Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Aux input para sa Google Home Max

Nagbibigay-daan sa iyo ang aux port sa Google Home Max na mag-play ng media mula sa iba't ibang device gaya ng telepono, laptop, CD player, o vinyl record player. Puwede mo pa ring gamitin ang iyong Google Assistant para sa iba pang bagay habang nagpe-play ng media.

Google Home Max aux

Makinig sa media mula sa iba pang device

  1. Isaksak ang iyong device sa aux port gamit ang stereo 3.5mm (⅛ inch) cable.
    1. Kung na-pair mo ang dalawang Home Max speaker, gamitin ang aux port sa alinman sa mga speaker.
  2. Pindutin ang i-play sa nakakonektang device.

Tip: Para sa pinakamagandang karanasan sa pakikinig, gawing malakas ang volume ng pinagmumulang device.

Walang naririnig? Sabihin ang “Hey Google, switch to aux (Hey Google, lumipat sa aux)” at dapat na magsimulang mag-play ang content.

Tandaan: Sa kasalukuyan, sa English lang available ang query na ito.

Lumipat sa aux gamit ang boses

Kung nagpe-play ka ng musika sa Home Max sa pamamagitan ng Google Assistant, puwede kang lumipat sa pag-play ng musika mula sa iyong aux input. Sabihin lang ang “Hey Google, switch to aux (Hey Google, lumipat sa aux).”

Awtomatikong Paglipat

Tumitingin ang Home Max ng signal mula sa anumang isinasaksak mo at awtomatiko itong lumilipat sa aux kung hindi ka aktibong nagka-cast.

Tandaan: Kung kakatapos lang ng session ng pag-cast, posibleng kailangan mong maghintay nang hanggang 30 segundo bago awtomatikong lumipat ang device. Kung ayaw mong maghintay, sabihin lang ang “Hey Google, switch to aux (Hey Google, lumipat sa aux).”
 

 

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2685004238821516797
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false