Sa Google Home app, puwede mong baguhin ang unit ng lagay ng panahon at gawin itong Fahrenheit o Celsius sa mga Google Assistant-enabled device na naka-link sa iyong Google Account.
- Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
- Buksan ang Google Home app .
- I-tap ang iyong account.
I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong speaker o display. Kung tama, i-tap ang Isara para bumalik sa nakaraang screen.
- Para lumipat ng account, i-tap ang tatsulok sa tabi ng Google Account, pagkatapos ay mag-tap ng ibang account o Magdagdag ng ibang account.
- I-tap ang Mga Setting Google Assistant .
- I-tap ang Pamahalaan ang lahat ng setting ng Assistant.
- Mag-scroll sa ibaba ng page, at pagkatapos ay i-tap ang Lagay ng Panahon .
- Piliin ang gusto mong unit ng lagay ng panahon.