Puwede mong hinaan ang volume ng mga sagot ng Google Assistant at diliman ang mga ilaw ng Google Nest o Home speaker o display para maiwasang maistorbo.
Hakbang 1. I-on ang Night mode
- Tiyaking ang iyong mobile device o tablet ay naka-link sa account kung saan naka-link ang speaker o display mo.
- Buksan ang Google Home app .
- I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
- Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Mga Setting Mga notification at digital wellness.
- I-tap ang Night mode I-enable ang night mode.
Hakbang 2. Iiskedyul ang Night mode
- Sa ilalim ng "Mula," i-tap ang piliin ang oras Ok.
- Sa ilalim ng "Hanggang," i-tap ang piliin ang oras Ok.
- I-tap ang (mga) araw ng linggo kung kailan mo gustong ma-on ang Night mode. Kung asul ang bilog, naka-on ang Night mode sa araw na iyon.
Iba pang setting
Huwag istorbohin
Kapag naka-on ang Night mode, puwede mong i-mute ang mga notification at tunog sa pag-boot up. Magri-ring pa rin ang mga timer at alarm.
Para i-on ang huwag istorbohin, i-on ang slider .
Liwanag ng LED sa gabi
- Para diliman ang mga ilaw sa itaas ng iyong speaker o display, i-drag ang slider pakaliwa.
- Para gawing mas maliwanag ang mga ilaw sa itaas ng iyong speaker o display, i-drag ang slider pakanan.
Maximum na volume sa gabi
- Para hinaan ang maximum na volume ng Assistant sa gabi, i-drag ang slider pakaliwa.
- Para lakasan ang maximum na volume ng Assistant sa gabi, i-drag ang slider pakanan.