Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Voice Match at media sa mga nakabahaging Google Nest o Home device

Kadalasan, nakabahagi sa mga miyembro ng sambahayan ang isang Google Nest o Home speaker o display. Kapag gumagamit ng Voice Match ang bawat tao sa iyong sambahayan, puwedeng mag-enjoy kayong lahat sa mas naka-customize na experience sa media.

Kapag na-set up mo na ang Voice Match sa isang nakabahaging speaker o display, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

  • Pumili ng mga sarili mong default na serbisyo sa musika.
  • Makakuha ng naka-personalize na experience sa musika batay sa iyong history ng pakikinig, mga ni-like na kanta, at iba pang detalye ng dati mong interaction sa serbisyo sa musika.
  • Kontrolin ang sarili mong pribadong library para sa serbisyo sa musika, na magbibigay-daan sa iyong i-access ang mga na-save mong kanta at playlist.
  • Humiling na mag-play ng mga inirerekomendang video sa YouTube o ilang palabas sa TV o pelikula mula sa naka-link na serbisyo ng streaming, na nagbibigay-daan sa iyong ipagpatuloy ang pag-playback mula sa huli mong naka-save na bahagi.

I-set up ang Voice Match

Nauugnay dapat sa isang Google Account ang Voice Match. Iisang profile lang sa Voice Match ang puwedeng iugnay sa isang Google Account. Kung marami kang Google Account, pumili lang ng iisang account na gagawan ng profile sa Voice Match.

Kapag na-set up mo ang Voice Match sa iyong bahay, ino-on mo ito para sa lahat ng device sa bahay mo at puwede mong piliing awtomatiko itong ma-on para sa anumang bagong device. Puwede mong i-off ang Voice Match para sa isang partikular na device anumang oras.

Sa Google Home app

I-set up ang Voice Match
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Voice Match.
  3. Ipapakita sa iyo ng app ang lahat ng device na sumusuporta sa Voice Match. Mag-tap ng device para i-enable o i-disable ang Voice Match.
    • Kung wala kang anumang device na naka-enable ang Voice Match, i-tap ang Magsimula at sundin ang mga hakbang sa app.
    • Para awtomatikong i-on ang Voice Match para sa mga bagong device sa parehong bahay, i-on ang Mga device na idaragdag mo sa ibang pagkakataon.

Sa iyong Google display

Direktang i-set up ang Voice Match sa iyong Google Kailangan mo ang iyong telepono at ng access sa screen ng iyong display.

  1. Sabihin ang "Ok Google, learn my voice (Ok Google, maging pamilyar sa boses ko)."
  2. Sa iyong display, i-tap ang Tara na.
  3. Piliin ang iyong account sa display. Magpapadala ng push notification sa telepono mo para hilingin sa iyong kumpirmahin kung ikaw ang sumusubok na mag-sign in sa isang bagong device.

Tandaan: Kung hindi ka makakatanggap ng notification:

Android: Go to Settings And then Apps & notifications And then [All apps] And then Google Play services, and check that notifications are enabled. Then, you’ll need to start setup on your display again.

iOS: You may have notifications disabled. Open your YouTube, Google, Gmail, or Google Smart Lock app to check if the confirmation prompt has appeared. You’ll signed in to one of these apps on your phone for this to work.

  1. Para kumpirmahin, i-tap ang Oo, ako ito.
  2. Sundin ang mga hakbang sa screen sa iyong display para matapos ang pag-set up ng Voice Match.

Hindi naka-link ang display sa iyong Google Account

Iba ang pag-set up ng Voice Match kung hindi naka-link ang iyong display sa Google Account na gusto mong gamitin. Sa ganitong sitwasyon, ipo-prompt kang i-link ang iyong display sa Google Account mo sa panahon ng pag-set up.

  1. Sabihin ang "Ok Google, learn my voice (Ok Google, maging pamilyar sa boses ko)."
  2. Sa iyong display, i-tap ang Tara na And then Hindi makita ang account.
  3. Gamitin ang camera ng iyong telepono para i-scan ang QR code sa display mo. Ire-redirect ka ng hakbang na ito sa web browser ng iyong telepono. Tandaan: Kung hindi mo ma-scan ang QR code, i-access ang link sa ibaba nito para magpatuloy.
  4. Kung mahigit sa isa ang iyong Google Account, tiyaking sa tama ka naka-sign in sa app bago ka magpatuloy. Para lumipat ng account, mag-tap ng ibang account o Magdagdag ng ibang account.
  5. Ilagay ang passcode ayon sa pagkakasulat nito sa display.
  6. Para i-link ang iyong display at account, i-tap ang Enter And then Susunod.
  7. Sasabihan ka ng app na bumalik sa display. Para matapos ang pag-set up ng Voice Match, sundin ang mga hakbang sa screen sa iyong display.

Pag-set up ng Voice Match sa mga display para sa isang taong wala pang 13 taong gulang

Magagawa rin ng isang miyembro ng iyong tahanan na wala pang 13 taong gulang na gamitin ang iyong display para ma-set up ang Voice Match sa tulong ng kanyang mga magulang.

Para masimulan ng iyong anak ang pag-set up ng Voice Match, dapat niyang sabihin ang "Ok Google, learn my voice (Ok Google, maging pamilyar sa boses ko)" sa display mo. Mula roon, mapipili niya ang kanyang Google Account sa iyong display (o mali-link niya ang kanyang account sa display mo kung hindi niya pa iyon nagagawa) at magpatuloy sa pag-set up.

Kailangan ng iyong anak ang pahintulot mo para makapag-enroll siya sa Voice Match. Sa pag-set up ng Voice Match, hihilingin sa iyong mag-sign in sa Google Account mo para bigyan ng pahintulot ng magulang ang display mo na kilalanin ang boses ng iyong anak.

Pagkatapos ay tuturuan ng iyong anak ang Assistant kung paano kilalanin ang kanyang boses. Pagkatapos, kakailanganin ulit ng iyong anak ang tulong mo para mag-opt in o mag-opt out sa pag-save ng mga audio recording.

Matuto pa tungkol sa kung paano i-set up ang Voice Match para sa iyong anak.

Mahalaga: Hindi gagana ang mga hakbang na ito gamit ang Google Workspace account. Alamin kung paano gumamit ng Google Workspace account sa isang device.

Ibahagi ang mga serbisyo sa iba pang user at bisita ng Voice Match

Kapag na-set up mo na ang Voice Match sa isang nakabahaging speaker o display, posibleng ma-access ng ibang tao, na nakikipag-usap sa speaker o display mo gamit ang mga nauugnay na command damit ang boses, ang iyong mga naka-link na serbisyo sa musika at video.

Para hindi magamit ng iba ang iyong serbisyo sa musika at video, hilingin sa kanilang:

Paano nakakaapekto ang mga setting ng Voice Match sa pagpili ng media

Pumipili ang Google Assistant ng content na media batay sa taong humiling nito at sa kanyang status sa Voice Match.

 

Unang taong nag-set up ng Voice Match

Paano tukuyin kung sino ang taong ito

Mga karagdagang user ng Voice Match Mga bisita at taong walang Voice Match
Kapag nakakuha ang Google Assistant ng mga command gamit ang boses para sa musika mula sa taong ito, mangyayari ang mga sumusunod:
  • Magpe-play ng musika mula sa iyong default na serbisyo ng musika.
  • Kung hindi mo na-link ang iyong default na serbisyo, gagamitin ng Assistant ang mga serbisyo sa musika ng ibang naka-link na user.
  • Magpe-play ng musika mula sa iyong default na serbisyo ng musika.
  • Kung hindi mo na-link ang iyong default na serbisyo, gagamitin ng Assistant ang mga serbisyo sa musika ng ibang naka-link na user.
  • Magpe-play ng musika mula sa default na serbisyo ng musika ng unang taong nag-set up ng Voice Match.
  • Kung hindi naka-link ang serbisyong hiniling mo, gagamitin ng Assistant ang mga serbisyo sa musika ng ibang naka-link na user.
Kapag nakakuha ang Google Assistant sa taong ito ng mga command gamit ang boses para sa mga palabas sa TV at pelikula, gagawin nito ang mga sumusunod:
  • Magpe-play ng content mula sa iyong naka-link na serbisyo ng streaming.
  • Kung hindi mo na-link ang iyong serbisyo ng streaming, gagamitin ng Assistant ang mga account ng serbisyo ng ibang naka-link na user.
  • Magpe-play ng content mula sa iyong naka-link na serbisyo ng streaming.
  • Kung hindi mo na-link ang iyong serbisyo ng streaming, gagamitin ng Assistant ang mga account ng serbisyo ng ibang naka-link na user.
  • Magpe-play ng content mula sa naka-link na serbisyo ng streaming ng unang taong nag-set up ng Voice Match.
  • Kung hindi naka-link ang serbisyo ng streaming na hiniling mo, gagamitin ng Assistant ang mga serbisyo ng streaming ng ibang naka-link na user.
Kapag nakakuha ang Google Assistant ng mga command gamit ang boses para sa mga video sa YouTube mula sa taong ito, mangyayari ang mga sumusunod:
  • Magpe-play ng content mula sa iyong YouTube account.
  • Magpe-play ng content mula sa iyong YouTube account.
  • Magpe-play ng content mula sa YouTube account ng unang taong nag-set up ng Voice Match.

Sino ang unang taong nag-set up ng Voice Match?

Ang user na nag-set up ng speaker o display at nag-link ng kanyang boses ay ang una ring tao na nag-set up ng Voice Match.

Paano pamahalaan ang mga miyembro ng bahay

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14026794387065266793
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false