Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

YouTube sa mga Google Nest display

Dahil kasama ang YouTube sa iyong Google Nest display, madali mong mapapanood ang YouTube Originals, mga how-to na video, at higit pa, sa iyong screen. Para kontrolin ang YouTube, puwede mong gamitin ang mga command gamit ang boses gaya ng "I-play ang [pangalan ng video]" o "I-pause," o gamitin ang display ng touchscreen para gawin ito.

Mga setting ng content sa YouTube

Mahalaga: Kung hindi nagpe-play ang media, tingnan kung naka-on ang Gamitin ang Restricted Mode sa mga setting ng YouTube ng iyong device.

Nagbibigay-daan ang Google Home app sa iyo na i-block ang ilang partikular na content na mapapanood o mapapakinggan ng mga tao sa iyong sambahayan sa Nest display mo. Ang mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) na may mga account na pinapamahalaan gamit ang Family Link at may na-set up na Voice Match ay hindi makakapag-play ng mga video sa YouTube o musika sa YouTube, pero maa-access nila ang YouTube Kids. Tinutulungan ka ng mga kontrol ng Digital Wellness na itakda ang content na puwedeng ipakita sa iyong display. Matuto pa tungkol sa paggamit ng Mga Filter, mga setting ng YouTube, at YouTube Kids sa iyong Nest display.

YouTube Premium

Ang YouTube Premium ay isang bayad na membership na makakatulong sa iyong pagandahin ang karanasan mo sa YouTube at sa iba pang YouTube app. Available ito sa maraming bansa sa kasalukuyan.

Mga benepisyo sa YouTube Premium

Sa YouTube Premium, magagawa mong:
  • Manood ng milyon-milyong video sa YouTube nang walang ad.
  • Mag-download ng mga video at playlist sa iyong mobile device para panoorin offline.
  • Patuloy na i-play ang mga video sa iyong mobile device habang gumagamit ka ng iba pang app o kapag naka-off ang screen mo.
  • I-access ang mga palabas at pelikula sa YouTube Originals.
  • I-access ang YouTube Music Premium.
  • I-enjoy ang musika sa iyong Google Nest o Home speaker o display, o Chromecast Audio.

Malalapat ang iyong mga benepisyo sa YouTube Premium sa YouTube, YouTube Gaming, YouTube Kids, at YouTube Music, kung available ang mga ito sa lokasyon mo.

Matuto pa tungkol sa mga benepisyo ng bayad na membership sa YouTube Premium.

Tandaan: Available lang ang YouTube TV sa US at hindi ito bahagi ng mga benepisyo sa YouTube Premium.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
262268694745568220
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false