Bilang default, ang iyong nickname ay ang pangalang nauugnay sa Google Account mo. Gayunpaman, puwede kang magtakda ng ibang nickname at puwede mong ituro sa Google Assistant ang tamang pagbigkas.
Palitan ang iyong nickname
- Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
- Buksan ang Google Home app .
- I-tap ang iyong account.
I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.
- I-tap ang Mga setting ng Assistant Ikaw Nickname I-edit OK.
- Para malaman ang pagbigkas, pumili ng isa sa 3 opsyon:
- Gamitin ang default: I-tap ang Gamitin ang default. Para marinig ang pagbigkas, i-tap ang I-play. Kung mali ito, subukang isaad kung paano ito bigkasin o i-record ang iyong sariling pagbigkas.
- Isaad kung paano ito bigkasin: I-tap ang Isaad kung paano ito bigkasin i-type ang iyong pangalan i-tap ang I-play.
Tip: Gamitin ang alpabeto para isaad ang pagbigkas. Halimbawa, puwedeng baybayin ang Eva bilang Ayva. - I-record ang iyong sariling pagbigkas: I-tap ang I-record ang iyong sariling pagbigkas i-tap ang I-record sabihin ang iyong pangalan. Para marinig ang pagbigkas, i-tap ang I-play. Para mag-record ulit, i-tap ang Mag-record ulit.