Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Makipag-usap sa iyong speaker o display

Sa Tuloy-tuloy na Pag-uusap, puwede kang makipag-usap sa iyong mga Google Nest o Home speaker at display nang hindi sinasabi ang “Ok Google” bago ang bawat tanong.

Tandaan: Dapat ay nakatakda sa English ang wika ng Assistant mo. Gamitin ang Android Google Search App (AGSA) 8.7 o mas bago para i-access ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap sa Mga Setting ng Assistant sa Android device.

I-on ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang iyong account at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Tuloy-tuloy na Pag-uusap .
  3. I-on ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap.

Tandaan: Kapag na-on mo ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap, naka-on ito para sa lahat ng iyong speaker at display. Para makita kung sa aling mga device nalalapat ang setting na ito, i-tap ang iyong account at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Tuloy-tuloy na Pag-uusap .

Paano ito gumagana

Sabihin ang “Ok Google” at magtanong o magbigay ng command. Kapag sumagot na ang iyong Assistant, makikinig ito sa loob ng humigit-kumulang 8 segundo para sa mga follow-up na tanong mo.  Nakikinig ang Assistant kung gumagalaw ang mga ilaw sa iyong speaker o kung may makikitang puting bilog sa kaliwang sulok ng screen ng display mo.

Halimbawa: Sabihin ang “Ok Google, what’s the weather like today? (Ok Google, ano ang lagay ng panahon ngayong araw?)” Pagkatapos ibahagi ng iyong Assistant ang lagay ng panahon ngayong araw, puwede mong itanong ang “And what about tomorrow? (At paano naman bukas?)” para malaman ang forecast.

Tapusin ang pag-uusap

Kung tapos ka nang makipag-usap sa iyong Assistant, puwede kang huminto para magsalita o simulang makipag-usap sa iba. Malalaman ng iyong Assistant na tapos na ang inyong pag-uusap at mag-o-off ang mikropono.

Puwede mo ring tapusin kaagad ang pag-uusap kapag sinabi mo ang alinman sa sumusunod na command:

  • "Thank you" ("Salamat")
  • "Thanks, Google" ("Salamat, Google")
  • "I'm Done" ("Tapos na ako")

Mga feature na hindi mo magagamit sa Tuloy-tuloy na Pag-uusap

Hindi ka puwedeng makipag-usap sa iyong Assistant kapag:

  • May kausap ka sa telepono
  • May mga tumutunog na alarm o timer

Mga madalas itanong

Kailan magbubukas ulit ang mikropono?

Bukas ang mikropono kung gumagalaw ang mga ilaw sa iyong speaker o kung may makikitang puting bilog sa kaliwang sulok sa itaas ng screen ng display mo.

Para malaman kung naka-on o naka-off ang mikropono, puwede mong piliing makarinig ng tunog pagkatapos sabihin ang “Ok Google.” Gumagana rin ang mga tunog na ito sa Tuloy-tuloy na Pag-uusap.

Paano ko malalamang nagbukas na ulit ang mikropono?

Kapag nakabukas ang mikropono, sisindi ang mga ilaw sa itaas ng iyong speaker o display.

Puwede mong piliing makarinig ng tunog pagkatapos sabihin ang “Ok Google” para malaman kung kailan nakabukas at nakasara ang mikropono. Gumagana rin ang mga tunog na ito kapag binubuksan o isinasara ng Tuloy-tuloy na Pag-uusap ang mikropono.

Puwede bang sumali ang higit sa isang tao sa isang pag-uusap?

Kapag may nagsabi ng “Ok Google” para i-wake ang iyong speaker or display, puwedeng sumali sa pag-uusap ang sinumang nasa kwarto. Puwedeng magtanong ang isang tao, habang may ibang taong nagtatanong ng follow-up.

Tip: Ia-access ng Google Assistant ang impormasyon ng taong nagsimula ng pag-uusap. Kung may ibang gustong magtanong tungkol sa kanyang sariling personal na impormasyon, tulad ng kung ano ang susunod sa kanyang kalendaryo, kakailanganin niyang magsimula ng bagong pag-uusap.

Sinusuportahan ba ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap sa lahat ng device?

Hindi sinusuportahan ng ilang third-party na device ang feature na ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11725498724718343729
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false