Kapag natukoy ng iyong Google Nest speaker o display ang hotword ("Ok Google"), ire-record nito ang sasabihin mo at ipapadala nito ang recording sa Google para matugunan ang iyong kahilingan.
Para makakuha ng maikling tunog sa umpisa at/o dulo ng iyong kahilingan:
- Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
- Buksan ang Google Home app .
- I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
- I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
- I-tap ang Mga Setting Accessibility.
- Para makarinig ng tunog pagkatapos mong sabihin ang "Ok Google," i-on ang Mag-play ng tunog sa umpisa.
- Para makarinig ng tunog pagkatapos makinig ng Google Assistant, i-on ang Mag-play ng tunog sa dulo.