Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Magkonekta ng mga third-party na device para sa smart na tahanan sa Google Home app

Makokontrol mo nang malayuan ang mga third-party na smart device kapag na-set up mo ang mga ito sa Google Home app .

Mahalaga: Bago ka magpatuloy, hanapin ang iyong device sa Mag-set up ng mga smart device sa Google Home app. Kung may naka-link na artikulo para sa uri ng device na mayroon ka, ang mga tagubilin sa artikulong iyon na lang ang gamitin.

Mga sinusuportahang device para sa smart na tahanan

Listahan ng mga sinusuportahang third-party na device para sa smart na tahanan

Hakbang 1. Mag-set up ng mga device para sa smart na tahanan

Kung hindi mo pa ito nagagawa, sundin ang mga hakbang na ibinigay ng gumawa ng device para i-set up ang iyong mga device para sa smart na tahanan.

Hakbang 2. Ikonekta ang mga device para sa smart na tahanan sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  3. Piliin sa listahan ang gumawa ng device.
  4. Para kumpletuhin ang pag-set up, sundin ang mga hakbang sa app.

Pamahalaan ang iyong mga device para sa smart na tahanan

Magtakda ng mga nickname para sa mga device

 Puwede kang pumili ng mga pangalang itatawag sa iyong mga device para sa smart na tahanan.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device  i-tap ang Mga Setting , o Higit pa More menu  i-tap ang Mga Setting .
  3. I-tap ang Pangalan.
  4. Maglagay ng pangalan at pagkatapos ay i-tap ang I-save.

Tandaan: Nagsisilbing alternatibong paraan ang mga nickname para matukoy ang mga smart device sa Google Home app. Hindi makikita sa app ng gumawa ng device ang mga nickname na itinakda mo para sa mga smart device sa Google Home app.

Magtalaga ng mga device sa isang kuwarto

Para mas madali mong makontrol ang iyong mga device, italaga ang mga ito sa isang kuwarto sa isang bahay. Puwede kang gumawa ng bagong bahay, gumawa ng bagong kuwarto, o puwede mong idagdag ang iyong mga device sa kasalukuyang kuwarto. Sa isang kuwarto mo lang puwedeng idagdag ang bawat device. 

Tandaan: Makokontrol ng lahat ng miyembro ng bahay ang lahat ng device sa bahay.

 Idagdag ang device sa dati nang kuwarto sa kasalukuyan mong bahay

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device  i-tap ang Mga Setting , o Higit pa More menu  i-tap ang Mga Setting .
  4. I-tap ang Kuwarto o Placement.
  5. Pumili ng kuwarto at i-tap ang Susunod.

Idagdag ang device sa bagong kuwarto sa kasalukuyan mong bahay

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device  i-tap ang Mga Setting , o Higit pa More menu  i-tap ang Mga Setting .
  4. I-tap ang Kuwarto o Placement.
  5. Pumili ng isa sa mga kasalukuyang kuwarto o Magdagdag ng custom na kuwarto. Pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
    • Kung gagawa ka ng custom na kuwarto, maglagay ng bagong pangalan ng kuwarto at i-tap ang Susunod.
    • Puwede ka ring gumawa ng naka-customize na pangalan para sa iyong device kapag lumipat ka ng kuwarto.

Magdagdag ng device sa kuwartong nasa ibang bahay

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device  i-tap ang Mga Setting , o Higit pa More menu  i-tap ang Mga Setting .
  4. I-tap ang Bahay.
  5. Piliin ang bahay kung saan mo gustong ilipat ang iyong device at piliin ang  Susunod.
  6. Sa page ng buod, i-tap ang Ilipat ang device.
  7. Pumili ng kuwarto para sa device sa bagong bahay  Susunod.

Tandaan: Kapag ginawa ito, maaalis ang device sa kuwarto sa unang bahay. Naka-link pa rin ang device sa unang bahay, pero dapat itong lumabas sa ilalim ng "Sa iyong bahay," "Mga lokal na device," o "Naka-link sa iyo" at hindi sa pangalan ng kuwarto.

Gumawa at mamahala ng mga kuwarto

Gumawa ng bagong kuwarto

Puwede kang gumawa ng bagong kuwarto para sa device na nasa isang kuwarto na.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3.  I-tap at i-hold ang tile ng iyong device  i-tap ang Mga Setting , o Higit pa More menu  i-tap ang Mga Setting .
  4. I-tap ang Kuwarto o Placement.
  5. Pumili ng kuwarto sa ilalim ng Gumawa ng bago pagkatapos ay i-tap ang Susunod.

Mag-rename ng kuwarto

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. Buksan ang Mga device, grupo, at kuwarto.
  4. Piliin ang kuwartong gusto mong i-update.
  5. I-tap ang Pangalan at i-type ang bagong pangalan ng kuwarto. Pagkatapos ay i-tap ang I-save.

Mag-delete ng kuwarto

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. Buksan ang Mga device, grupo, at kuwarto.
  4. Piliin ang kuwartong gusto mong i-delete.
  5. I-tap ang I-delete ang kuwarto.

Tandaan: Kapag nag-delete ka ng kuwarto, maaalis ang anumang device sa loob nito. Puwede mong idagdag ang mga ito sa ibang kuwarto.

Tingnan kung may mga bagong device

Gamit ang iyong boses

Para gawin ito: Sabihin ang:
I-sync ang lahat ng device

"Ok Google, i-sync ang aking mga device"

Mag-sync ng isang uri ng device

"Ok Google, i-sync ang aking mga ilaw"

Mahalaga:

  • Naka-set up na dapat ang iyong mga device sa app ng partner (Hakbang 1 sa itaas).
  • Kung magsi-sync ka ng maraming device nang sabay-sabay, posible kang makakuha ng error sa timeout.

Sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  3. Sundin ang mga hakbang sa pagtatakda ng nickname para sa mga device na ito at idagdag ang mga ito sa isang kuwarto.
Magdiskonekta ng mga device sa Google Home app

Tandaan: Hindi mo puwedeng i-unlink ang mga indibidwal na device sa Google Home app. Kapag nag-unlink ka ng isang serbisyo sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, aalisin nito ang lahat ng device sa pamamagitan ng serbisyong iyon. Kung gusto mong mag-unlink ng indibidwal na device, alisin ang device sa app ng gumawa ng device pagkatapos ay i-sync ang iyong mga device sa Google Home.

Kapag nag-unlink ka ng device sa isang bahay:

  • Madidiskonekta ang device para sa lahat ng miyembro ng bahay
  • Ina-unlink nito ang device sa iyong Google Account

Mag-unlink ng mga device

  1. Tiyaking naka-on ang iyong mga device.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app
  3. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  4. Sa ilalim ng Mga naka-link na serbisyo, i-tap ang mga device na gusto mong idiskonekta, pagkatapos ay piliin ang I-unlink ang account.
  5. I-tap ang I-unlink para kumpirmahin ang iyong napili.

Kontrolin ang iyong mga device para sa smart na tahanan

Pagkatapos mong ikonekta ang iyong mga smart device sa Google Home app, magagamit mo ang Google Home app para kontrolin ang mga ito. Kung mayroon kang Assistant-enabled na devicet, puwede mo ring gamitin ang mga command gamit ang boses para kontrolin ang iyong mga smart device.

Kaugnay na content

Kontrolin ang mga device para sa smart na tahanan gamit ang mga speaker o display
Mga sinusuportahang partner sa Home control
Kontrolin ang mga device para sa smart na tahanan gamit ang Home panel

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15437045234785950034
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false