Para i-set up ang iyong Google Nest o Home speaker o display, Chromecast, TV o speaker na may Chromecast built-in, o speaker na may Google Assistant, kailangan mong mag-upgrade sa pinakabagong bersyon ng Google Home app. Kapag nag-ugrade, makukuha mo rin ang mga bagong feature at magiging mas maganda ang iyong karanasan.
I-update ang Google Home app
- Pumunta sa App Store
.
- Sa kanang bahagi sa ibaba ng screen, i-tap ang Search.
- I-tap ang iyong account.
- Hanapin ang Google Home app.
- I-tap ang Update.