Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Hanapin ang iyong telepono, tablet, o accessory gamit ang Google Nest device

Huwag hayaang mawala ulit ang iyong telepono. Puwede mong hilingin sa iyong Assistant-enabled na Google Nest device na hanapin ang Android phone, iPhone, tablet, o anumang accessory mo na compatible sa Network ng Hanapin ang Aking Device.

Ang kailangan mo

Para magamit ang feature na ito, kailangan mo ng Assistant-enabled na Google Nest device, tulad ng Google Nest speaker o display o Nest Wifi router o point.

Tiyaking ang iyong Android phone, tablet, at compatible na accessory ay:

  • Naka-on
  • Nakakonekta sa mobile data o Wi-Fi
  • Naka-sign in sa isang Google Account
  • May naka-on na Hanapin ang Aking Device
  • Nakikita sa Google Play

Kung gumagamit ka ng 2-Step na Pag-verify, pumunta sa mga backup ng 2-Step na Pag-verify.

Mahalaga: Kailangang nahahanap ang mga accessory gamit ang Network ng Hanapin ang Aking Device.

I-set up ang Hanapin ang Aking Device

Kung maraming taong gumagamit ng iisang Assistant-enabled na Google Nest device, dapat i-link ng lahat ng gustong magpa-ring ng nawawalang device ang kanilang Google Account at mag-set up sila ng Voice Match, kabilang ang taong nag-set up nito.

Kung ikaw lang ang gumagamit ng Assistant-enabled na Google Nest device, o na-link mo na ang iyong Google Account, laktawan ang hakbang na ito.

I-link ang iyong Google Account at i-set up ang Voice Match sa Google Nest device mo
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Voice Match.
  3. Ipapakita sa iyo ng app ang lahat ng device na sumusuporta sa Voice Match. Mag-tap ng device para i-enable o i-disable ang Voice Match.
    • Kung wala kang anumang device na naka-enable ang Voice Match, i-tap ang Magsimula at sundin ang mga hakbang sa app.
    • Para awtomatikong i-on ang Voice Match para sa mga bagong device sa parehong bahay, i-on ang Mga device na idaragdag mo sa ibang pagkakataon.

Hanapin ang iyong Android phone, tablet, o compatible na accessory

Sabihin ang "Ok Google, find my phone (Ok Google, hanapin ang telepono ko)" o “ring my headphones (ipa-ring ang headphones ko)” at dapat ipa-ring ng iyong Google Assistant ang device mo, kahit nakatakda ito sa mode na Huwag istorbohin.

 Mga kaugnay na resource:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3736199785194635452
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false