasahan o hindi available ang mga device at serbisyo ng Nest, kasama ang mga malayuang notification sa app at alerto sa camera. Para sa Propesyonal na Pagsubaybay sa partikular, ang ibig sabihin nito, baka hindi makatanggap ng mga signal ng alarm ang Propesyonal na Pagsubaybay at baka hindi ito makapagpadala ng mga emergency responder. Baka may opsyon kang pumili ng plan ng subscription ng pag-back up ng mobile device (“Pag-back Up ng Mobile Device”) para makatulong na pahusayin ang koneksyon at lumiit ang posibilidad na maantala ang mga device at serbisyo ng Nest.

Pagtitipid ng Kuryente at Iba pang Benepisyo. Maliban na lang kung hayagan kaming mangangako ng “garantiya,” hindi ginagarantiyahan o ipinapangako ng Google ang anumang partikular na antas ng pagtitipid ng kuryente o iba pang benepisyo mula sa paggamit sa mga device at serbisyo ng Nest. Puwedeng mag-iba-iba ang mga aktwal na pagtitipid ng kuryente at iba pang benepisyo depende sa mga salik na hindi kontrolado o alam ng Google. Tinatanggap mong hindi garantiya ng mga aktwal na pagtitipid ang anumang rekomendasyon o promosyong ibinibigay ng Google kaugnay ng mga device at serbisyo ng Nest (kasama ang mga natatangi sa iyong bahay batay sa impormasyong available sa amin).

Pag-install, pagsubok, at paggamit. Responsibilidad mong i-install at gamitin ang mga device at serbisyo ng Nest alinsunod sa naaangkop na manual at mga tagubilin. Kung hindi maayos na na-install ang isang device, o wala sa sakop ng pag-detect o nahaharangan ng mga pader, muwebles, personal na ari-arian, o iba pang bagay ang isang device o ang alinman sa mga sensor nito, puwede kang makaranas ng mga false alarm o pagpalya sa pag-detect. Responsibilidad mong subukan ang mga device at serbisyo ng Nest kapag na-install na ang mga ito para matiyak na gumagana at nakikipag-ugnayan ang mga device at serbisyo ng Nest (at ang anumang kaugnay na sensor, component, at peripheral) tulad ng nilalayon at idinisenyo, at pagkatapos ay regular na suriin at panatilihin ang mga device at serbisyo ng Nest pagka-install.

Regular na tingnan ang mga baterya. Responsibilidad mong palitan ang anumang baterya para sa mga device at serbisyo ng Nest, kapag kinakailangan. BAKA HINDI GUMANA NANG MAAYOS ANG MGA DEVICE AT SERBISYO NG NEST KUNG KAILANGANG MAPALITAN ANG MGA BATERYA, PAKITINGNAN ANG MGA ITO NANG REGULAR.

Mga Smoke at Carbon Monoxide detector. HINDI ISINASAAD AT PINAPATUNAYAN NG GOOGLE NA ANG ANUMANG SMOKE O CARBON MONOXIDE DETECTOR NA GINAWA O IBINEBENTA NG GOOGLE AY ITINUTURING NA FIRE ALARM SYSTEM O NAKAKATUGON SA MGA KINAKAILANGAN NG ANUMANG REGULASYON, PANG-ESTADO, PANLALAWIGAN, O LOKAL NA BATAS, ORDINANSA, AWTORIDAD NA MAY HURISDIKSYON, O PAMANTAYAN SA INDUSTRIYA, TULAD NG NFPA 72. IKAW LANG ANG RESPONSABLE SA PAGSUNOD SA MGA KINAKAILANGAN NG ANUMANG BATAS, O PAMANTAYAN SA INDUSTRIYA NA POSIBLENG NAAANGKOP SA PAG-INSTALL, PAGGAMIT, AT SERBISYO NG ANUMANG SMOKE O CARBON MONOXIDE DETECTOR.

Mga pamantayan sa smart device. Puwedeng gumamit ang mga device at serbisyo ng Nest ng iba't ibang bukas o karaniwang available na pamantayan o paraan para makipag-ugnayan sa at gumamit ng mga nakakonektang device na ginagamit din sa parehong paraan ng iba pang system o serbisyo na hindi ginawa ng Google, kasama na ang mga Wi-Fi, Bluetooth, at IP device. Baka hindi gumana nang maayos sa mga device at serbisyo ng Nest ang mga serbisyo ng third party na hindi itinalaga ng Google na compatible sa mga device at serbisyo ng Nest. Sumasang-ayon ka na ang gagamitin mo lang ay mga serbisyo ng third party na itinalaga ng Google na compatible sa mga device at serbisyo ng Nest.

Emergency na Pagtawag (US lang).

  • Paglalarawan ng Serbisyo sa Emergency na Pagtawag. Depende sa geography at pagbili ng subscription, posibleng magawa ng mga subscriber ng Nest Aware sa US na tumawag sa mga serbisyong pang-emergency mula sa Google Home (“Mga User ng Emergency na Tawag”). Nag-iiba ang mga serbisyong pang-emergency depende sa iyong lokasyon. Kapag may User ng Emergency na Tawag na tumawag sa mga serbisyong pang-emergency, ibibigay ng Google sa mga operator ng pagtugon sa emergency ang numero ng telepono ng User ng Emergency na Tawag at ang address na ibinigay ng User ng Emergency na Tawag sa Google sa flow ng setup ng feature na emergency na pagtawag. 
  • Mga Limitasyon sa Serbisyo sa Emergency na Pagtawag. Nalalapat ang mga sumusunod na limitasyon sa pagiging available ng serbisyo sa emergency na tawag: (i) posibleng hindi available ang serbisyo kung walang available na cellular service; (ii) posibleng hindi kumonekta ang mga emergency na tawag sa nauugnay na dispatcher, o posibleng kumonekta ito nang hindi wasto sa pang-administratibong linya ng nauugnay na dispatcher, na posibleng walang nakatalagang tauhan pagkatapos ng mga oras ng negosyo o sinanay na pang-emergency na operator; (iii) posibleng kumonekta nang wasto ang mga emergency na tawag sa nauugnay na dispatcher, pero posibleng hindi awtomatikong maipasa ang numero ng telepono o lokasyon ng User ng Emergency na Pagtawag; (iv) posibleng ikonekta ang mga emergency na tawag na ginawa habang nasa biyahe sa dispatcher na nauugnay sa nakarehistrong numero ng User ng Emergency na Tawag sa halip na sa lokal na dispatcher; (v) sa ilang sitwasyon, posibleng hindi makita ng operator ng mga serbisyong pang-emergency ang numero ng telepono ng User ng Emergency na Tawag at hindi siya makatawag ulit sa numerong iyon; (vi) dapat tumawag ang mga User ng Emergency na Tawag na bingi, may problema sa pandinig, o may problema sa pagsasalita sa mga lokal na serbisyong pang-emergency nang direkta gamit ang TTY o telecommunications relay service, sa halip na sa 711 o lokal na katumbas nito; (vii) kung maraming device na nauugnay sa account ng Mga User ng Emergency na Tawag, (A) posibleng hindi mag-ring ang bawat nauugnay na device kapag tumawag ang nauugnay na dispatcher; (B) kung na-disable ng User ng Emergency na Tawag ang mga papasok na tawag, posibleng hindi siya matawagan ng dispatcher; at (C) kung papalya ang pagtawag gamit ang Google Home app, posibleng makatanggap ang Mga User ng Emergency na Tawag ng mensahe ng error at baka kailanganin nilang gumamit ng ibang paraan para tumawag sa mga serbisyong pang-emergency.
  • Mga Obligasyon ng Customer. Kaugnay ng mga serbisyo sa emergency na pag-dial, responsibilidad ng User ng Emergency na Tawag na tiyaking ang address na nakarehistro sa Google Home app ang kasalukuyang pisikal na address kung saan gagamitin ng User ng Emergency na Tawag ang feature ng emergency na pagtawag (kung hindi ang mga kasalukuyang address ang ibibigay, posibleng mali ang makaugnayang sentro ng pagtugon sa emergency at maantala ang pagtugon sa emergency ng User ng Emergency na Tawag).
  • Disclaimer ng Sagutin sa Mga Serbisyong Pang-emergency. Hanggang sa sagad na sakop na pinapahintulutan ng batas, hindi magkakaroon ng sagutin ang Google o ang anuman sa Mga Affiliate nito sa ilalim ng Mga Karagdagang Tuntunin (sa pamamagitan man ng kontrata, batas sa kapabayaan (kabilang ang kapabayaan), o iba pa) para sa anumang uri ng pinsala (kabilang ang mga direkta at hindi direktang pinsala) na lalabas sa ilalim o kaugnay ng paggamit o tinangkang paggamit sa feature ng emergency na pagtawag para mag-access ng mga serbisyong pang-emergency, kabilang ang, pero hindi limitado sa, anumang kawalan ng kakayahang i-access ang mga nasabing serbisyo, anumang pagkaantala sa serbisyo ng pagtugon sa emergency, asal ng mga sentro ng pagtugon o operator ng mga serbisyong pang-emergency, o pagkakamali sa impormasyong ibinigay sa mga serbisyong pang-emergency ng mga ikatlong partido kung saan nakipag-ugnayan ang Google o Mga Affiliate nito para pangasiwaan ang pagbibigay ng access sa mga serbisyong pang-emergency.
  • Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit (Acceptable Use Policy). Nalalapat ang Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit (Acceptable Use Policy) na ito sa paggamit sa feature ng emergency na pagtawag ng Nest Aware. Pakisunod ang mga patakarang ito kapag ginagamit ang feature ng emergency na pagtawag. Kapag may natukoy kaming potensyal na paglabag sa patakaran, posibleng magsagawa kami ng pagsusuri at pagkilos, kabilang ang, pero hindi limitado sa, paglilimita o pagwawakas sa Nest Aware para sa isang partikular na bahay.

Pag-detect ng Tunog (US lang).
Ang mga tunog lang ng alarm (hal., smoke o carbon monoxide alarm) o iba pang tinukoy na tunog (hal., tunog ng pagkabasag ng salamin) ang made-detect ng feature na pag-detect ng tunog ng Nest Aware. Hindi made-detect ng mga Google Nest at Home speaker at display ang pagkakaroon ng mga senyales ng panganib (hal., usok) sa iyong bahay.

Mga Subscription na Binili sa pamamagitan ng Third Party

Puwede kang bumili ng subscription sa Nest Aware sa pamamagitan ng third party na hindi Google (“Partner”). Kung gagawin mo ito, ang Partner ang tutukoy ng anumang bayarin para sa subscription sa Nest Aware, at dapat kang sumangguni sa mga tuntunin nila para sa impormasyon tungkol sa pagpepresyo, kung anong mga feature ng Nest Aware ang available sa iyo, proseso ng pagkansela, at anumang karagdagang detalyeng nauugnay sa subscription.

Tandaang posibleng mag-iba ang mga feature ng Nest Aware na available sa iyo, depende sa Partner kung saan mo binili ang subscription. Posible ring naiiba ang mga kundisyon at limitasyong itinakda ng Partner para sa ilang plan ng subscription. Puwedeng pagpasyahan ng Partner kung saan mo binili ang iyong subscription ang pagiging kwalipikado mo sa pagkakaroon ng at patuloy na pag-access sa Nest Aware, at puwedeng suspindihin o wakasan ng Partner ang iyong subscription anumang oras.

Komunikasyon

Hindi kami responsable sa anumang awtomatikong pag-filter na puwede mong ilapat o puwedeng ilapat ng iyong network provider sa mga alerto ng serbisyo sa email ng mga device at serbisyo ng Nest na hihilingin mong matanggap.

Mga Paghahayag para sa Mga Residente ng California

Kung isa kang residente ng California, puwede kang mag-ulat ng mga reklamo sa Complaint Assistance Unit ng Division of Consumer Services ng California Department of Consumer Affairs sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanila, sa pamamagitan ng sulat, sa 400 R Street, Sacramento, CA 95814, USA, o sa pamamagitan ng telepono sa (800) 952-5210.

Customer Service

Kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa mga device at serbisyo ng Nest, puwede kang makipag-ugnayan sa amin. Ang customer service at anumang pangangalaga at suporta sa customer na iniaalok at ibinibigay sa iyo ay hindi serbisyo ng 911 o dispatch center, provider ng pang-emergency na serbisyo o dispatch service, o pansagip-buhay na solusyon para sa mga taong nanganganib sa kanilang bahay o iba pa. HUWAG MAKIPAG-UGNAYAN SA CUSTOMER SERVICE O SA ANUMANG PANGANGALAGA O SUPORTA SA CUSTOMER NA INIAALOK NG GOOGLE TUNGKOL SA ANUMANG EMERGENCY SA BUHAY/KALIGTASAN, MEDIKAL NA EMERGENCY, O ANUPAMANG EMERGENCY. KUNG MAYROON KANG ANUMANG KATULAD NA EMERGENCY, DAPAT KANG MAKIPAG-UGNAYAN KAAGAD SA PULISYA, BUMBERO, O AMBULANSYA SA PAMAMAGITAN NG PAGTAWAG SA 911 O SA NAAANGKOP NA SERBISYO NG PAGTUGON SA EMERGENCY.

Ang Iyong Data ng Audio/Video ng Nest Cam

Nalalapat ang seksyong ito sa content na video, content na audio, at anumang data ng pagkilala sa mukha na nakuha sa mga larawan sa video na nakolekta sa isang Nest Cam, Nest Cam IQ, produktong video doorbell na may brand na Nest, o paggamit ng feature na “Nest Cam” sa isang produktong smart display na may brand na Nest (sa pangkalahatan, ang mga feature na “Nest Cam” at ang data na ito ay tinutukoy bilang “Data ng Audio/Video ng Nest Cam”). Sa pangkalahatan, para sa mga layunin ng naaangkop na batas (hal., GDPR), mananatiling ikaw ang data controller ng Data ng Audio/Video ng Nest Cam, ang Google ang iyong data processor, at ang Nest Labs, Inc. ang sub-processor ng Google. Kung ima-migrate mo ang iyong Nest account sa isang Google Account, inaatasan mo ang Nest Labs, Inc. na ihayag ang Data ng Audio/Video ng Nest Cam na hawak nito bilang iyong processor sa Google, na kikilos bilang processor mo sa halip na ang Nest Labs, Inc.

Ikaw (at hindi ang Google) ang responsable sa pagtiyak na nakakasunod ka sa anumang naaangkop na batas kapag gumagamit ka ng mga device at serbisyo ng Google, kasama ang anumang data ng recording ng video, biometric data, o recording ng audio na nag-aatas sa iyong magbigay ng abiso o humingi ng pahintulot mula sa mga third party kaugnay ng Data ng Audio/Video ng Nest Cam. Hindi kasama sa Data ng Audio/Video ng Nest Cam ang iba pang data o metadata ng paggamit na hindi nakuha sa video mismo, tulad ng oras/petsa ng video, mga configuration ng camera, at iba pang kaugnay na metadata.

Kapag nalalapat ang GDPR o ang Batas ng Japan sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon (“Batas ng Japan”) sa pagpoproseso ng Data ng Audio/Video ng Nest Cam, gagawin ng Google ang mga sumusunod:

  • ipoproseso lang ang Data ng Audio/Video ng Nest Cam alinsunod sa iyong mga tagubilin, kung saan kasama ang pagbibigay ng mga hiniling mong feature at serbisyo ng Nest Cam - maliban na lang kung iba ang hinihiling ng naaangkop na batas ng EU o Miyembrong Estado ng EU, o ng Batas ng Japan at sa ganoong sitwasyon, gagawa kami ng mga hakbang para ipaalam iyon sa iyo (maliban na lang kung ipinagbabawal ng batas na iyon dahil sa mahalagang batayan ng interes ng publiko); 
  • titiyaking nakatuon sa pagiging kumpidensyal ang tauhan ng Google na pinapahintulutang magproseso ng Data ng Audio/Video ng Nest Cam; 
  • hanggang sa sakop na naaangkop at posible, tutulungan ka sa anumang kahilingan sa mga indibidwal na karapatan na dapat mong matugunan (at hindi mo matutugunan nang mag-isa) o tutulungan ka sa iba pang obligasyon sa pagsunod na itinakda sa ilalim ng Artikulo 32 hanggang 36 ng GDPR o ng Batas ng Japan, at sa bawat sitwasyon, isasaalang-alang ang katangian ng pagproseso at ang impormasyong available sa amin; 
  • sa pagpapasya mo, ide-delete o isasauli ang iyong Data ng Audio/Video ng Nest Cam kapag hiniling o kapag winakasan mo ang iyong account (at ide-delete ang anumang kasalukuyang kopya maliban na lang kung inaatasan ang Google ayon sa naaangkop na batas ng European Economic Area, United Kingdom, Switzerland, o Japan na panatilihin ito); 
  • kung hihilingin mo sa kasulatan at hanggang sa maximum na isang beses kada taon, bibigyan ka ng Google ng mga kopya ng mga kaugnay na ulat sa pag-audit na napapailalim sa paglagda mo sa kasunduan sa hindi paghahayag o pagiging kumpidensyal sa Google; at 
  • magpapatupad ng mga naaangkop na panseguridad na hakbang tulad ng kinakailangan sa ilalim ng Artikulo 32 ng GDPR o ng Batas ng Japan.

Pinapahintulutan mo ang Google na i-subcontract ang pagproseso nito ng Data ng Audio/Video ng Nest Cam sa mga sub-processor na sumasang-ayon sa mga katulad o kaparehong obligasyon na isinaad sa seksyong ito. Sa kasalukuyan, ang listahang ito ng mga sub-processor ay binubuo ng Nest Labs, Inc., na matatagpuan sa United States (hangga't gumagamit ang Nest Labs, Inc. ng mga serbisyo ng Google Cloud Platform (na napapailalim sa mga tuntunin dito). Magbibigay kami ng 10 araw na maagang abiso tungkol sa anumang bago o pamalit na sub-processor sa pamamagitan ng pag-post ng mga pagbabago sa Mga Karagdagang Tuntunin. Sa loob ng panahon ng abisong iyon, puwede mong tutulan ang pagbabago sa pamamagitan ng kasulatan. Kung hindi namin malulutas ang iyong alalahanin hanggang sa katapusan ng panahon ng abiso, puwede mong wakasan ang paggamit mo sa mga device at serbisyo ng Nest nang walang parusa. Responsibilidad mong tingnan nang regular kung may mga update ang Mga Karagdagang Tuntunin.

Ang paksa ng pagproseso ng Google ng Data ng Audio/Video ng Nest Cam ay ibigay ang mga hiniling mong feature at serbisyo ng Nest Cam, sang-ayon sa iyong mga setting at configuration. Magpapatuloy ang pagproseso hangga't ina-access at ginagamit mo ang mga feature at serbisyo ng Nest Cam. Ipoproseso ng Google ang Data ng Audio/Video ng Nest Cam para sa pagbibigay ng mga feature at serbisyo ng Nest Cam, kasama ang feature nitong Mga Alerto para sa Pamilyar na Mukha. Ang personal na data ay mga larawan ng mga makikilalang tao sa mga video, audio ng mga makikilalang tao na naririnig sa mga video, at data ng pagkilala sa mukha ng mga taong lumalabas sa mga video. Ang mga kategorya ng subject ng data ay mga indibidwal sa at malapit sa lokasyon kung saan maglalagay ng Nest Cam ang isang user. Kapag nalalapat ang GDPR, nakalaan lang ang paggamit ng Nest Cam sa personal na paggamit at paggamit sa bahay. Ang mga batas sa proteksyon at privacy ng data sa lugar kung saan ka nakatira ay puwedeng magpataw ng ilang partikular na karagdagang responsibilidad sa iyo at sa paggamit mo sa mga device at serbisyo ng Nest.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7401667202968592522
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false