Humingi ng propesyonal na tulong sa pag-set up ng iyong mga produkto ng Nest

Makakahanap ka ng kwalipikadong propesyonal na malapit sa iyo para tumulong sa pag-set up o pagseserbisyo ng iyong mga produkto ng Nest. Para sa self-help sa iyong produkto, suriin ang Help Center ng Google Nest.

US at Canada

Makakuha ng suporta para sa pangunahing pag-install at pag-set up ng produkto

  • Para sa mga user sa US: Tumawag sa SafeStreets para magpa-appointment. Tiyaking ipaliwanag nang eksakto kung ano ang hinahanap mo.
  • Para sa mga user sa Canada: Maghanap ng propesyonal na installer ng produkto sa iyong lugar sa pamamagitan ng Google Search. Para sa mga kumplikadong pagbabago, tulad ng bagong wiring, posibleng kailanganin mo ng HVAC technician o electrician.

Pag-install ng C-wire ng thermostat o advanced na pag-set up ng HVAC

Kumuha ng kwalipikadong HVAC technician kung kumplikado ang iyong system at kailangang mag-install ng C-wire ng thermostat. Posibleng gumamit ang mga kumplikadong system ng iba't ibang device, tulad ng mga dehumidifier, humidifier, at dual-fuel heat pump.

Para maghanap at tumawag ng HVAC technician na malapit sa iyo, gamitin ang Google Search.

Ayusin ang iyong heating o cooling system

Ipasuri at ipaayos sa HVAC technician ang iyong heating o cooling system kung hihinto ito sa paggana. Para maghanap ng HVAC technician na malapit sa iyo, gamitin ang Google Search.

I-upgrade ang transformer ng doorbell o maglagay ng mga bagong wire

Mahalaga: Ang mga Nest Pro ay mga independent na kumpanya o contractor na hindi nagtatrabaho sa Google. Ang Google ay hindi nagbibigay, nagbebenta, o tumatanggap ng bayad para sa mga serbisyo sa pag-install, at ang installer lang ang magpapasya sa mga eksaktong serbisyo na matatanggap mo mula sa isang installer, maging mula sa isang installer na nakalista sa site na ito.

Posibleng kailanganin mo ng certified na electrician para i-upgrade ang transformer ng iyong doorbell o maglagay ng bagong wiring. Para maghanap ng electrician na malapit sa iyo, gamitin ang Google Search.

Paano ito gumagana

Mahalaga: Dapat ay ikaw mismo ang magsiyasat tungkol sa isang installer, pati ang magtanong tungkol sa mga kasama sa mga serbisyo sa pag-install na binibili mo. Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng batas, maliban kung nakatakda sa limitadong warranty na kasama sa produkto, itinatatwa ng Google ang lahat ng pananagutan para sa puwedeng maging pinsala sa iyong produkto ng Nest o sa property mo sa panahon ng pag-install.

Sa pangkalahatan, iniiskedyul ang mga appointment para sa pag-install para gawin sa mga karaniwang oras ng negosyo. Gayunpaman, puwedeng may ilang installer na nag-aalok ng appointment sa gabi o weekend. Sa mismong installer mo lang makukumpirma ang aktwal na availability.

Para sa mga tanong tungkol sa iyong proseso ng pag-install, sa mga binayaran mo para sa mga serbisyo sa pag-install, o follow-up na tulong, direktang makipag-ugnayan sa installer mo.

UK

Makakuha ng suporta para sa pangunahing pag-install at pag-set up ng produkto

Mahalaga: Ang Google ay hindi nagbibigay, nagbebenta, o tumatanggap ng bayad para sa mga serbisyo sa pag-install at walang responsibilidad o pananagutan para sa pag-install. Ang installer lang ang magpapasya sa mga eksaktong serbisyo na matatanggap mo mula sa isang installer, maging mula sa isang installer na nakalista sa site na ito.

Gamitin ang Google Search para magpapunta ng nagsanay na pro sa bahay mo, na siyang mag-i-install at magse-set up sa iyong mga produkto ng Nest. Hindi lahat ng produkto ay available sa iyong rehiyon, at puwede ring mag-iba ang availability ng propesyonal.

Puwede ka ring makipag-ugnayan sa isang kwalipikadong hiwalay na Nest Pro installer sa iyong lugar. Ang mga Nest Pro ay isang network ng mga hiwalay na kumpanya o contractor na hindi nagtatrabaho sa Google.

Para sa mga kumplikadong pagbabago, tulad ng bagong wiring, posibleng kailanganin mo ng HVAC technician o electrician.

Ayusin o kumuha ng bagong boiler

Kung kailangan mo ng bagong heat link na nauugnay sa problema sa boiler, magpa-appointment sa aming partner sa pag-install na BOXT.

Paano ito gumagana

Mahalaga: Dapat ay ikaw mismo ang magsiyasat tungkol sa isang installer, pati ang magtanong tungkol sa mga kasama sa mga serbisyo sa pag-install na binibili mo. Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng batas, maliban kung nakatakda sa limitadong warranty na kasama sa produkto, itinatatwa ng Google ang lahat ng pananagutan para sa puwedeng maging pinsala sa iyong produkto ng Nest o sa property mo sa panahon ng pag-install.

Sa pangkalahatan, iniiskedyul ang mga appointment para sa pag-install para gawin sa mga karaniwang oras ng negosyo. Gayunpaman, puwedeng may ilang installer na nag-aalok ng appointment sa gabi o weekend. Sa mismong installer mo lang makukumpirma ang aktwal na availability.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong proseso ng pag-install, sa mga binayaran mo para sa mga serbisyo sa pag-install, o kung kailangan mo ng anumang follow-up na tulong, direktang makipag-ugnayan sa iyong installer.

EU

Mahalaga: Ang Google ay hindi nagbibigay, nagbebenta, o tumatanggap ng bayad para sa mga serbisyo sa pag-install, at ang installer lang ang magpapasya sa mga eksaktong serbisyo na matatanggap mo mula sa isang installer, maging mula sa isang installer na nakalista sa site na ito.

Para sa propesyonal na tulong sa pag-set up ng iyong produkto ng Nest, tumawag sa installer ng Nest Pro na malapit sa iyo.

Kung wala kang mahanap na Nest Pro na malapit sa iyo, gamitin ang Google Search para maghanap nito.

Paano ito gumagana

Mahalaga: Dapat ay ikaw mismo ang magsiyasat tungkol sa isang installer, pati ang magtanong tungkol sa mga kasama sa mga serbisyo sa pag-install na binibili mo. Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng batas, maliban kung nakatakda sa limitadong warranty na kasama sa produkto, itinatatwa ng Google ang lahat ng pananagutan para sa puwedeng maging pinsala sa iyong produkto ng Nest o sa property mo sa panahon ng pag-install.

Sa pangkalahatan, iniiskedyul ang mga appointment para sa pag-install para gawin sa mga karaniwang oras ng negosyo. Gayunpaman, puwedeng may ilang installer na nag-aalok ng appointment sa gabi o weekend. Sa mismong installer mo lang makukumpirma ang aktwal na availability.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong proseso ng pag-install, sa mga binayaran mo para sa mga serbisyo sa pag-install, o kung kailangan mo ng anumang follow-up na tulong, direktang makipag-ugnayan sa iyong installer.

Japan, India, at iba pang rehiyon

Mahalaga: Dapat ay ikaw mismo ang magsiyasat tungkol sa isang installer, pati ang magtanong tungkol sa mga kasama sa mga serbisyo sa pag-install na binibili mo. Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng batas, maliban kung nakatakda sa limitadong warranty na kasama sa produkto, itinatatwa ng Google ang lahat ng pananagutan para sa puwedeng maging pinsala sa iyong produkto ng Nest o sa property mo sa panahon ng pag-install.

Kung kailangan mo ng propesyonal na tutulong sa pag-install at pag-set up ng iyong mga produkto ng Google Nest, gamitin ang Google Search para makahanap ng propesyonal na installer sa lugar mo, pagkatapos ay mag-request sa kanya ng quote.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa mga binayaran mo para sa mga serbisyo sa pag-install o kung kailangan mo ng anumang follow-up na tulong sa iyong pag-install, direktang makipag-ugnayan sa installer mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
14359367945682865223
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
1633396
false
false
false
false