Hindi gumagana ang mga notification sa Nest

Kung hindi ka nakakatanggap ng mga alerto sa Nest, tiyaking online ang iyong mga device, na-set up mo ang mga notification sa Nest app at sa Home app, at hindi nakatakda ang iyong telepono na i-block ang mga notification sa Nest app. Tingnan din kung wala sa folder ng junk ang iyong mga email sa Nest.

Tingnan ang mga pangunahing kaalaman

Puwedeng makaapekto ang outage ng serbisyo ng Nest o offline na produkto sa lahat ng notification na karaniwang matatanggap mo. Mainam na mabilis na tiyaking hindi nangyayari ang isa sa mga isyung ito bago magsimula ng mas advanced na pag-troubleshoot.

Tingnan kung may outage ng serbisyo ng Nest

Tingnan ang status ng serbisyo ng Nest. Bihira ang mga outage ng serbisyo, pero palaging mainam na tiyaking normal ang lahat bago simulan ang mas detalyadong pag-troubleshoot.

Tingnan ang status ng serbisyo ng Nest

Tandaan: Posibleng may pagkaantala sa mga update sa status ng serbisyo.

Tingnan kung online ang iyong mga Nest device

Hindi makakapagpadala sa iyo ng mga email o alerto ang mga Nest device mo kung offline ang mga ito.

  • Home app: I-tap ang iyong Nest device para malaman ang status nito.
  • Nest app: Sa home screen, tingnan kung offline ang iyong Nest device.

Pag-troubleshoot ng mga isyu sa Wi-Fi at koneksyon

Tingnan ang iyong mga default na setting (Google Home app lang)
Naka-off ang mga setting ng Home app bilang default. Puwede mong i-on o i-off ang mga notification anumang oras.
  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos Mga Notification.
    • Kung hindi naka-enable ang mga push notification sa mga setting ng iyong device, may lalabas na banner sa screen. Para i-on ang mga push notification sa mga setting ng iyong device, i-tap ang link sa banner at sundin ang mga hakbang.
  3. Piliin ang Mga pangkalahatang notification.
  4. I-on o i-off ang anumang notificaiton.
    • Kung io-on mo ang mga kritikal na alerto, may lalabas na banner kung hindi naka-enable ang mga ito sa mga setting ng iyong device. I-tap ang link sa banner at sundin ang mga hakbang para i-on ang mga ito sa mga setting ng iyong device.
    • Alamin ang tungkol sa mga kritikal na alerto.
Tingnan kung naka-sign in ka sa app

Dapat ay naka-sign in ka sa app para makatanggap ng mga notification.

Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Kung lalabas ang iyong account sa kanang sulok sa itaas at lalabas ang mga Nest device mo sa home screen, naka-sign in ka.
  3. Kung hindi ka naka-sign in, makikita mo ang welcome page. I-tap ang Magsimula at kumpirmahin kung aling account ang gusto mong gamitin o mag-sign in gamit ang ibang account.

Nest app

  1. Buksan ang Nest app Nest app.
  2. Kung lalabas ang iyong mga Nest device sa home screen ng app, naka-sign in ka.
  3. Kung ire-request sa iyo ng app na mag-sign in, ilagay ang email at password mo para makatanggap ulit ng mga notification.
Tingnan kung naka-sign in ka sa tamang account sa app

Sa iisang account lang sa Nest app ka puwedeng mag-sign in sa bawat pagkakataon. Ang mga matatanggap mo lang na push notification ay para sa mga bahay sa account kung saan ka kasalukuyang naka-sign in. Kung marami kang account, o kung may kaibigan ka na magsa-sign in sa kanyang account sa iyong device, posibleng sa maling account ka naka-sign in.

Google Home app

Lumipat ng bahay

Kung marami kang bahay sa iisang account:

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  3. I-tap ang Lumipat ng bahay , pagkatapos ay piliin ang bahay kung saan mo gustong lumipat.

Lumipat ng account

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  3. I-tap ang Lumipat ng account.
  4. I-tap ang account kung saan mo gustong lumipat o Magdagdag ng ibang account para mag-sign in sa bagong account.

Nest app

  1. Buksan ang Nest app Nest app.
    • Kung hindi tumutugma ang mga Nest device at ang pangalan ng bahay sa app sa iyong bahay, o sa ibang Nest home kung saan ka inimbitahan, posibleng kailangan mong mag-sign out at mag-sign in ulit.
  2. Sa home screen ng Nest app, i-tap ang Mga Setting Nest settings icon.
  3. Piliin ang Account.
  4. Sa screen ng account, makikita mo ang larawan ng taong kasalukuyang naka-sign in. Kung hindi siya tutugma sa account na gusto mo, mag-sign out.
  5. Para mag-sign out, piliin ang Mag-sign out sa ibaba ng screen ng account. Pagkatapos, puwede kang mag-sign in gamit ang iyong sariling email at password.

Mga setting ng pag-troubleshoot sa app

Tingnan ang Google Home o Nest app para matiyak na naka-enable ang mga notification na kailangan mo. Kung hindi ka nakakatanggap ng mga notification sa camera, kailangan mong tingnan ang mga karagdagang setting.

Tingnan ang mga setting ng notification ng iyong device

Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app ..
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  3. I-tap ang mga setting ng Home  at pagkatapos Mga Notification .
  4. I-tap ang uri ng notification na gusto mong i-update, pagkatapos ay i-on ang mga notification na kailangan mo.

Nest app

Tiyaking nakatakda nang tama ang mga notification at email para sa bawat device na mayroon ka.

  1. Sa home screen, i-tap ang Mga Setting Nest settings icon at pagkatapos Mga Notification .
  2. Piliin ang produkto kung saan mo gustong baguhin ang mga notification.

Matuto tungkol sa mga notification at kung paano baguhin ang mga setting

Kung mayroon kang Nest camera

Puwedeng iba ang mga notification sa Nest camera. Dahil ayaw naming padalhan ka ng maraming alerto, posibleng makatanggap ka ng mas kaunti sa inaasahan mo kung nakatapat ang iyong camera sa abalang lugar.

Pag-unawa sa kung paano gumagana ang mga notification sa camera

Gumagamit ang Nest ng mga advanced na algorithm para matulungan kang makatanggap ng mga mas makabuluhang alerto. Halimbawa, puwede kang abisuhan ng iyong camera kapag may na-detect itong paggalaw, pero hindi ito magpapadala ng mga hiwalay na alerto para sa paulit-ulit na paggalaw sa panahon ng sunod-sunod na aktibidad. Para sa higit pang detalye, bisitahin ang mga sumusunod na artikulo:

Paano nakakapag-detect ng tunog at paggalaw ang mga Nest camera
Mga tip para masulit ang mga alerto sa aktibidad mula sa iyong Nest camera

Tingnan kung nagmamarka ng aktibidad ang iyong camera sa Sightline ng Nest app kapag kailangan. Kung nangyayari ito pero hindi mo natatanggap ang mga alertong inaasahan mo, tingnan ang iyong mga setting ng mga notification na partikular sa camera sa ibaba.

Tingnan ang mga setting ng notification na partikular sa camera

Pumunta sa Mga Setting ng iyong camera Nest settings icon at pagkatapos Mga Notification at subukan ang mga sumusunod:

  • Sa ilalim ng "Kailan ipapadala," tingnan kung na-enable mo ang opsyong makatanggap ng mga notification Palagi o kapag lang Walang tao sa bahay. Kung Walang tao sa bahay ang napili mo, hindi ka makakatanggap ng mga notification sa camera kung sa palagay ng Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay ay may tao sa bahay mo.
  • Sa ilalim ng "Aktibidad," puwede mong i-on at i-off ang iba't ibang uri ng mga alerto. Nakadepende ang mga eksaktong opsyon na lalabas sa kung aling camera ang mayroon ka at kung nagdagdag ka ng subscription sa Nest Aware. Puwede mong i-enable ang lahat ng opsyon sa seksyong ito o i-off ang alinmang ayaw mo.
  • Kung mayroon kang maraming Nest camera sa iyong bahay, puwede kang pumili ng ibang setting para sa bawat isa. Kaya tiyaking tingnan ang mga setting ng bawat camera sa app.
  • Kung sine-share mo ang access sa iyong Nest home sa Mga Pampamilyang Account, makakapili ang bawat tao ng kanya-kanyang setting para sa mga notification. Kaya kapag binago mo ang mga sarili mong setting, hindi mababago ang mga ito para sa ibang tao.
  • Sa Home app, puwede mong i-personalize ang uri ng mga notification na matatanggap mo. Alamin ang tungkol sa Feed sa Home app

Para sa higit pang detalye tungkol sa bawat setting na nabanggit sa itaas, bisitahin ang sumusunod na artikulo:

Matuto tungkol sa mga alerto sa camera at kung paano baguhin ang mga setting

I-troubleshoot ang koneksyon at mga setting ng telepono

Kung mukhang tama ang iyong mga setting sa Nest app, puwedeng may iba pang nagdudulot ng problema.

Tingnan ang Wi-Fi at cellular na koneksyon ng iyong telepono

Tiyaking wala sa airplane mode ang iyong device at mayroon itong magandang cellular na koneksyon at koneksyon sa Wi-Fi. Puwedeng maantala ang mga notification at email dahil sa mahihinang signal, lalo na sa mga liblib na lugar. Kaya kung isang bar lang ang nakukuha ng iyong telepono, posibleng hindi ka makatanggap kaagad ng notification. Puwede mo ring subukang i-restart ang iyong device. Kapag ni-restart mo ang iyong device, ire-reset nito ang mga cellular na koneksyon at koneksyon sa Wi-Fi, at puwede nitong ayusin ang problema.

Tingnan kung hindi bina-block ang mga notification sa mga setting ng iyong telepono o tablet

Tiyaking hindi bina-block ng mga setting ng iyong telepono o tablet ang mga notification mula sa Nest app. Dadalhin ka ng mga link sa ibaba sa mga website ng suporta ng Apple at ng Google.

Mga Setting ng Notification sa Android
Mga Setting ng Notification sa iOS

Tandaan: Kung gumagamit ang iyong Android device ng mas luma o naka-customize na bersyon ng Android OS, puwedeng may mga pagkakaiba sa mga hakbang.

Sumubok ng ibang telepono o tablet

Kung hindi ka pa rin nakakatanggap ng mga notification, tingnan kung matatanggap mo ang mga ito sa telepono o tablet ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya. I-install ang Nest app, nang may pahintulot niya, at mag-sign in sa iyong account para malaman kung makakatanggap ka ng mga notification sa kanyang device. Tiyaking mag-sign out sa iyong account sa Nest app sa kanyang device kapag tapos ka na.

I-troubleshoot ang mga notification sa email

Iba ang paggana ng mga notification sa email sa mga push notification. Hangga't naitakda mo ang opsyong makatanggap ng mga notification sa email para sa iyong device, matatanggap mo ang mga ito kahit na hindi ka naka-sign in sa Nest app.

Tingnan kung naka-on ang mga notification sa email sa mga setting ng iyong device

Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  3. I-tap ang mga setting ng Home  at pagkatapos Mga Notification .
  4. Buksan ang Mga Notification sa Email.
  5. I-on ang Mga Notification sa Email.

Nest app

  1. Sa home screen, i-tap ang Mga SettingNest settings icon at pagkatapos Mga Notification.
  2. Piliin ang device o program kung saan mo gustong baguhin ang mga notification.
  3. Kung makakakita ka ng opsyon para sa mga notification sa email, tiyaking naka-on ito. Tandaan: Hindi lahat ng Nest device ay magpapadala ng mga notification sa email o papayag na baguhin mo ang setting.

Paano mag-set up ng mga notification para sa iyong mga Nest device

Mahalaga: May ilang mahalagang event kung saan palaging nagpapadala ng mga notification ang iyong Nest device. Halimbawa, sa tuwing io-on ng iyong Nest thermostat ang system mo dahil naabot na ng iyong bahay ang Ligtas na Temperatura. Walang magiging opsyon sa Nest app para i-on o i-off ang mahahalagang notification na ito.

Tingnan kung minamarkahan bilang spam o junk ang mga email mula sa Nest

Tingnan ang iyong folder ng spam o junk. Kung nakatakda ang iyong serbisyo sa email sa markahan ang lahat ng mensahe mula sa mga hindi kilalang email bilang junk, posibleng kailanganin mong idagdag ang aming email address na notifications@nest.com sa iyong mga contact o address book. Sumangguni sa dokumentasyon ng iyong serbisyo sa email para sa partikular na impormasyon tungkol sa kung paano ito nagfi-filter ng mga email at kung paano magdagdag ng bagong contact.

Puwedeng awtomatikong i-block ng ilang serbisyo sa email ang mga email na mula sa mga domain na hindi pa nawa-whitelist ng mga ito, kaya hindi man lang makakarating ang mga email na ito sa iyong folder ng spam. Sa mga ganitong sitwasyon, malamang ay hindi malutas ang isyu sa pagdaragdag ng notifications@nest.com sa iyong address book. Posibleng kailanganin mong idagdag ang aming email address sa isang hiwalay na listahan ng whitelist o mga awtorisadong sender. Kung hindi ka sigurado kung paano ito gawin, makipag-ugnayan sa suporta o administrator ng iyong email para humingi ng tulong.

Kung nagkakaproblema ka pa rin sa pagtanggap ng mga notification sa email mula sa Nest, subukan ang ibang email address mula sa ibang serbisyo sa email. Para palitan ang iyong email address, mag-sign in sa account mo sa Nest app, at sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Sa home screen ng Nest app, i-tap ang Mga Setting Nest settings icon.
  2. Piliin ang Account at pagkatapos Pamahalaan ang account.
  3. I-tap ang Seguridad ng Account.
  4. Piliin ang Email Address.
  5. Ilagay ang bagong email address at ilagay ang iyong kasalukuyang password.

Mahalaga: Kapag pinalitan mo ang iyong email address, babaguhin ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Nest app.

Kung hindi gagana ang bagong email address, lumipat sa iyong orihinal na email address. Kapag inilagay ulit ang iyong orihinal na address, posibleng maayos ang problema kung may typo.

Paano palitan ang email address na nauugnay sa iyong account sa Nest app

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
17434582936739093362
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
1633396
false
false
false
false