Bawat Google Nest Wifi device o Google Wifi point ay may natatanging QR code na naka-print sa isang label sa ilalim ng device. Kapag nagse-set up ka ng bagong router o point, kailangan mong i-scan ang code na ito gamit ang camera ng iyong telepono para maikonekta sa device ang telepono mo.
Kung wala ang label ng QR code o hindi mo ito ma-scan gamit ang iyong telepono, puwede kang manual na kumuha ng code ng Nest Wifi device o Google Wifi point, at ilagay ang QR code sa Google Home app.
Nest Wifi router
- Gamit ang Ethernet cable, direktang magkonekta ng computer sa Nest Wifi router na walang label ng QR code.
- Buksan ang web browser ng iyong computer at pumunta sa http://192.168.84.1/api/v1/status.
- Hanapin ang seksyong “setupNetwork” ng output.
- Hanapin ang “ssid” (ito ang magiging pangalan ng ise-set up na Wifi network) at “psk” (ito ang password na gagamitin sa pagkonekta).
- Manual na kumonekta sa SSID at ilagay ang PSK para kumonekta sa Nest Wifi router at simulan ang proseso ng pag-set up.
Nest Wifi point
Kung hindi mo ma-scan ang QR code, i-tap ang Magpatuloy nang hindi nagsa-scan, pagkatapos ay ilagay ang setup key sa ilalim ng iyong device.
Google Wifi point
- Gamit ang Ethernet cable, direktang magkonekta ng computer sa Google Wifi point na walang label ng QR code.
- Buksan ang web browser ng iyong computer at pumunta sa http://192.168.84.1/api/v1/status.
- Hanapin ang seksyong “setupNetwork” ng output.
- Hanapin ang “ssid” (ito ang magiging pangalan ng ise-set up na Wifi network) at “psk” (ito ang password na gagamitin sa pagkonekta).
- Manual na kumonekta sa SSID at ilagay ang PSK para kumonekta sa Wifi point at simulan ang proseso ng pag-set up.
May mga tanong ka pa ba tungkol sa Google Nest o Google Wifi? Makipag-ugnayan sa amin.