Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Photo Frame sa iyong Google Nest display

Kapag hindi ginagamit ang iyong Google Nest Hub o Google Nest Max, puwede ka nitong tahimik na libangin. Puwede mong idagdag sa Google Photos ang iyong mga paboritong larawan at ipakita ang mga iyon sa Google Nest Photo Frame mo.

Bilang alternatibo, puwede kang pumili ng kasalukuyang art gallery o pumili mula sa iba't ibang tradisyonal at abstract na orasan na ipapakita habang idle ang iyong device. Puwede ka ring makatanggap ng mga notification sa iyong display tungkol sa mga paparating na event, pag-commute, paalala, flight, at package.

I-set up ang Photo Frame sa iyong Google Nest display

Gamitin ang Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Photo Frame at pagkatapos ay i-adjust ang mga setting na gusto mo.

Gamitin ang screen ng iyong Nest display

  1. Mula sa ibaba ng screen ng iyong Nest display, mag-swipe pataas.
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. I-tap ang Photo Frame at pagkatapos ay i-adjust ang mga setting na gusto mo.

Kung na-enable mo ang Voice Match, puwede mo ring sabihin ang "Ok Google, change Photo Frame (Ok Google, baguhin ang Photo Frame)" para buksan ang mga setting ng Photo Frame sa iyong Nest display.

Baguhin ang mga larawan sa iyong Nest display

Kung mayroon kang Google Photos account, mae-enjoy mo ang iyong mga personal na larawan sa Nest display mo.

Magsimula gamit ang Google Photos account

Mag-set up ng Mga Live Album

Awtomatikong nagdaragdag ng mga larawan ang Mga Live Album mula sa iyong library ng Google Photos para hindi mo kailangang manual na i-update ang mga larawan sa Nest display mo.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Photo Frame.
  5. I-tap ang Google Photos at pagkatapos ay Piliin ang pamilya at mga kaibigan.
  6. I-tap ang mga mukhang gusto mong isama at pagkatapos ay Kumpirmahin o Tapos na.

Puwede mo ring gawin ang iyong mga sariling live album na awtomatikong nag-a-update. Alamin kung paano gumawa at mag-edit ng mga photo album.

Tandaan: Tiyaking ie-enable mo ang Mga Grupo ng Mukha sa Google Photos.

Mahalaga: Hindi available sa lahat ng heograpikong rehiyon ang Mga Grupo ng Mukha sa Google Photos.

Magdagdag o mag-alis ng mga album sa Google Photos

Puwede kang magdagdag o mag-alis ng mga album gamit ang Home app o iyong Nest display.

Home app:

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Photo Frame at pagkatapos ay Google Photos.
  5. Piliin ang mga album na idaragdag at i-deselect ang mga album na aalisin.

Nest display:

  1. Sabihin ang "Ok Google, change Photo Frame (Ok Google, baguhin ang Photo Frame)."
  2. I-tap ang Google Photos.
  3. Piliin ang mga album na idaragdag at i-deselect ang mga album na aalisin.

Kabilang sa mga available na album ang mga naka-autoselect na album gaya ng "Mga kamakailang highlight," iyong mga pribadong album sa Google Photos, at mga naka-share na album mo na may pangalan.

Mag-interact sa mga larawan sa iyong Nest display

Kapag may larawang ipinapakita sa screen ng iyong Nest display, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

  • Para pumunta sa susunod na larawan, mag-swipe pakaliwa o sabihin ang "Ok Google, next photo (Ok Google, susunod na larawan)."
  • Para pumunta sa nakaraang larawan, mag-swipe pakanan o sabihin ang "Ok Google, previous photo (Ok Google, nakaraang larawan)."
  • Para matuto pa tungkol sa larawan, itanong ang "Ok Google, when was this taken (Ok Google, kailan ito kinunan)?" o "Ok Google, where was this taken (Ok Google, saan ito kinunan)?"
  • Para alisin ang larawan, sabihin ang "Ok Google, remove this photo (Ok Google, alisin ang larawang ito)," at sundin ang mga prompt. Dapat ay naka-archive na sa Google Photos ang larawan.
  • Para i-share ang larawan sa isa sa iyong mga contact sa Google, sabihin ang "Ok Google, i-share ang larawang ito kay [pangalan ng contact]" at sundin ang mga prompt. Puwede ka ring mag-share ng mga grupo ng mga larawan.
  • Para markahan bilang paborito ang isang larawan, sabihin ang "Ok Google, favorite this photo (Ok Google, gawing paborito ang larawang ito)," o pindutin nang matagal ang larawan sa screen at pagkatapos ay i-tap ang Mga Paborito . Ipapakita na dapat ang larawang ito sa iyong album na Mga Paborito.

Available ang interaction sa mga larawan gamit ang boses sa karamihan ng mga wika ng Google Assistant na gumagana sa iyong Nest display.

Mag-share ng mga pangkat ng mga larawan sa iyong mga contact sa Google

  1. Mula sa iyong Nest display, sabihin ang:
    • "Ok Google, i-share ang mga larawan ko."
    • "Ok Google, i-share ang mga larawan ni [tao] kay [pangalan ng contact]." Puwede mo ring hilinging mag-share ng mga larawan ng partikular na lugar, bagay, o petsa.
  2. Dapat ay ipakita na ng iyong display ang mga larawang may mga detalyeng tinukoy mo.
  3. Piliin ang mga larawang gusto mo at pagkatapos ay i-tap ang Ibahagi.
  4. Ise-share ang mga larawan sa pamamagitan ng Google Photos, at makakakuha ang tatanggap ng email o text message para abisuhan siya na nakatanggap siya ng mga bagong larawan.

Show your Memories

Your Nest display can show your Memories, which are collections of some of your best photos in Google Photos.

To show Memories, say "Hey Google, show my photo memories." Your display should play a slideshow of your available Memories.

The first time you use Memories on your display, you need to opt in:

  1. Say "Hey Google, show my photo memories."
    • If you find a card with "Show my photo memories" on your Nest display screen, you can also tap the card to start the opt-in steps.
  2. The Nest display screen should prompt you "See your photos proactively here."
  3. Tap Allow at pagkatapos ay follow the steps.

You can opt into Memories on your Nest display if the following are true:

  • You're using the first account that was linked to the display.
  • Your Google Photos account has Memories.
  • Your Google Photos account is enabled in the Assistant app.
  • You've enabled Proactive results on your Nest display. To enable Proactive results:
    1. Open the Google Home app Google Home app.
    2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device at pagkatapos ay tap your Nest display.
    3. Tap Settings at pagkatapos ay Recognition & sharing at pagkatapos ay Recognition & personalization.
    4. Turn on Allow personal results at pagkatapos ay tap Always show proactively.

Itago ang Mga Larawan

Kung ayaw mong lumabas ang isang larawan sa iyong Nest display, ilipat ito sa archive sa Google Photos.

Para itago ang mga larawang may mukha ng partikular na tao, alisin ang kanyang grupo ng mukha sa Google Photos.

Tandaan: Mananatili ang mga naka-archive na larawan at larawang may mga nakatagong mukha sa anumang album kung saan naidagdag na ang mga ito. Posibleng kailanganin mong i-disable ang mga album o manual na i-delete ang mga larawan sa mga ito.

Iba pang setting ng Photo Frame

Art gallery

Ipapakita ng setting na ito ang mga na-curate na larawan at artwork. Puwede kang pumili sa mga sumusunod na kategorya ng art:

Kategorya Source
Mga itinatampok na larawan Getty Images at higit pa
Fine art Google Arts and Culture
Earth at kalawakan NASA at Google Earth
Street art Google Arts and Culture

Fullscreen na orasan

Pumili mula sa iba't ibang hitsura ng orasan.

Pang-eksperimento

Sumubok ng mga bagong source at content.

Mahalaga: Posibleng magbago o maging hindi available nang walang paunang abiso ang mga available na pang-eksperimentong opsyon.

Higit pang setting

Mga banner notification

Proactive na sinasabi sa iyo ng mga banner notification ang tungkol sa mga paparating na event at gawain. Available lang ang feature na ito sa US.

  • Para makatanggap ng mga banner notification sa iyong display, i-on ang mga sumusunod na setting:
  • Para mag-dismiss ng notification kapag ipinapakita ito sa iyong display, mag-swipe pataas sa banner.
  • Para i-off ang mga banner notification, buksan ang mga setting ng Photo Frame para sa iyong display, pagkatapos ay itakda sa Itago ang "Mga banner notification."

Kung mayroon kang mahigit isang Google Account na naka-link sa iyong Nest display, kailangan mong i-off ang mga banner notification para sa bawat account.

Lagay ng Panahon

Para ipakita ang lagay ng panahon sa Photo Frame, piliin ang Ipakita. Matatanggap mo ang lokal na lagay ng panahon para sa address ng iyong bahay sa Google Home app.

  • Para suriin ang address na inilagay para sa iyong bahay, buksan ang Google Home app at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay suriin sa ilalim ng pangalan ng bahay mo.
  • Para baguhin ang address, i-tap ang pangalan ng iyong bahay at pagkatapos ay Address ng tahanan at pagkatapos ay I-edit.

Kalidad ng hangin

Para ipakita ang index ng kalidad ng hangin (air quality index o AQI) kapag available ito sa iyong lugar, piliin ang Ipakita.

Oras

Para bigyang-daang ipakita ng iyong Nest display ang oras sa Photo Frame, piliin ang Ipakita.

Personal na data ng larawan

Bilang default, nagpapakita ang iyong mga larawan ng impormasyon gaya ng pangalan ng album, petsa ng larawan, lokasyon ng larawan, at higit pa. Para itago ang impormasyong ito, itakda sa Itago ang "Personal na data ng larawan."

Tandaan: Sa US lang available ang personal na data ng larawan.

Portrait na Google Photos

Para hayaang ipakita ang mga portrait na larawan sa iyong slideshow sa Google Photos, piliin ang Ipakita o Magpakita ng mga pares.

  • Ipakita: Isang portrait na larawan ang ipapakita sa screen ng iyong Nest display.
  • Magpakita ng mga pares: Magpapakita ng isang pares ng mga magkaugnay na larawan nang magkatabi. Gumagamit ang Google Photos ng ilang signal para mag-ugnay ng mga larawan, kabilang ang kung nagpapakita ang mga ito ng iisang tao (sa mga heograpikong rehiyon kung saan available ang Mga Grupo ng Mukha) o kung kinunan ang mga ito sa magkalapit na oras o parehong lokasyon.

Personal na pag-curate ng larawan

Depende sa album, posibleng i-curate ng Google Photos ang mga larawang pinipili nito para sa iyong slideshow:

  • Mga Live Album lang: Sinusubukan ng Google Photos na piliin ang pinakamagagandang larawan mula sa mga album na ito.
  • Lahat ng album: Sinusubukan ng Google Photos na alisin ang mga larawang may hindi magandang kalidad ng larawan o halos duplicate.
    • Para i-off ang pag-curate para sa mga album na ito, itakda sa Mga live album lang ang "Personal na pag-curate ng larawan."
  • Iyong Mga Paborito: Hindi kinu-curate ng Google Photos ang mga larawang ito.

Bilis ng slideshow

Gumagamit ng bandwidth ang mga slideshow ng sining at larawan para mag-download ng mga larawan sa iyong Nest display. Para makatulong na makatipid ng bandwidth, pumili ng mas mabagal na bilis ng slideshow.

Google Weather Frog

Para ipakita ang Weather Frog bilang karagdagan sa iyong mga larawan, piliin ang Ipakita.

Mga Rekomendasyon at Karagdagan

Para makakuha ng inirerekomendang content, piliin ang Ipakita.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15199312088385668291
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false