Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Hindi gumagana ang Nest Home at Kapag Wala sa Bahay

Ang artikulong ito ay para sa mga bahay na gumagamit ng Home app (Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay) o Nest app (Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay) para awtomatikong magawa ng mga device sa mga ito na magpalipat-lipat sa Home at Away mode kapag may dumarating at umaalis sa bahay.

Narito ang ilang tip sa pag-troubleshoot kung hindi awtomatikong nagpapalipat-lipat ng gawi ang iyong bahay, o ang mga partikular na produkto sa bahay mo, gaya ng inaasahan.

Mga pangkalahatang tip sa pag-troubleshoot

Tingnan ang iyong lokasyon

Hindi lilipat sa Wala sa Bahay ang iyong bahay sa mismong paglabas mo ng pinto para umalis. Kaya posibleng kailanganin mong makalayo pa sa iyong bahay para lumipat ito sa Wala sa Bahay.

Halimbawa, kung pumunta ka lang sa iyong kapitbahay, posibleng hindi awtomatikong lumipat sa Wala sa Bahay ang bahay mo.

Paano ginagamit ng pagtukoy sa presensya ang lokasyon ng iyong telepono

Huwag ibahagi ang mga kredensyal sa pag-sign in ng iyong account

Huwag ibahagi ang iyong email at password sa ibang taong may access sa bahay mo. Sa halip, dapat mong imbitahan ang ibang tao na magkaroon ng access gamit ang sarili nilang email at password. Kapag hindi lang isang tao ang gumagamit sa mga parehong kredensyal para mag-sign in sa app, puwede itong magsanhi ng hindi inaasahang gawi sa iyong bahay at mga produkto ng Nest.

Puwedeng makaapekto ang mga alagang hayop sa pagpapalipat-lipat ng bahay

Hindi nagkakaproblema ang karamihan ng mga bahay na may mga Nest thermostat sa hindi paglipat ng kanilang bahay sa Wala sa Bahay dahil sa mga alaga nilang hayop. Ito ay dahil kadalasan, mina-mount ang mga thermostat nang may sapat na taas sa pader, kaya hindi natutukoy ng mga sensor ng Nest thermostat ang iyong alagang hayop. Pero kung tumatalon, umaakyat, o lumilipad ang iyong mga alagang hayop, posibleng matukoy sila ng thermostat mo at isipin nitong nasa bahay ka pa.

Kadalasan, natutukoy ng mga sensor ng Nest Protect ang paggalaw ng mga aso at iba pang alagang hayop, kaya posibleng dahil sa mga alaga mo, hindi lumipat sa Wala sa Bahay ang iyong bahay kahit walang tao.

Kung sa palagay mo ay natutukoy ng iyong mga device ang mga alaga mong hayop, puwede mong i-disable ang pagkaka-trigger ng device mula sa pagtulong sa pagtukoy sa presensya. Sumangguni sa mga sumusunod na artikulo para sa mga detalyadong tagubilin.

Tingnan ang baterya, mga setting, at lakas ng signal ng iyong telepono

  1. Tiyaking naka-enable ang cellular data (na tinatawag ding mobile data) at Wi-Fi.
    • Tandaan: Bihira lang kailangan ng iyong bahay na gumamit ng GPS data para malaman kung nakaalis o nakauwi ka na ng bahay dala ang telepono mo. Ginagamit lang ito ng bahay mo para i-sync ang lokasyon ng iyong telepono kung 2 araw na itong wala sa bahay. Hindi nito tuluy-tuloy na sinusubaybayan ang iyong lokasyon at ginawa ito para hindi masyadong maapektuhan ang charge ng baterya ng telepono mo.
  2. Tiyaking wala sa airplane mode ang iyong telepono.
  3. Kung paubos na ang charge ng iyong telepono, posibleng awtomatikong na-disable ang cellular data at Wi-Fi para mapreserba ang charge ng baterya. Ikonekta ito sa charger.
  4. Kung ikaw ay nasa isang lugar kung saan mahina ang cellular signal, posibleng hindi matukoy ng iyong bahay na nakaalis ka na, pero lilipat din sa Wala sa Bahay ang bahay mo kapag lumakas na ang signal.
  5. Tingnan ang mga notification at pahintulot sa data ng Home app o Nest app sa Mga Setting ng OS ng iyong telepono. Kadalasan, may listahan ng lahat ng naka-install na app sa menu ng Mga Setting ng iyong telepono. Piliin ang Home app o Nest app sa listahan at tingnan kung puwede itong gumamit ng cellular, Wi-Fi, at GPS data, at kung puwede itong magpadala ng mga notification.

I-troubleshoot ang lokasyon ng telepono

Puwedeng makaapekto ang mga setting ng iyong telepono sa husay ng pagpapalipat-lipat ng bahay mo sa Nasa Bahay at Wala sa Bahay. Halimbawa, kung naka-off ang Wi-Fi sa iyong telepono, posibleng hindi matukoy ng bahay mo kapag umaalis ka ng bahay dala ang iyong telepono.

Ayusin ang mga problema sa lokasyon ng telepono

Tingnan ang aktibidad kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay sa history

Sa isang mabilis na pagtingin sa app, malalaman mo kung bakit at kailan nagpalipat-lipat sa Nasa Bahay at Wala sa Bahay ang iyong bahay, at magkakaroon ka ng gabay kung ano ang dapat i-troubleshoot.

History ng bahay sa Home app

  1. Sa home screen, pumunta sa Aktibidad    Mga Kamakailang Event Pumunta sa history, pagkatapos ay hanapin ang mga event "Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay."
  2. Mag-tap ng araw para makita ang mga event na aktibidad na naging dahilan para lumipat sa Nasa Bahay o Wala sa Bahay para sa araw na iyon.
  3. Tingnan ang mga oras kung kailan sa palagay mo ay hindi dapat lumipat ang iyong bahay.
    • Halimbawa, posibleng makita mo ang "Lumipat sa Nasa Bahay • Lokasyon ng telepono 9:35 am," na ang ibig sabihin ay awtomatikong umalis sa Wala sa Bahay ang iyong bahay dahil may dumating dala ang kanyang telepono.
  4. Kapag alam mo na kung bakit lumipat ang iyong bahay kahit hindi dapat, puwede mo itong subukang pigilan sa hinaharap.
    • Halimbawa, posibleng ilipat mo ang isang device na masyadong maraming aktibidad na natutukoy, o i-off mo ang pag-detect ng paggalaw para sa device na iyon gamit ang app.

History ng aktibidad sa Nest app

  1. Pumunta sa Mga Setting Nest settings icon Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay, pagkatapos ay mag-scroll pababa hanggang sa dulo at piliin ang History ng aktibidad
  2. Ipapakita ang huling 10 araw ng history ng aktibidad. Mag-tap ng araw para makita ang mga event na aktibidad na naging dahilan para lumipat sa Nasa Bahay o Wala sa Bahay para sa araw na iyon.
  3. Tingnan ang mga oras kung kailan sa palagay mo ay hindi dapat lumipat ang iyong bahay.
    • Halimbawa, posibleng makita mo ang "Nasa Bahay: May aktibidad sa bahay. Sala Thermostat 7:30 PM," na ang ibig sabihin ay awtomatikong umalis ang iyong bahay sa Wala sa Bahay dahil may natukoy na aktibidad ang thermostat mo.
  4. Kapag alam mo na kung bakit lumipat ang iyong bahay kahit hindi dapat, puwede mo itong subukang pigilan sa hinaharap.
    • Halimbawa, puwede mong ilipat ang isang produktong masyadong maraming natutukoy na aktibidad, o i-off ang pag-detect ng paggalaw para sa produktong iyon gamit ang app. 

Ang Iyong Bahay

Lumipat sa Nasa Bahay ang iyong bahay sa sandaling nakatakda dapat ito sa Wala sa Bahay

Palaging awtomatikong lilipat sa Nasa Bahay ang iyong bahay sa tuwing mangyayari ang mga sumusunod:

  • May natukoy na aktibidad ang iyong mga produkto ng Google Nest.
  • May pumasok sa iyong bahay na isang teleponong na-set up para tumulong sa Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay o Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay.

Kaya kapag may pumasok sa iyong bahay, mabilisang lilipat ang bahay mo sa Nasa Bahay.

Posibleng hindi inaasahang bumalik sa Nasa Bahay ang bahay mo kung matutukoy ng iyong mga produkto ng Nest ang mga alagang hayop na gumagala-gala sa bahay mo o anumang gumagalaw habang naglalabas ng init.

Posible ring medyo maagang lumipat sa Nasa Bahay ang iyong bahay para mapaghandaan ang pagdating mo. Kaya posibleng mapansin mong nakatakda ito sa Nasa Bahay bago ka pa pumasok sa pinto. Puwedeng mag-iba ang aga ng paglipat nito depende sa mga koneksyon sa cellular at Wi-Fi ng iyong telepono, na nakakaapekto sa katumpakan ng lokasyon mo.

Mabilisang solusyon

Bilang mabilisang solusyon, manual na lumipat sa Wala sa Bahay sa Home app o Nest app. Babalik sa Nasa Bahay ang iyong bahay kung may aktibidad o kapag may dumating na kalahok na telepono.

I-troubleshoot ang mga umuulit na problema

  1. Para malaman kung bakit itinakda sa Nasa Bahay ang iyong bahay at makakuha ng gabay sa dapat i-troubleshoot, tingnan ang history ng aktibidad sa Home app o Nest app.
    • Sa Nest app, pumunta sa Mga Setting Nest settings icon Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay, pagkatapos ay mag-scroll pababa para piliin ang History ng aktibidad.
    • Sa Home app, pumunta sa Aktibidad   Pumunta sa history at mag-filter para Mga event na pagtukoy sa presensya lang ang isama. Pagkatapos ay suriin ang iyong Mga event na pagtukoy sa presensya.
  2. Kung mayroon kang mga alagang hayop, subukang alisin sa listahan ng mga device, na tumutulong sa pagtukoy sa presensya sa mga setting, ang mga partikular na Nest device sa mga kuwartong madalas gamitin ng iyong mga alagang hayop.
  3. Kung mayroon kang Nest thermostat, alisin ang anumang heater sa tapat ng thermostat. Kung hindi mo puwedeng ilipat ang isang heater na posibleng matukoy ng iyong thermostat, subukang alisin ang thermostat mo para hindi ito tumulong sa pagtukoy sa presensya sa mga setting.
  4. Tingnan ang mga setting ng lokasyon ng iyong telepono para sa Android.
  5. Tiyaking tama ang lokasyon ng iyong bahay sa Home app o Nest app.

Hindi awtomatikong lumilipat sa Wala sa Bahay ang iyong bahay kung kailan mo inaasahan

Hindi awtomatikong lilipat sa Wala sa Bahay ang iyong bahay pagkalabas mo ng pinto. Ito ay dahil hindi palaging sinusubaybayan ng app ang iyong eksaktong lokasyon.

Sa halip, tinitingnan nito kung ikaw ay nasa bahay o wala, at nakalayo ka na dapat sa iyong bahay bago ito lumipat sa Wala sa Bahay. Kaya kung sa kapitbahay ka lang pupunta, posibleng hindi lumipat sa Wala sa Bahay ang iyong bahay.

Kung hindi malakas ang signal ng iyong cellular at/o Wi-Fi sa lokasyon ng bahay mo, posibleng hindi matukoy ng Nest na nakaalis ka na hangga't hindi nagkakaroon ng magandang koneksyon ang iyong telepono.

Solusyon:

  1. Pumunta sa history para sa iyong bahay para malaman kung Nasa Bahay o Wala sa Bahay ang iniuulat ng bahay mo.
    • Sa Nest app, pumunta sa Mga Setting Nest settings icon Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay, pagkatapos ay mag-scroll pababa para piliin ang History ng aktibidad.
    • Sa Home app, pumunta sa  Aktibidad   Pumunta sa history.
  2. Tiyaking wala nang tao (o wala na ang kanilang mga telepono) sa iyong bahay. Hindi lilipat sa Wala sa Bahay ang iyong bahay dahil sa mga ito.
  3. Kung mayroon kang mga alagang hayop at Nest Protect, posibleng napansin sila ng Protect at hindi lumipat ang bahay mo dahil dito. Kung oo, alisin ang iyong Protect sa listahan ng mga device na tumutulong sa pagtukoy sa presensya.
  4. I-troubleshoot ang mga posibleng isyu sa lokasyon ng telepono. Kung may iba pang taong gumagamit sa Nest app para sa nakabahaging access sa iyong bahay, dapat din nilang tiyaking tama ang lokasyon ng kanilang telepono sa app.
  5. Tiyaking tama ang lokasyon ng iyong bahay sa Home app o Nest app.

Mga Nest thermostat

Kung kakatapos mo lang maglagay ng Nest thermostat

Kailangan ng mga Nest thermostat ng humigit-kumulang isang linggo para matuto tungkol sa iyong bahay at sa karaniwan mong iskedyul sa araw-araw.

Habang natututo ang iyong thermostat, gagamitin nito ang lokasyon ng telepono mo at ang aktibidad na natutukoy mula sa iba pang produkto para awtomatikong lumipat sa Mga Eco Temperature. 

Hindi gagamitin ang mga sensor ng iyong thermostat para awtomatikong ilipat ang bahay mo sa Nasa Bahay o Wala sa Bahay sa panahon ng pagkatuto.

Pagkalipas ng ilang araw ng pagkatuto, gagamitin ng iyong thermostat ang data ng sensor nito para makatulong na tukuyin kung ikaw ay nasa bahay o wala at kung kailan lilipat sa Mga Eco Temperature. Kaya posibleng mapansin mong medyo mag-iba ang oras ng paglipat sa Mga Eco Temperature.

Nasa Wala sa Bahay ang iyong bahay pero hindi lumipat ang thermostat mo sa Mga Eco Temperature

Kapag awtomatikong lumipat sa Wala sa Bahay ang iyong bahay, lilipat din ang thermostat mo sa Mga Eco Temperature. Kung hindi lilipat ang iyong thermostat sa Mga Eco Temperature kapag lumipat sa Wala sa Bahay ang bahay mo, posibleng hindi nakatakda ang iyong thermostat na awtomatikong lumipat sa Mga Eco Temperature.

Solusyon: 

  1. Siguraduhing nakatakda ang iyong thermostat na awtomatikong lumipat sa Mga Eco Temperature.
  2. Kung gusto mong lumipat agad ang iyong thermostat sa Mga Eco Temperature, ilipat nang manual ang thermostat mo sa Mga Eco Temperature. Mananatili ito sa Mga Eco Temperature hangga't hindi mo ito inililipat nang manual sa heating o cooling mode.

Hindi nananatili sa Mga Eco Temperature ang iyong thermostat habang nakatakda sa Wala sa Bahay ang bahay mo

Kung awtomatikong lumilipat ang iyong thermostat sa Mga Eco Temperature kapag nakatakda sa Wala sa Bahay ang bahay mo pero ino-off nito ang Mga Eco Temperature nang hindi inaasahan habang wala ka pa, narito ang ilang posibleng dahilan:

  • Binago mo ang temperatura o binago ito ng isang taong may nakabahaging access nang manual.
  • Ini-off mo o ng isang taong may nakabahaging access ang opsyon para awtomatikong lumipat ang iyong thermostat sa Mga Eco Temperature.

Solusyon:

  1. Kung gusto mong manatili sa Mga Eco Temperature ang iyong thermostat, itakda ang thermostat mo sa Mga Eco Temperature nang manual. Papanatilihin nito ang Mga Eco Temperature hangga't hindi mo ito inililipat sa heating o cooling mode nang manual.
  2. Pumunta sa history ng aktibidad para tingnan kung binago ng isang tao sa iyong bahay ang temperatura. Puwedeng maalis sa pagkakatakda sa Mga Eco Temperature ang iyong thermostat dahil dito.
  3. Tiyaking hindi na-disable ang awtomatikong paglipat sa Mga Eco Temperature para sa iyong thermostat.

Hindi umalis sa Mga Eco Temperature ang iyong thermostat pagkauwi mo ng bahay

Kung makikita mong lumipat sa Nasa Bahay ang status ng iyong bahay pagkauwi mo, pero nasa Eco mode pa rin ang iyong thermostat, posibleng manual na itinakda ang thermostat mo sa Mga Eco Temperature.

Solusyon:

Itakda ang iyong thermostat sa gusto mong heating o cooling mode, at itutuloy nito ulit ang awtomatikong paglipat.

Paano magpalit ng mode ng Nest thermostat

Mga Nest camera at Nest doorbell

Hindi na-on o na-off ang iyong camera gaya ng inaasahan

Mabilisang solusyon

Bilang mabilisang solusyon, gamitin ang app para manual na i-off ang iyong camera o doorbell.

I-troubleshoot ang mga umuulit na problema

  1. Piliin ang manual na iskedyul o awtomatikong paglipat sa naka-on o naka-off. Huwag gamitin ang dalawa nang sabay dahil puwede itong magdulot ng hindi inaasahang gawi. Tingnan ang mga setting para sa iyong camera o doorbell sa bawat isa sa mga link sa ibaba.

    Tandaan: Kung mahigit sa isa ang iyong camera, kakailanganin mong baguhin ang setting na ito para sa bawat camera sa iyong bahay.

    Baguhin ang iskedyul ng camera
    Home app: Baguhin ang mga setting ng Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay
    Nest app: Baguhin ang mga setting ng Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay

  2. Tiyaking tama ang kasalukuyan mong lokasyon sa app. Halimbawa, kung nakaalis ka na at ang lahat ng iba pa sa bahay, dapat ay ipakita ng iyong app na nakatakda sa Wala sa Bahay ang bahay mo.

    • Sa Home app, i-tap ang Mga Setting Impormasyon ng bahay Address ng bahay, pagkatapos ay i-verify kung tama ang impormasyon. Kung kailangan mong baguhin ang address, i-tap ang kasalukuyang address at maglagay ng bago.
    • Sa Nest app, pumunta sa Mga Setting Nest settings icon Impormasyon ng bahay  sa tabi ng "Address," i-verify na tama ang impormasyon. Kung kailangan mong baguhin ang address, i-tap ang Address.
    • Kung may iba pang taong may access sa iyong bahay at nagkokontrol ng mga device, dapat din nilang tiyaking tama ang lokasyon ng kanilang telepono sa app.
  3. Pumunta sa mga setting para malaman kung hindi na-disable ang awtomatikong paglipat sa Nasa Bahay at Wala sa Bahay sa pagdating at pag-alis mo para sa iyong camera.
    • Para makita ang mga setting ng Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay para sa iyong camera, buksan ang Home app i-tap ang Mga Routine Routine Kapag Nasa Bahay o Routine Kapag Wala sa Bahay. Pagkatapos, tingnan kung nakalista ang pagkilos ng device para sa iyong camera.
    • Para tingnan ang mga setting ng Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay para sa iyong camera, buksan ang Nest app i-tap ang Mga Setting Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay Nasa Bahay o Wala sa Bahay ang camera mo. Pagkatapos, tingnan kung naka-on ang awtomatikong paglipat.
  4. Ang lokasyon lang ng iyong telepono ang awtomatikong nag-o-on o nag-o-off sa mga camera, kaya kapag mali ang lokasyon ng telepono, posibleng maapektuhan ang awtomatikong paglipat sa pagdating at pag-alis mo. Subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot para sa lokasyon ng Android phone.

  5. Kung kailangan mo ng higit pang tulong, sumangguni sa Mga pangkalahatang tip sa pag-troubleshoot para sa higit pang hakbang na puwede mong subukan.

Iba pang bagay na dapat tingnan

Iisang telepono lang ang gamitin para sa pagtukoy sa presensya

Dapat ay iisa lang ang telepono, na may naka-enable na Pagtukoy sa presensya, ng bawat taong may access sa isang bahay gamit ang app. Kung mahigit sa isang device na may pagtukoy sa presensya ang gagamitin mo, posibleng magpalipat-lipat sa Home at Away mode nang hindi inaasahan.

Halimbawa, kung 2 ang telepono mo (para sa trabaho at personal) at ikaw ang huling aalis ng bahay dala ang iyong personal na telepono, pero maiiwan mo ang telepono mo para sa trabaho, iisipin ng iyong bahay na nandoon ka pa at hindi ito lilipat sa Wala sa Bahay.

Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Pagtukoy sa presensya.
  3. Piliin ang mga device na gusto mong gamitin para sa pagtukoy sa presensya. Makakatulong ang mga device na ito na tukuyin kung wala lahat o kung may tao sa bahay.

Nest app

Kung ginagamit mo rin ang Nest app, dapat mo ring tingnan ang mga setting ng Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay.

Tiyaking hindi binago ng ibang tao ang mga setting

Magagawa rin ng sinumang inimbitahan mong makikontrol sa iyong bahay na baguhin ang mga sumusunod na setting:

  • I-enable o i-disable ang paggamit ng iyong bahay sa mga lokasyon ng mga telepono para tumulong sa bahay mong awtomatikong lumipat.
  • Piliin kung aling mga device ang puwedeng lumipat sa pagdating at pag-alis mo.
  • I-enable o i-disable ang mga sensor ng aktibidad para sa mga partikular na device.

Ang mga pagbabagong gagawin sa anumang feature na gumagamit ng pagtukoy sa presensya ay puwedeng makaapekto sa iba pang feature na umaasa sa pagtukoy sa presensya. Halimbawa, kapag ini-off ang pagtukoy sa presensya gamit ang Mag-ring Lang Kapag Nasa Bahay, puwede ring maapektuhan ang Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay, o kapag ini-off ng isang bahay na gumagamit ng Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay ang pagtukoy sa presensya para sa iyong telepono, hindi na gagana ang Mag-ring Lang Kapag Nasa Bahay.

Tingnan ang mga setting na ito sa app para matiyak na nakatakda ang mga ito ayon sa gusto mo. Kung may nabago, sabihan ang iba pang taong inimbitahan sa iyong bahay na huwag pakialaman ang mga setting.

Mga setting ng Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay
Mga setting ng Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay

Tiyaking naka-on at nakakonekta sa Wi-Fi ang mga produkto ng Nest

Kung ang isa o higit pa sa iyong mga produkto ng Nest ay nakalista bilang "Offline" o nakadiskonekta sa Wi-Fi, puwede itong makaapekto sa mangyayari kapag nagpalipat-lipat sa Nasa Bahay at Wala sa Bahay ang bahay mo.

  1. Posibleng na-off ang isa o higit pa sa iyong mga produkto ng Nest. Tiyaking nakasaksak at nagcha-charge ang mga ito. 
  2. Kung nakalista pa rin bilang "Offline" ang ilan o lahat ng iyong produkto ng Nest, sumangguni sa sumusunod na artikulo para mag-troubleshoot: I-troubleshoot ang mga isyu sa Wi-Fi at koneksyon para sa mga produkto ng Nest.

Tiyaking tama ang lokasyon ng iyong bahay

Kung mali ang lokasyon ng bahay, puwedeng maapektuhan ang katumpakan at oras ng awtomatikong paglipat sa Nasa Bahay at Wala sa Bahay. Kung hindi lumilipat sa Nasa Bahay ang iyong bahay kung kailan mo inaasahan, tiyaking tama ang lokasyon ng bahay mo sa app.

Sa Home app

Baguhin ang iyong address:

  1. I-tap ang Mga Setting .
  2. Piliin ang Impormasyon ng bahay.
  3. I-tap ang Address ng bahay.

Sa Nest app

  1. Sa home screen, i-tap ang Mga Setting Nest settings icon.
  2. Piliin ang Impormasyon ng bahay.
  3. Mag-tap sa Address.
  4. I-tap ang kasalukuyang address para i-edit ito kung kailangan mo. Pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  5. Puwede mo nang i-drag ang mapa para ilipat ang pin na nagmamarka sa lokasyon ng iyong bahay.

Mga dapat malaman tungkol sa mga gawi sa pagtukoy sa presensya sa Mga Produkto ng Nest

Ang mga pangunahing kaalaman

  • Ginagamit ng pagtukoy sa presensya ang lokasyon ng telepono at mga sensor ng aktibidad para malaman kapag umalis o umuwi ka sa bahay para awtomatikong makalipat sa Nasa Bahay o Wala sa Bahay ang iyong mga nakakonektang device. Puwede mong i-set up ang Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay sa Home app o ang Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay sa Nest app.
  • Gagamitin lang ng pagtukoy sa presensya ang lokasyon ng iyong telepono kung papahintulutan mo ang app na gamitin ito. Kung sakaling magbago ang iyong isip, puwede mong i-disable o i-enable ang access sa lokasyon ng iyong telepono sa mga setting ng app.
  • Puwede mo ring manual na itakda ang iyong kasalukuyang lokasyon sa Nasa Bahay o Wala sa Bahay sa Home app sa ilalim ng Mga Setting  Pagtukoy sa presensya.
  • Puwede mong i-disable ang mga sensor ng aktibidad para sa mga partikular na Nest device anumang oras sa mga setting. Kung idi-disable mo ang lahat ng nakakonektang device para sa tahanan mula sa pagtulong sa pagtukoy sa presensya, sa awtomatikong paglipat lang sa pagdating at pag-alis mo magagamit ng iyong mga device ang lokasyon ng telepono.

Matuto pa tungkol sa pagtukoy sa presensya

Mga gawi ng bahay

  • Hindi ino-override ng lokasyon ng telepono mo ang mga sensor ng iyong produkto ng Nest, kaya kung may matutukoy na aktibidad ang Nest thermostat o Protect mo, aalis sa Wala sa Bahay at lilipat sa Nasa Bahay ang iyong bahay kahit wala sa bahay ang telepono mo.
  • Puwedeng i-override ng awtomatikong paglipat sa Nasa Bahay o Wala sa Bahay ang manual na paglipat. Kaya kahit na itakda mo nang manual sa alinmang mode ang iyong bahay, lilipat ito pagkaalis ng lahat o kapag may umuwi.
  • Puwedeng mag-iba ang tagal ng awtomatikong pagtatakda ng iyong mga produkto ng Nest kapag umaalis at umuuwi ka sa bahay. Nakadepende ang pagkaantala kung gaano kayo karegular umaalis at umuuwi ng iba pang miyembro ng iyong sambahayan. Halimbawa, kung mayroon kang pare-parehong iskedyul sa araw-araw, magiging mas maikli ang pagkaantala.

Mga gawi ng Nest thermostat

  • Kung itatakda mo sa Wala sa Bahay ang iyong bahay nang manual, awtomatikong lilipat sa Mga Eco Temperature ang thermostat mo. Kapag may dumating at lumipat sa Nasa Bahay ang iyong bahay, awtomatikong babalik sa heating o cooling mode ang thermostat mo.
  • Kung manual mong itatakda sa Mga Eco Temperature ang iyong thermostat, hindi ito awtomatikong babalik sa heating o cooling kapag may dumating. Manual itong itakda sa gusto mong heating o cooling mode, at itutuloy nito ulit ang awtomatikong paglipat.
  • Puwedeng mag-iba ang tagal ng paglipat ng iyong thermostat ng bahay mo sa Wala sa Bahay (at paglipat nito sa Mga Eco Temperature). Nakabatay ang pagkaantala kung gaano ka karegular na umaalis at umuuwi sa bahay, at kung gaano kadalas na nakakatukoy ng aktibidad sa iyong bahay ang thermostat mo.
  • Kapag itinakda mo nang manual sa Mga Eco Temperature ang iyong thermostat, hindi lilipat sa Wala sa Bahay ang bahay mo.

Mga gawi ng Nest camera

  • Ang lokasyon lang ng iyong telepono ang puwedeng awtomatikong mag-on o mag-off sa mga camera. Gayunpaman, puwede mong manual na i-off ang iyong camera gamit ang Nest app o Home app, o manual na itakda ang bahay mo sa Nasa Bahay o Wala sa Bahay, na mag-o-on o mag-o-off din sa iyong camera.
  • Hindi gumagamit ng mga sensor ang iyong camera para tumulong na magpasya kung ikaw ay Nasa Bahay o Wala sa Bahay. Kaya kung dadaan ka lang sa harap ng iyong camera, hindi lilipat sa Nasa Bahay ang bahay mo.
  • Hindi mao-off ang mga camera kapag may aktibidad na natukoy ang iba pang produkto ng Nest dahil hindi makakatiyak ang mga ito kung ang aktibidad ay dahil sa isang manloloob, dahil sa iyo, o dahil sa isang miyembro ng pamilya. Hindi awtomatikong mag-o-on ang mga camera sa iyong bahay hangga't hindi pa nakakaalis ang lahat ng teleponong nakatakdang tumulong sa pagtukoy sa presensya, at hindi awtomatikong mag-o-off ang mga ito hangga't walang dumarating.
  • Posibleng mangyari ang mga nakakalitong gawi sa paglipat ng camera kung parehong awtomatikong nag-o-on at nag-o-off ang iyong camera kapag umaalis at umuuwi ka sa bahay at mayroon itong iskedyul ng camera. Inirerekomendang gamitin mo ang isa sa dalawa.
  • Makakakita ka ng higit pang detalye kung paano gumagana ang mga Nest camera sa pagtukoy sa presensya sa aming help center.

Mga gawi ng Secure

  • Hindi puwedeng awtomatikong i-arm o i-disarm ng Tulong Kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay ang Nest Secure. Kakailanganin mong gumamit ng Nest tag, ilagay ang iyong code, o gamitin ang app para ma-arm o ma-disarm ang system mo ng seguridad. Gayunpaman, kapag binago mo ang mode ng iyong bahay gamit ang app, puwedeng baguhin ng Nest Secure ang antas ng seguridad nito para tumugma ito.
  • Tutulong ang Nest app na magpadala ng mga notification para ipaalala sa iyong i-arm o i-disarm ang alarm sa pagdating at pag-alis mo. Kaya kung hindi naka-arm ang Nest Secure sa pag-alis ng huling tao sa bahay, makakatanggap siya ng notification na Ipaalala sa Akin sa kanyang telepono para i-arm ang Secure. Kapag malapit na sa bahay ang unang tao, puwedeng itanong ng app kung gusto niyang i-disarm ang alarm bago siya pumasok sa pinto.

Mga gawi ng Protect

Hindi apektado ng pagpapalipat-lipat sa Nasa Bahay at Wala sa Bahay ang gawi ng Nest Protect. Gayunpaman, puwedeng pigilan ng mga wired na Nest Protect ang iyong bahay na lumipat sa Wala sa Bahay kung may natukoy na aktibidad ang mga sensor ng mga ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5857930230214130330
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false