Magkakatulad ang hitsura at pare-pareho ang software na ginagamit ng mga Google Nest thermostat, pero may ilang mahalagang pagkakaiba na kailangan mong malaman para sa pag-troubleshoot, pagkabit, at higit pa. Puwede mong tingnan ang display, base, o Nest app para malaman kung aling Nest thermostat ang mayroon ka.
| Nest Thermostat |
Nest Thermostat E |
|
|
|
|
Nest Learning Thermostat 4th gen |
Nest Learning Thermostat 3rd gen |
Nest Learning Thermostat 2nd gen |
Nest Learning Thermostat 1st gen |
|
|
|
Mga pagkakaiba sa ring at display
| Nest Thermostat |
Nest Thermostat E |
|
|
|
| Naka-mirror na screen | Translucent white na screen |
| 3.19 in (8.1 cm) na diameter sa paligid ng display | 3.19 in (8.1 cm) na diameter sa paligid ng display |
| Touch bar sa kanang gilid ng ring: may iba't ibang kulay (Sumangguni sa mga kulay sa ibaba). | Puting plastic na ring |
|
Nest Learning Thermostat 4th gen |
Nest Learning Thermostat 3rd gen |
Nest Learning Thermostat 2nd gen |
Nest Learning Thermostat 1st gen |
|
|
|
|
|
Malaking screen 2.68 in (6.81 cm) na diameter ng 600x600 24-bit color 60 fps illuminated screen |
Malaking screen 3.25 in (8.26 cm) na diameter ng illuminated screen |
Maliit na screen 1.8 in (4.57 cm) na diameter ng illuminated screen |
Maliit na screen 1.8 in (4.57 cm) na diameter ng illuminated screen |
| 2.68 in (6.81 cm) | 3.3 in (8.4 cm) | 3.27 in (8.3 cm) | |
| Umiikot na bangle at push button |
Stainless steel na ring: may iba't ibang kulay din (Sumangguni sa mga kulay sa ibaba). |
Stainless steel na ring | Seam sa stainless steel na ring |
May iba't ibang kulay ang Nest Thermostat. Kung mayroon kang thermostat na kamukha ng isa sa mga thermostat sa ibaba, mayroon kang Nest Thermostat.
Puwede ring iba't ibang kulay ang stainless steel na ring ng Nest Learning Thermostat (4th gen) at ng Nest Learning Thermostat (3rd gen).
Available ang Nest Learning Thermostat (4th gen) sa mga kulay sa ibaba.
| Polished Silver | Polished Gold | Polished Obsidian |
Available ang Nest Learning Thermostat (3rd gen) sa mga kulay sa ibaba.
|
|
|
|
|
Copper |
Puti |
Itim |
| Brass | Polished steel | Mirror black |
Mga pagkakaiba sa base ng thermostat
Kung hindi sapat ang pagtingin sa display para malaman mo kung aling thermostat ang mayroon ka, puwede mo ring hilahin ang display at tingnan ang base. Malalaman mo ito kaagad. Sumangguni sa talahanayan sa ibaba para sa mga pangunahing pagkakaiba ng mga base ng Nest thermostat.
| Nest Thermostat | Nest Thermostat E |
| 6 na wire connector | 6 na wire connector |
| Asul na bubble level sa itaas | Asul na bubble level sa itaas |
| Mga butas para sa screw sa itaas at ibaba | Mga butas para sa screw sa itaas at ibaba |
| Mga parihabang display connector sa kaliwa at kanang gilid | Oval na display connector sa ibaba |
| Oval na butas para sa wire | Bilog na butas para sa wire |
| Magtutugma ang kulay ng base at ang kulay ng display |
|
Nest Learning Thermostat 4th gen |
Nest Learning 3rd gen |
Nest Learning 2nd gen |
Nest Learning 1st gen |
| 12 wire connector | 10 wire connector | 10 wire connector | 8 wire connector sa mga diretsong row |
|
Berdeng bubble level sa itaas |
Asul na bubble level sa itaas |
Dilaw na bubble level sa ibaba |
Dilaw na bubble level sa itaas |
|
Mga butas para sa screw sa itaas at ibaba |
Mga butas para sa screw sa itaas at ibaba |
Mga butas para sa screw sa itaas at ibaba |
Mga butas para sa screw sa mga kaliwa at kanang gilid |
| Oval na display connector sa ibaba | Oval na display connector sa ibaba |
Parihabang display connector sa ibaba |
Parihabang display connector sa ibaba |
| Bilog na butas para sa wire | Bilog na butas para sa wire | Bilog na butas para sa wire | Parihabang butas para sa wire |
Hindi puwedeng pagpalit-palitin ang iba't ibang piyesa ng model ng thermostat
- Basta ang base ng thermostat ay mula sa model, generation, at bansa o rehiyon ng base na katulad ng nasa display ng thermostat, puwede mong pagpalit-palitin ang mga base at display.
- Hindi puwedeng pagpalit-palitin ang mga display at base ng iba't ibang model ng thermostat, kahit na posibleng magkatulad ang hitsura ng mga ito.
- BABALA: Kung susubukan mong magkonekta ng mga piyesa mula sa iba't ibang model ng thermostat, puwede itong makasira sa iyong thermostat at system mo.
- Magkakaiba ang display connector sa base ng thermostat para sa lahat ng 3 generation ng Nest Learning Thermostat. Bukod pa rito, magkakaiba ang mga connector para sa mga wire ng system sa pagitan ng mga model ng thermostat.
Hindi compatible ang mga piyesang may mataas na boltahe at mababang boltahe
Gumagamit ang ilang bansa (gaya ng UK, France, at Netherlands) ng wiring na may mataas na boltahe para sa mga thermostat, samantalang gumagamit ang iba (gaya ng US at Canada) ng wiring na may mababang boltahe. Hindi compatible sa isa't isa ang mga piyesa ng thermostat na may mataas na boltahe at mababang boltahe, at hindi dapat gamitin ang mga ito nang sama-sama.
BABALA: Ang anumang pagsubok na ikonekta ang mga piyesa ng thermostat na may mababa at mataas na boltahe ay posibleng makasira sa mga ito at iyong system. Huwag paghaluin at pagsamahin ang mga base at display na ito, kahit na pareho ang model at generation ng mga thermostat.
Malalaman mo kung aling uri ng base ang mayroon ka sa pamamagitan ng pagtingin sa mga wire connector:
- Wiring na may mababang boltahe: 6 o 8 connector na may label na mga titik tulad ng Y1, W1, at C.
- Wiring na may mataas na boltahe: 2 connector na may label na T1 at T2, o wala talagang label.
|
Wiring na may mababang boltahe (halimbawa) |
Wiring na may mataas na boltahe (halimbawa) |
|
|
|