Kung may kumplikado kang configuration ng network, pag-isipang mag-set up ng custom na hanay ng LAN IP. Sa simpleng hakbang na ito, hindi mo na kailangang i-reset o i-reconfigure ang bawat device sa iyong bahay para gumana ang mga ito sa Google Nest Wifi o Google Wifi mesh network mo, kung may mga static na IP addresses ang mga device.
Kapag nag-set up ka ng custom na hanay ng LAN IP, awtomatiko naming ima-migrate sa bagong subnet ang mga kasalukuyang pagpapareserba ng IP sa DHCP at panuntunan sa pag-forward ng port.
- Buksan ang Google Home app.
- I-tap ang Wifi Mga Setting Advanced na Networking.
- I-tap ang LAN.
- Sa ilalim ng “LAN IP ng Router,” i-customize ang LAN address at subnet mask ng router mo.
- Sa ilalim ng “DHCP address pool,” i-customize ang panimula at pangwakas mong IP address.
- Kapag tapos ka na, i-tap ang I-save .
Kapag na-save mo na ang iyong mga bagong setting ng LAN, madidiskonekta sandali sa Wi-Fi ang mga nakakonektang device mo. Posibleng kailangan mong i-restart ang iyong mga device para maikonekta ulit ang mga ito.