Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Makinig ng mga audiobook sa iyong Google Nest speaker o display

Puwede kang makinig sa mga audiobook mula sa Google Play Books at Audiobooks sa iyong Google Nest o Home speaker o display.

Hakbang 1. Bumili at mag-download ng mga audiobook

Puwede kang mag-explore at bumili ng mga available na audiobook na mapapakinggan sa iyong speaker o display.

  1. Buksan ang Google Play Books App Play Books.
  2. I-tap ang Mamili at pagkatapos ay maghanap ng audiobook.
  3. Para matuto pa tungkol sa isang audiobook, i-tap ang larawan sa cover.
  4. Para bilhin ang audiobook, i-tap ang presyo at pagkatapos ay Bilhin ang Audiobook.

Mag-download sa pamamagitan lang ng Wi-Fi

Para makaiwas sa mga singil sa data, puwede kang mag-download ng mga audiobook sa pamamagitan lang ng Wi-Fi. Para i-on o i-off ang feature na ito:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mag-download sa pamamagitan lang ng Wi-Fi.

Hakbang 2. Gamitin ang iyong boses sa pagkontrol ng mga audiobook

Tiyaking naka-sign in ka sa Google Account na ginamit mo sa pagbili ng mga audiobook sa Google Play.

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Patuloy na i-play ang audiobook na pinakahuling pinakinggan "Read my book (Basahin ang aking aklat)”
Humiling ng audiobook sa iyong Library "Read [audiobook title] (Basahin ang [pamagat ng audiobook])"
Mag-pause "Pause (I-pause)"
Ituloy "Resume (Ituloy)" o "Continue (Magpatuloy)"
Huminto "Stop (Ihinto)"
Lumaktaw pasulong "Skip [amount of time] [Lumaktaw nang [tagal ng oras])"
Lumaktaw pabalik "Go back [amount of time] (Bumalik nang [tagal ng oras])"
I-play ang nakaraang kabanata "Previous chapter (Nakaraang kabanata)"
I-play ang susunod na kabanata "Next chapter (Susunod na kabanata)"
Baguhin ang bilis ng pag-playback "Play at 2x speed (I-play nang 2x ang bilis)"
"Play slower (I-play nang mas mabagal)"
"Play twice as fast (I-play nang doble ang bilis)"
"Play at half the speed (I-play nang kalahati ang bilis)"
Kontrolin ang volume "Louder (Lakasan)"
"Set volume to 40% (Itakda ang volume sa 40%)"
Mag-play ng mga audiobook sa mga device na naka-link sa Chromecast "Read my book on living room TV (Basahin ang aklat ko sa TV sa sala)"
"Read [audiobook title] on Chromecast (Basahin ang [pamagat ng audiobook] sa Chromecast)”

Iba pang paraan ng pagkontrol ng mga audiobook

Kapag may nagpe-play na audiobook, makokontrol mo ito mula sa iyong speaker, display, o Google Home app.

Mula sa Google Nest o Home device

Mga Google Home and Nest Speaker

Mahalaga: Ang volume lang ng media at Google Assistant ang binabago ng mga kontrol sa pagpindot ng speaker. Para baguhin ang volume ng mga alarm at timer, gamitin ang Google Home app o ang menu na Mga mabilisang setting sa isang Nest display.

Google Home Google Home

Para gawin ito: Pindutin ang Google Home nang ganito: Larawan
Lakasan ang volume Mag-swipe nang clockwise sa ibabaw.
Hinaan ang volume

Mag-swipe nang counterclockwise sa ibabaw.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume
Simulan ang iyong kahilingan Pumindot nang matagal sa ibabaw.

Googel Nest Mini Google Nest Mini (2nd gen)

Tandaan: Ang Google Nest Mini (2nd gen) ay may slot para sa screw ng wall mount sa likod. Kung walang slot para sa screw ng wall mount ang iyong device, isa itong Google Home Mini (1st gen).

Para i-reverse ang mga kontrol sa kanan at kaliwa, buksan ang Google Home app I-tap ang Mga Paborito o Mga Device pindutin nang matagal ang tile ng iyong Nest Mini. I-tap ang Mga Setting Audio I-reverse ang mga kontrol ng device.

Para gawin ito: Pindutin ang Google Nest Mini nang ganito: Larawan
Mag-pause, magpatuloy, o magpahinto ng media

I-tap ang gitna ng Nest Mini.

Google Nest Mini center tap

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Nest Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Google Nest Mini volume up

Hinaan ang volume

Mag-tap sa kaliwang bahagi ng Nest Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume
Google Nest Mini volume down

Google Home Mini Google Home Mini (1st gen)

Para gawin ito: Pindutin ang Google Home Mini sa ganitong paraan: Larawan
Mag-pause, magpatuloy, o magpahinto ng media Pumindot nang matagal sa alinmang gilid ng Home Mini.

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Home Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Hinaan ang volume

Pumindot nang matagal sa kaliwang bahagi ng Home Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume

Google Home Max Google Home Max

Para gawin ito: Pindutin ang Google Home Max sa ganitong paraan: Larawan

Mag-pause, magpatuloy, o magpahinto ng media

Pahalang na pagkakalagay: Mag-tap sa linya sa ibabaw.

Patayong pagkakalagay: Mag-tap sa linya sa kanan.


Lakasan ang volume

Pahalang na pagkakalagay: Mag-swipe pakanan sa linya sa ibabaw.

Patayong pagkakalagay: Mag-swipe pataas sa linya sa kanan.


Hinaan ang volume

Pahalang na pagkakalagay: Mag-swipe pakaliwa sa linya sa ibabaw.

Patayong pagkakalagay: Mag-swipe pababa sa linya sa kanan.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume

Google Nest Audio Google Nest Audio

Para gawin ito: Pindutin ang Google Nest Audio nang ganito: Larawan
Mag-pause, magpatuloy, o magpahinto ng media I-tap ang gitna ng Nest Audio.

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Nest Audio.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pag-tap.

Hinaan ang volume

Mag-tap sa kaliwang bahagi ng Nest Audio.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume

Nest Wifi point Google Nest Wifi point

Para gawin ito: Pindutin ang Nest Wifi point nang ganito: Larawan
Mag-pause, magpatuloy, o magpahinto ng media I-tap ang gitna ng Nest Wifi point. Nest Wifi center tap

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Nest Wifi point.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Nest Wifi point volume up

Hinaan ang volume

Mag-tap sa kaliwang bahagi ng Nest Wifi point.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume
Nest Wifi point volume down

Mga Google Nest display

Mahalaga: Para kontrolin ang volume ng mga alarm at timer, gamitin ang menu na Mga mabilisang setting. Ang volume lang ng media at Google Assistant ang ia-adjust ng button ng volume at media card.

Gamitin ang card ng media para mag-pause, magpatuloy, i-play ang nakaraan o susunod na kanta, o baguhin ang mga device na nagpe-play ng media.

Button ng volume

Para gawin ito: Pindutin ang Nest Hub o Nest Hub Max sa ganitong paraan: Larawan

Lakasan ang volume

Sa likod ng Nest display, pindutin ang itaas na button ng volume.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pagpindot.

Hinaan ang volume

Sa likod ng Nest display, pindutin ang ibabang button ng volume.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pagpindot.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume
Menu na Mga mabilisang setting
  1. Para buksan ang menu na Mga mabilisang setting, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
  2. I-tap ang Volume .
    • Gamitin ang pangunahing slider ng kontrol ng volume para sa media at Google Assistant
    • Kung kinakailangan, i-tap ang I-expand  para buksan ang slider ng kontrol ng volume para sa mga timer at alarm
  3. Para baguhin ang volume, i-swipe ang slider nang pakaliwa o pakanan.

Card ng media

  1. Para makita ang card ng media, mag-swipe pababa at pagkatapos ay i-tap ang Media.
    • Tandaan: Kung ipinapakita ng screen ang nagpe-play na media, puwedeng ang screen na lang ang i-tap mo.
  2. Gamitin ang mga kontrol sa card para mag-pause, magpatuloy, o i-play ang nakaraan o susunod na kanta.
  3. Para magbukas ng higit pang kontrol, i-tap ang [pangalan ng display] . Makakakuha ka ng listahan ng mga available na device at ng slider ng kontrol ng volume para sa bawat device na nagpe-play sa kasalukuyan.
    • Para simulan o ihinto ang pag-play ng media sa isang device, i-tap ang radio button sa tabi ng pangalan nito.
    • Para baguhin ang volume sa isang aktibong device, i-swipe ang slider nito nang pakaliwa o pakanan.

Google Pixel Tablet (Hub Mode)

Kapag binago mo ang volume ng iyong Pixel Tablet habang naka-dock ito, magbabago rin ang volume sa dock ng speaker.

Button ng volume

Para gawin ito: Pindutin ang Google Pixel Tablet sa ganitong paraan:
Lakasan ang volume

Pindutin ang button sa gilid na pinakamalapit sa power button.

Pataas na volume

Hinaan ang volume

Pindutin ang button sa gilid na pinakamalayo sa power button.

Pababang volume

Widget ng media

Kapag may nagpe-play na media sa Hub Mode, puwede mong kontrolin ang pag-playback sa iyong lock at Home screen sa pamamagitan ng pagpindot. May awtomatikong lalabas na widget ng media, na may mga button para makontrol ang nagpe-play

Ang ilang media app ay may mga widget na puwede mong idagdag sa iyong Home screen para sa madaling pagkontrol sa pamamagitan ng pagpindot. Ilagay ang widget sa iyong Home screen, pagkatapos ay i-tap ang widget para kontrolin ang volume, i-pause ang pag-playback, lumaktaw o magpalit ng mga kanta o podcast, baguhin ang istasyon ng radyo, at higit pa.

Mula sa Google Home app

  1. Tiyaking ang iyong mobile device o tablet ay naka-link sa account kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito .
  4. I-tap ang kasalukuyang session ng media para sa:
    • Mga kontrol sa pag-playback
    • Kontrolin ang volume (media at Google Assistant)
    • Pagpili ng device para sa pag-playback

Voice Match at mga audiobook

Kung na-set up mo ang Voice Match, mapapakinggan mo ang mga binili mong audiobook. Magagawa ng mga bisita o kasama sa bahay na pakinggan ang mga audiobook na binili ng unang taong nag-set up ng Voice Match. Matuto pa tungkol sa Voice Match at media.

Puwede mo ring gamitin ang Family Library sa Play para magbahagi ng mga audiobook sa mga miyembro ng pamilya. Para magawa ng ibang tao sa iyong sambahayan na pakinggan ang mga audiobook mo, i-set up ang Family Library. Puwedeng makinig ang sinumang nag-set up ng Voice Match sa mga nakabahaging pagbili sa Family Library.

Makinig ng mga audiobook mula sa iba pang provider

Magsimula ng audiobook mula sa anumang provider na nasa iyong computer o mobile device, at pagkatapos ay remote itong i-play sa speaker o display mo. Depende sa iyong device at provider ng content, subukan ang isa sa mga sumusunod na opsyon para sa remote na pag-play:

Para kontrolin ang iyong audiobook, gamitin ang app o webpage ng provider. Puwede ka ring gumamit ng mga command gamit ang boses para mabago ang volume sa iyong speaker o display.

Mga kaugnay na artikulo

Kontrolin ang volume ng mga Google Nest speaker at display
Makinig ng musika sa mga Google Nest speaker at display
Magtakda at mamahala ng mga sleep timer sa iyong Google Nest speaker o display
Voice Match at media sa mga nakabahaging Google Nest o Home device

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2569419587809184779
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false