Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-set up ang mga Google Nest o Home speaker o display para sa iyong anak

Kung gusto mong kontrolin ang content sa YouTube na puwedeng i-access ng iyong anak sa Google Nest o Home speaker o display, mayroon kang ilang opsyon. Puwede mong piliin ang pinakamagandang solusyon para sa iyong pamilya, gustuhin mo mang paghigpitan ang content para lang sa iyong anak o para sa lahat ng gumamagit ng iyong device.

Tandaan: Posibleng hindi sa lahat ng bansa, rehiyon, o wika available ang feature na ito.

Paghigpitan ang content gamit ang mga filter

Gamit ang mga filter ng content sa Google Home app, puwede kang mag-block ng tahasang musika at video na content mula sa YouTube at iba pang serbisyo sa musika o radyo.

Puwede mong piliin kung maaapektuhan ng mga filter ang lahat ng gumagamit ng iyong device, o ang mga bisita lang at anak na may Family Link account. Puwede kang maglapat ng mga filter sa isang partikular na device o sa lahat ng sinusuportahang device.

Paghigpitan ang content sa iyong mga Google Nest speaker at display.

Magtakda ng parental controls

Puwede mong kontrolin ang ilang feature na magagamit ng iyong anak at ang content na maa-access niya sa mga speakers, mga Smart Display, at mga Smart Clock gamit ang parental controls ng Google Assistant. Kung mayroon kang higit sa isang anak, puwede kang mag-set up ng magkakaibang parental controls para sa bawat anak.

Gamit ang parental controls, magagawa mong:

  • Mag-set up ng mga kontrol sa media para sa musika o mga video
  • Mag-block ng balita o mga podcast
  • Mag-iskedyul ng downtime
  • Pamahalaan ang paggamit ng ibang feature ng Google Assistant

Mahalaga: Available lang ang feature na ito sa US at English.

Mag-set up ng parental controls sa mga Google Assistant device.

Pinapatnubayang karanasan sa YouTube

Ang mga magulang na magpapasyang ang kanilang anak na wala pang 13 taong gulang (o ang naaangkop na edad sa kanilang bansa/rehiyon) ay handa nang i-explore ang YouTube ay puwedeng mag-set up ng pinapatnubayang karanasan sa YouTube na naka-link sa sarili nilang account. Nililimitahan ng opsyong ito ang mga video na mahahanap at mapapanood ng anak gamit ang setting ng content na pinili ng magulang.

Gamit ang pinapatnubayang karanasan, puwedeng hilingin ng iyong anak ang Google Nest o Home device na mag-play ng mga video mula sa YouTube o mag-play ng musika mula sa YouTube Music. Para i-set up ito:

  1. Gumawa ng Google Account para sa iyong anak, kung wala pa siya nito.
  2. I-on ang pinapatnubayang karanasan para sa account ng iyong anak.
  3. Tingnan at baguhin ang parental controls at mga setting para sa iyong anak.
  4. Mag-set up ng voice match para sa iyong anak. Kapag hiniling ng iyong anak sa iyong device na mag-play ng mga video sa YouTube o ng YouTube Music, magpe-play lang ang iyong device ng media na tumutugma sa mga setting ng content na pipiliin mo.

Tandaan: Hindi available para sa mga sinusubaybayang account ang pag-cast ng mga video mula sa YouTube app sa iba pang device (kasama ang mga TV).

YouTube Kids

Kasama sa YouTube Kids app at experience sa web ang mga sikat na pambatang video at bagong content, na inihahatid sa paraang mas ligtas at madaling gamitin.

Puwede mong payagan ang sinuman sa sambahayan mo, kabilang ang mga bisita, na mag-play ng mga video mula sa YouTube Kids sa iyong speaker o display kapag na-link mo ang YouTube Kids sa device na iyon. Kung ili-link mo ang Google Account ng iyong anak na pinapamahalaan gamit ang Family Link, puwedeng hilingin ng anak mo sa speaker o display na mag-play ng content mula sa YouTube Kids account na iyong na-set up para sa kanya.

Para i-link ang YouTube Kids sa iyong speaker o display, kailangan mo ng

  • Google Nest Display device, gaya ng Google Nest Hub o Google Nest Hub Max

O

  • Google Nest o Home speaker device na naka-link sa isang TV na may Chromecast. Walang audio lang na opsyon.

I-set up ang iyong Google Nest o Home speaker o display device.

Tandaan: Kung ili-link mo ang iyong anak sa Google Nest o Home speaker device mo na may Google Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link, kikilalanin ang lahat ng setting ng magulang. Kung hindi, hindi susuportahan ang mga sumusunod na pagkilos sa YouTube Kids:

  • I-on o i-off ang Paghahanap
  • I-clear at i-pause ang history ng Paghahanap at Panonood
  • Mag-block o mag-flag ng mga video o channel, kasama ang mga video o channel na dati mong na-block sa isang telepono o tablet. Puwede pa ring i-play sa mga Nest at Home device ang mga video o channel na dati mong na-block sa ibang device.
  • Access sa setting ng mas lumang level ng content sa YouTube Kids

Bagama't sinusubukan ng aming mga system na magbukod ng content na hindi naaangkop para sa mga bata, walang perpektong naka-automate na system at hindi namin mano-manong masusuri ang lahat ng video. Kung makakakita ka ng video na hindi naaangkop para sa mga bata habang nanonood ng YouTube Kids sa iyong display, iulat ito. Hindi sinusuportahan sa mga Google Nest o Home speaker ang pag-uulat ng mga video.

Para sa mga pangkalahatang user ng Google (mga account na hindi pinapamahalaan gamit ang Family Link):
Para i-link ang YouTube Kids sa iyong Google Nest o Home speaker o display device:
  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
  4. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

  5. Bumalik sa home screen at pagkatapos ay i-tap ang Media.
  6. Sa ilalim ng “Pamahalaan ang iyong system,” i-tap ang Mga Video.
  7. Sa ilalim ng “YouTube Kids,” i-tap ang I-LINK.
  8. Kung gusto mong magpatuloy, piliin ang MAGSIMULA.
    1. Hinihiling sa iyong mag-sign in gamit ang Google Account mo para i-verify ang iyong pagkakakilanlan, para ma-link ang YouTube Kids. Kailangan mong gamitin ang mismong Google Account na ginagamit mo sa iyong speaker o display.
  9. Sa huling screen, i-tap ang TAPOS NA para kumpletuhin ang pag-set up.

Kapag tapos na ang pag-set up, puwedeng manood ng mga video sa YouTube Kids ang kahit sino sa iyong sambahayan sa pamamagitan ng Google Nest o Home speaker o display mo. Tiyaking tukuyin ang YouTube Kids sa iyong kahilingan. Halimbawa, “Ok Google, play science videos on YouTube Kids.” Magagawa mo ring mag-set up ng mga filter sa Google Home app para italaga ang YouTube Kids bilang tanging serbisyo sa video na available para sa iyong mga anak at bisita.

Mag-set up ng mga filter sa iyong mga Google Nest o Home speaker o display.

Bagama't sinusubukan ng aming mga system na magbukod ng content na hindi naaangkop para sa mga bata, walang perpektong naka-automate na system at hindi namin mano-manong masusuri ang lahat ng video. Kung makakakita ka ng video na hindi naaangkop para sa mga bata habang nanonood ng YouTube Kids sa iyong display, iulat ito. Hindi sinusuportahan sa mga Google Nest o Home speaker ang pag-uulat ng mga video.

Para i-unlink ang YouTube Kids sa iyong mga Google Nest o Home device:

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
  4. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

  5. Bumalik sa home screen at pagkatapos ay i-tap ang Media.
  6. Sa ilalim ng “Pamahalaan ang iyong system,” i-tap ang Mga Video.
  7. Sa ilalim ng “YouTube Kids,” i-tap ang I-UNLINK.

Para sa Mga Google Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link:

Kapag humiling ang iyong anak na sinusubaybayan gamit ang Family Link sa Google Nest o Home speaker o display ng mga video mula sa YouTube Kids, susundin ang mga sumusunod na setting ng magulang:
  • Kung naka-on o naka-off ang Paghahanap
  • Na-clear at na-pause na history ng panonood
  • Mga naka-block na video o channel
  • Mga setting ng level ng content

Para gamitin ang YouTube Kids sa pamamagitan ng Google Nest o Home speaker o display, kailangan mong i-set up ang YouTube Kids para sa iyong anak sa families.youtube.com. Kailangan mo ring i-set up ang sinusubaybayang account ng iyong anak bilang isang na-voice match na user sa speaker o display mo.

Kapag nakumpleto na ang mga hakbang na ito, puwedeng hilingin ng iyong anak sa Google Nest o Home device na mag-play ng mga video mula sa YouTube Kids.

Kakailanganin ng iba pang user na may mga account na hindi pinapamahalaan gamit ang Family Link na sundin ang mga tagubilin sa ilalim ng Para sa Mga Pangkalahatang User ng Google (mga account na hindi pinapamahalaan gamit ang Family Link).

Para mapigilan ang iyong anak sa panonood ng mga video sa YouTube Kids, puwede mong i-off ang Paghahanap sa mga setting sa YouTube Kids sa Family Link. O puwede kang gumamit ng mga filter sa iyong speaker o display para i-block ang lahat ng serbisyo sa video para sa sinusubaybayang account ng anak mo.

Bagama't sinusubukan ng aming mga system na magbukod ng content na hindi naaangkop para sa mga bata, walang perpektong naka-automate na system at hindi namin mano-manong masusuri ang lahat ng video. Kung makakakita ka ng video na hindi naaangkop para sa mga bata habang nanonood ng YouTube Kids sa iyong display, iulat ito. Hindi sinusuportahan sa mga Google Nest o Home speaker ang pag-uulat ng mga video.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16287774874163731540
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false