- Dinisenyo ang mga Google Nest thermostat na gumana sa karamihan ng mga 24 V system, kahit sa mas lumang mga system. Gumagana ang mga ito sa lahat ng karaniwang uri ng fuel kabilang ang natural gas, langis, at kuryente.
- Habang sine-setup, gagabayan ka ng Google Home o Nest app sa mga hakbang para sabihin sa iyo kung compatible ang iyong system sa iyong Nest thermostat bago mo i-install it. Bibigyan ka rin ng app ng gabay sa custom na wiring para sa iyong thermostat.
- Puwede mo ring tingnan ang compatibility ng iyong system bago bumili ng Nest thermostat sa aming online na Compatibility Checker.
- Puwedeng mag-require ng common wire (C wire) o ng Nest Power Connector ang ilang system. Pumunta sa g.co/nest/cwire para sa mga detalye.
- Para matingnan ang compatibility, kailangan mo lang malaman ang uri ng heating system. Hindi mahalaga ang partikular na brand o modelo. Kung hindi mo alam kung anong uri ng system ang mayroon ka, tingnan ang website ng iyong manufacturer o makipag-ugnayan sa kanila.
May mga kumpletong tagubilin ang online Compatibility Checker para matingnan kung compatible ang iyong mga heating at cooling system sa mga Nest thermostat, ngunit narito ang ilang karagdagang impormasyon para matulungan ka habang ginagamit mo ito:
Paano i-off ang power ng iyong systemPinoprotektahan ka nito at iniiwasan ang pagsabog ng fuse sa kagamitan mo. Posibleng may switch sa iyong system o malapit sa iyong system na |
|
Paano subukan na naka-off ang power ng systemBaguhin ang temperatura sa iyong thermostat nang kahit 5 degree man lang.
Tip: Puwede mong pakinggan ang pag-on ng iyong system, o ilagay ang iyong kamay malapit sa isang vent para madama kung may lumalabas na mainit o malamig na hangin. |
|
Paano alisin ang takip ng iyong thermostatHinihila lang ang ilang takip, habang kailangang i-unscrew ang iba. Kung mayroon kang mas lumang termostat, posibleng may mid-plate na kailangan ding alisin para malantad ang mga wire. |
|
Mga hindi compatible na thermostat wire
Kung high voltage o stranded ang mga wire ng iyong thermostat, hindi compatible ang iyong system. Ngunit posibleng kayang gawing compatible ng isang sanay na propesyonal ang iyong system.
Mga stranded wireTingnang mabuti ang dulo ng isa sa mga thermostat wire. Posibleng kailangan mong hugutin ang isa mula sa connector parra matingnan. Kung may higit sa isang malaking strand, hindi compatible sa Nest ang wiring. Kapag tapos ka na, ipasok ulit ito sa tamang connector. Tandaan: Kung stranded ang iyong mga wire, puwede kang makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal para malagyan ng cap, mahinang o mapalitan ng solid core wire ang mga stranded wire, na gagana sa Nest thermostat. Posibleng depende ang pamamaraan sa mga requirement ng iyong lokal na code ng kuryente. |
|
Mga high voltage wireKaraniwang may thermostat na may label na 120 V o 240 V ang mga high voltage system, at may dalawang makakapal na wire na may mga wire nut. Hindi tugma sa mga Nest thermostat ang mga high voltage system, gaya ng mga electric baseboard heater. Sa ilang kaso, posibleng gawing compatible sa Nest thermostat ang iyong system. Makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal at magpa-install sa kanila ng step down transformer na 20 - 30 V. |
|
Kunan ng larawan ang mga wireMag-save ng larawan ng kasalukuyang mga thermostat wire mo sakaling mangailangan ka ng tulong sa ibang pagkakataon. Tiyaking nababasa ang mga label ng connector. |
|
Kung dalawa ang label ng mga connector ng iyong thermostatPuwedeng mahirap tukuyin kung aling set ng mga label ang gagamitin sa compatibility checker. Sumangguni sa sumusunod na artikulo para sa higit pang impormasyon: Ano ang gagawin kung dalawa ang label ng mga wire connector ng iyong thermostat |
|
Balewalain ang mga kulay ng wireIlagay lang kung aling mga konektor ang may wire at balewalain ang kulay ng mga wire. Ito ay dahil hindi lahat ng system ay konektado sa thermostat na may parehong kulay ng wire. Halimbawa, huwag ilagay ang R sa Compatibility Checker kung makakita ka ng pulang wire, o W kung makakita ka ng puting wire. Ang label sa wire connector ang dapat mong ilagay. Kaya tingnan ang R kung may kahit anong kulay na wire sa R connector ng iyong thermostat. |
|
Huwag maglagay ng mga jumper wireKung may maikling "jumper" wire ang iyong thermostat sa pagitan ng dalawang connector, huwag isama ang wire na iyon. Ilagay lang ang mga label para sa mga wire na nagmumula sa loob ng iyong dingding na nakakabit sa thermostat. Halimbawa, sa larawan sa kanan, ilalagay mo lang ang Rh, Y1, G at C wire sa checker. Hindi mo ilalagay ang Rc sa checker, dahil nakakonekta lang ito sa isang jumper. |
|
Alamin pa ang tungkol sa compatibility
Mga system na compatible sa Nest
May ilang pangunahing kaibahan sa pagitan ng mga Nest thermostat at kung anong mga system ang gagana sa bawat isa.
Tandaan: Gamitin ang talahanayang ito para sanggunian lang.
|
Mga uri ng system |
Nest Learning Thermostat (3rd gen o mas luma) |
Nest Thermostat E |
Nest Thermostat | Nest Learning Thermostat (4th gen) |
|---|---|---|---|---|
| Heat lang, cool lang, Heat+Cool |
|
|
Nagre-require ng C wire o Nest Power Connector |
|
|
Mga uri ng fuel na Natural Gas, Langis, o Kuryente |
|
|
|
|
|
Single stage na heating at/o cooling |
|
|
Nagre-require ng heat only o cool only C wire o Nest Power Connector |
|
|
Single stage na heating na may two stage na cooling |
|
|
|
|
|
Two stage na heating na may single stage na cooling |
|
|
|
|
|
Single stage na heat pump na mayroon o walang AUX heat |
|
|
Nagre-require ng C wire o Nest Power Connector |
|
|
Single speed na fan |
|
|
|
|
|
Single stage na heat pump na may hiwalay na single stage na furnace heating (Dual fuel) 1 |
|
|
Nagre-require ng C wire o Nest Power Connector |
|
|
Single stage na heat pump na may hiwalay na two stage na furnace heating (Dual fuel) 1 |
|
|||
|
Two stage na heat pump na mayroon o walang AUX heat |
|
|||
|
Two stage na heat pump na may hiwalay na two stage na furnace heating (Dual fuel) 1, 2 |
|
|||
|
Humidifier* o dehumidifier 1, 2 |
|
|||
| Humidifier at dehumidifier1,3 | ||||
|
Mga dual transformer system 1, 2 |
|
|||
|
Two stage na cooling at dalawa o three stage na furnace heating 2 |
|
|||
|
Two o three speed na fan 1, 2 |
|
|||
|
Mga PTAC system 2 |
|
|||
| Mga ventilation system | ||||
| HVAC power compatibility |
1 Nagre-require ng advanced na configuration at wiring ang iyong system. Kung mayroon kang isa sa mga system na ito, makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal.
Mahalaga: Inirerekomenda ang propesyonal na pag-install para sa ilang system dahil posibleng kumplikado ang kanilang mga wiring at setup. Kabilang sa mga ito ang:
- Mga dual fuel na system (heat pump na may furnace)
- Mga dual transformer na system (Mga system na may higit sa isang R wire)
- Mga humidifier at dehumidifier para sa buong bahay (compatible lang sa Nest Learning Thermostat)
2 Isa lang ang kayang suportahan ng Nest thermostat sa mga system na ito sa bawat pagkakataon.
3 Kayang suportahan ng Nest Learning Thermostat (4th gen) ang humidifier, dehumidifier, o ventilation sa AQ+.
Tungkol sa C wire
Hindi kinokontrol ng common (C) wire ang heating o cooling. Sa halip, nakakatulong ang mga C wire na maghatid ng power mula sa system papunta sa thermostat sakaling hindi makapagbigay ng sapat na power ang iba pang wire. Hindi lahat ng system ay may naka-install na C wire, ngunit dinisenyo ang mga Nest thermostat na gumamit ng kaunting power hangga't puwede para sa kanilang display at internal circuitry. Kaya sa maraming kaso, hindi nila kailangan ang C wire.
Pero kung makita mong kailangan mo ang C wire na may Nest thermostat, puwede mong i-install ang Nest Power Connector. O puwede kang makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal para ma-install ang power connector o magpatakbo ng C wire para sa iyo. Puwedeng iba-iba ang gastos depende sa kung gaano kahirap magruta ng bagong wire sa iyong mga dingding.
Kapag nangailangan ng C wire ang Nest thermostat
Compatibility sa mga zoned system
Compatible ang mga Nest thermostat sa mga zoned system, kabilang ang mga zoned system na may mga damper. Gayunman, may ilang zoned system na nangangailangan ng C wire para gumana sa Nest thermostat. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Paano gumagana ang Nest thermostat sa mga zoned system
Tungkol sa star connector ng Nest thermostat
Mga system na hindi compatible sa mga Nest thermostat
Bagaman compatible ang karamihan sa mga 24 V na heating at cooling system sa mga Nest thermostat, may ilang system na hindi compatible. Mabilis mong malalaman kung mayroon kang isa sa mga system na ito nang gumagamit ng Compatibility Checker o tingnan ang mga wiring ng iyong thermostat.
Kung mayroon kang isa sa mga uri ng system sa ibaba, hindi ito gagana sa isang Nest thermostat.
Mga proprietary system
Hindi compatible ang mga proprietary system sa mga Google Nest thermostat. Gayunman, nagbibigay ng adapter ang ilang proprietary system na magagamit mo para maging compatible ito sa iyong Nest thermostat o puwede mo itong ipa-rewire sa isang pro installer para maging compatible. |
|
Mga millivolt heater
|
|
Mga high voltage system
|
|
Mga solid fuel system
|
Mga wired na remote sensor
Karaniwang gumagamit ng mga wire ng remote sensor para maibigay sa iyong thermostat ang data ng lagay ng panahon. Hindi maikokonekta sa mga Nest thermostat ang mga wire na ito. Ngunit hindi nangangailangan ng mga wired sensor ng mga Nest thermostat dahil nakakakuha ng impormasyon ng panahon ang mga ito sa pamamagitan ng Wi-Fi. Kahit may mga sensor wire ang iyong system, posibleng compatible pa rin ito sa Nest.
Ilang micro-controller based system
Ang mga system na gumagamit ng mga micro-controller sa halip na mga relay kung minsan ay mas sensitibo sa pagbabahagi ng power. Kung mayroon kang micro-controller based system, posibleng mangailangan ng C wire ang iyong Nest thermostat para maging compatible sa mga system na ito.
Mga system na hindi makapaghatid ng sapat na power
May ilang system na hindi makapaghatid ng sapat na power (hindi bababa sa 20 volts) sa mga kasalukuyang wire ng system, kaya puwedeng dahan-dahang maubos ang baterya ng Nest thermostat at tuluyang maging sanhi ng pag-off ng thermostat. Kung minsan, tinatawag na mga high impedance system ang mga system na ito. Puwede kang mag-install ng C wire para gawing compatible sa Nest thermostat ang iyong system. Makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal.
Nagre-require ng C wire ang ilang system hardware gaya ng mga gas valve at zone o relay panel para gumana sa mga Nest thermostat. Kung gusto mong malaman ang higit pang impormasyon tungkol sa pag-install ng C wire, makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal.
Mga gas valve
Nagva-vibrate o nagba-buzz ang ilang gas valve sa mga system kapag nag-install ng Nest thermostat. Karaniwang maaayos ito sa pamamagitan ng pagkonekta ng C wire.
Zone relay o mga control panel
May mga control panel o mga equipment interface module ang ilang system na nangangailangan ng C wire para maging compatible sa mga Nest thermostat. Nasa ibaba ang isang listahan ng ilang kilalang panel na nagre-require ng C wire. Hindi sinadyang maging komprehensibo ang listahang ito, kaya posibleng hindi compatible ang iyong system kahit na hindi iyon nakalista rito.
- Beutler ZTE2S
- Bryant 548F036
- Carrier HK42FZ011
- Honeywell AQ25110B
- Honeywell EMM-3
- Honeywell HZ221
- Honeywell HZ311
- Honeywell HZ322
- Honeywell HZ462
- Honeywell Trol A Temp MABS EZ
- Honeywell TZ-4
- Lennox LZP-2
- Nordyne 624631-A
- Nordyne 903915A
- Villara ZTE2S
- Waterfurnace ATV045A 110CIT
- White-Rogers 36C03-300
- ZoneX DigiTract 4
- Ztech ZTE2S
Hindi compatible na wiring ng system
Napakaraming stage na cooling o heating
- Mga conventional system: Puwedeng suportahan ng Nest Learning Thermostat (4th gen) ang hanggang 2 stage na cooling at hanggang 3 stage na heating.
- Mga heat pump system: Kayang suportahan ng Nest Learning Thermostat (4th gen) ang 4 na stage na heating, na binubuo ng 2 stage na heat pump heating at 2 stage na alternatibong heating. Kayang suportahan ng Nest Learning Thermostat (4th gen) ang hanggang 2 stage na cooling.
- Compatible lang ang Nest Thermostat E sa single stage na heating, single stage na cooling, at karagdagang single stage na heating o cooling.
Mga international system
- May ilang international system, gaya ng mga Buderus boiler, na may mga dry contact o iba pang hindi compatible na wiring. Posibleng mangailangan ng mga relay panel para mai-install ang mga system na ito gamit ang karaniwang American thermostat wiring.
Mga heat pump na may mga L wire
- Karaniwang ginagamit ang mga L wire para maipakita ang status ng system, gaya ng emergency heat na naka-on. Puwedeng gumana ang mga Nest thermostat sa mga system na gumagamit ng mga Service Light (L) wire. Bagaman hindi maikonekta ang mga L wire sa Nest thermostat, hindi nito kailangan ang mga ito. Ipapakita sa iyo ng Nest thermostat at Nest app ang impormasyon sa status ng system nang hindi ikinokonekta ang mga L wire.
Mga forced hot water o steam system
Kumuha ng pro installation para sa dual fuel na system
Ang dual fuel na heating at cooling system (tinatawag ding hybrid o packaged system) ay kumbinasyon ng heat pump para sa pangunahing heating at cooling, at isang furnace (karaniwang gas o langis) na nagbibigay ng pangalawa at/o pangatlong stage na heating.
Compatible ang Nest thermostat sa mga system na ito at sumusuporta ng hanggang 2 alternatibong heat source
Mayroon kang dual fuel na system kung mayroon kang furnace sa loob ng iyong bahay, at heat pump sa labas ng iyong bahay. Ang mga heat pump ay parang katulad ng mga air conditioner, kaya tingnan ang label sa iyong outdoor unit para matiyak na heat pump ito. Kung hindi ka pa rin sigurado kung aling system ang mayroon ka, makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal.
Kung mayroon kang dual fuel system, kakailanganin mong ipa-set up sa isang sanay na propesyonal ang iyong thermostat. Mahalaga sa isang propesyonal na i-assess ang mga requirement para sa iyong partikular na dual fuel na configuration dahil puwedeng makapinsala sa iyong system ang pagpili ng mga maling opsyon para sa dual fuel na system. Makipag-ugnayan sa isang lokal na propesyonal.
Mga label ng thermostat wire
Kung kailangan mong malaman ang higit pa tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng mga label sa iyong mga thermostat wire, sumangguni sa susunod na artikulo para sa higit pang impormasyon.