Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Hardwire Nest Wifi Pro, Nest Wifi, o Google Wifi na may Ethernet

Ang Nest Wifi Pro, mga Nest Wifi router, at Google Wifi ay mga Wi-Fi system na karaniwang nakakonekta sa wireless na paraan. Gayunpaman, kung gusto mo ng wired na backhaul, ang mga ito ay may mga Ethernet port na nagbibigay-daan sa iyong pisikal na ikonekta ang mga ito. Narito ang ilang posibleng setup na puwede mong gawin:

  • Mag-chain ng maraming router nang magkakasama
  • Direktang magkonekta ng mga device gaya ng isang computer o TV sa LAN port ng iyong router
    Tandaan: Para sa isang mesh point, puwedeng gamitin ang WAN o LAN port bilang isang LAN port. Gumamit ng switch para magdagdag ng higit pang LAN port para i-hardwire ang iyong mga Wifi device.
  • Gumamit ng mga third-party na router bilang karagdagan sa iyong Nest o Google Wifi network

Mga dapat iwasan:

  • Huwag magkonekta ng anumang device, pati ng mga computer, switch, o iba pang Wifi point, sa iyong pangunahing Wifi device na nakasaksak sa modem mo hangga't hindi natatapos ang pag-set up.
  • Walang Ethernet port at hindi puwedeng i-hardwire ang mga Nest Wifi point.
  • Hindi puwedeng isama ang Nest Wifi Pro (Wi-Fi 6E) sa Nest Wifi o Google Wifi (Wi-Fi 5) sa isang mesh network. 
  • Huwag magsama ng mahigit sa 5 router o point sa isang mesh network. Posibleng hindi maging maganda ang performance ng Wi-Fi kapag nagdagdag nang higit pa.
  • Kung gumagamit ka ng switch, inirerekomenda naming gumamit ka ng hindi pinapamahalaang switch o ang pag-configure ng pinapamahalaang switch para i-disable ang Spanning Tree Protocol (STP) at i-forward ang Bridge Protocol Data Units (BPDUs) kapag naka-disable ang STP.  Maiiwasan nito ang mga teknikal na isyu gamit ang ilang pinapamahalaang switch na nauugnay sa pag-route at mga loop ng network.

Mahahalagang termino sa pag-hardwire ng iyong network

Ginagamit ng mga sinusuportahang setup sa ibaba ang mga sumusunod na termino:

  • Wifi router: Karaniwang tumutukoy sa Nest Wifi Pro, Nest Wifi, o Google Wifi device na nakakonekta sa modem. Ginagamit din ang router para sa mga Wifi device na may mga Ethernet port.
  • Point: Tumutukoy ang point o mga point sa anumang Nest Wifi Pro, Nest Wifi, o Google Wifi device na idinaragdag sa pangunahing router bilang bahagi ng iyong mesh network para mapalawak ang coverage. Walang Ethernet port at hindi puwedeng i-hardwire ang mga Nest Wifi point. Matuto pa tungkol sa compatibility para sa mga produkto ng Nest Wifi at Google Wifi.
  • Switch: Ang switch ay isang networking device na nagkokonekta ng mga device sa isa't isa, gaya ng mga computer, printer, at serbisyo, na karaniwang sa pamamagitan ng mga Ethernet port. Kapag mayroon kang switch, mapapalawak mo ang iyong networking system sa pamamagitan ng mga karagdagang Ethernet port na magbibigay-daan sa iyong mag-hardwire ng mas maraming device sa network mo. Kung gumagamit ka ng switch, inirerekomenda naming gumamit ka ng hindi pinapamahalaang switch o ang pag-configure ng pinapamahalaang switch para i-disable ang Spanning Tree Protocol (STP) at i-forward ang Bridge Protocol Data Units (BPDUs) kapag naka-disable ang STP.  Maiiwasan nito ang mga teknikal na isyu gamit ang ilang pinapamahalaang switch na nauugnay sa pag-route at mga loop ng network.
  • Third-party na router: Tumutukoy ito sa router na ibinigay ng iyong ISP (Internet Service Provider) o pag-aari mo na hindi produkto ng Nest Wifi o Google Wifi. Sa ilang sitwasyon, sa halip na gumamit ng switch, puwede kang gumamit ng lumang router para magbigay ng mga karagdagang port sa iyong network. Bago mo gamitin ang luma mong Wi-Fi router bilang switch, i-off ang anumang built-in na Wi-Fi sa third-party na router.
  • Ethernet cable: Para i-hardwire ang iyong mga device, kakailanganin mong ikonekta sa isa't isa ang mga device sa pamamagitan ng mga Ethernet cable. Inirerekomendang gumamit ka, sa minimum, ng mga cable na may CAT5e na rate para sa Nest Wifi Pro, Nest Wifi, at Google Wifi.
  • WAN port : Ito ang palabas na port na nagkokonekta ng iyong pangunahing router sa internet. Wired ito sa iyong modem.
  • LAN port : Ito ang papasok na port na kinokonekta sa iyong mga wired na device.

Compatibility

Wifi device Gumagana bilang Wifi router Gumagana bilang point Puwedeng isama sa
Nest Wifi Pro router Oo Oo

Nest Wifi Pro router lang

Nest Wifi router Oo Oo
  • Nest Wifi router
  • Nest Wifi point
  • Google Wifi point
Nest Wifi point Hindi Oo, wireless lang
  • Nest Wifi router
  • Nest Wifi point
  • Google Wifi point
Google Wifi point Oo Oo
  • Nest Wifi router
  • Nest Wifi point
  • Google Wifi point

Mga sinusuportahang setup

Gumamit ng maraming Nest Wifi router o Google Wifi point

Tandaan: Sa mga sumusunod na diagram, ang ibig sabihin ng "" ay kumonekta sa pamamagitan ng wired na Ethernet. Sumangguni sa itaas para sa listahan ng mga termino.

() Modem → Wifi router → Point

  1. Kumokonekta ang LAN port ng modem sa WAN port  ng Wifi router sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  2. Kumokonekta ang LAN port ng Wifi router sa WAN port ng isang point sa pamamagitan ng wired na Ethernet.

Puwede kang mag-chain ng maraming point sa pamamagitan ng wired na Ethernet.

() Modem → Wifi router → Point → Karagdagang point → at higit pa

Magsama ng switch na downstream mula sa Wifi router

Matuto pa tungkol sa paggamit ng mga switch sa mga Google Nest Wifi o Google Wifi device

Tandaan: Sa mga sumusunod na diagram, ang ibig sabihin ng "" ay kumonekta sa pamamagitan ng wired na Ethernet. Sumangguni sa itaas para sa listahan ng mga termino.

() Modem → Wifi router→ Switch → (Mga) point

  1. Kumokonekta ang LAN port ng modem sa WAN port  ng Wifi router sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  2. Kumokonekta ang LAN port ng Wifi router sa WAN o uplink port ng switch sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  3. Kumokonekta ang (mga) LAN port ng switch sa LAN port ng anumang point sa pamamagitan ng wired na Ethernet.

Puwedeng ikonekta ang mga switch at point sa anumang pagkakasunud-sunod, basta't downstream ang mga ito mula sa Wifi router, at puwede mong ikonekta ang ilan sa mga device na ito sa pamamagitan ng wired na Ethernet. Mahalagang downstream ang pagkonekta para magawa ng Wifi router na pamahalaan ang mga downstream na point sa pamamagitan ng wired na Ethernet.

Tandaan: Huwag magkonekta ng mga point na hindi pa nase-set up sa isang switch. Ikonekta lang ang iyong mga point sa isang switch kapag puwede nang i-set up ang mga ito.

() Modem → Wifi router → Switch → Point → Karagdagang point

() Modem → Wifi router → Point → Switch → Point → Karagdagang point

Magsama ng third-party na router na upstream mula sa pangunahing Wifi point (hindi inirerekomenda)

Tip: Sa halip na bumili ng bagong switch, puwedeng third-party na router ang gamitin bilang switch. Para magawa ito, itakda ang third-party na router sa bridge mode at i-disable ang mga function ng Wi-Fi nito. Sumangguni sa manual ng third-party na router tungkol sa kung paano ito gawin. 

Tandaan: Sa mga sumusunod na diagram, ang ibig sabihin ng "" ay kumonekta sa pamamagitan ng wired na Ethernet. Sumangguni sa itaas para sa listahan ng mga termino.

() Modem → Third-party na router → Wifi router → Point

  1. Kumokonekta ang LAN port ng modem sa WAN port ng third-party na router sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  2. Kumokonekta ang LAN port ng third-party na router sa WAN port ng Wifi router sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  3. Kumokonekta ang LAN port ng Wifi router sa WAN port ng anumang point sa pamamagitan ng wired na Ethernet, o isang switch gaya ng ipinakita sa itaas.

Gamit ang configuration na ito, puwede kang magkaroon ng Double NAT, na hindi naman malaking problema. Pero kung nagdudulot ito ng mga problema, inirerekomendang ilagay mo ang iyong third-party na router sa bridge mode. Kapag nasa bridge mode na, puwede mong piliin kung io-off ang Wi-Fi sa iyong third-party na router o hindi.

Mga setup na dapat iwasan

Mag-wire ng Wifi router sa ibang point na nasa parehong switch

Tandaan: Sa mga sumusunod na diagram, ang ibig sabihin ng "" ay kumonekta sa pamamagitan ng wired na Ethernet. Sumangguni sa itaas para sa listahan ng mga termino.

(X) Modem → Switch → Wifi router

                                        → Point

(X) Modem → Third-party na router → Switch → Wifi router

                                                                                 → Point

  1. Kumokonekta ang LAN port ng modem sa WAN port o uplink port ng switch sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  2. Kumokonekta ang mga LAN port ng Switch sa isang Wifi router at sa iba pang point.

Para gumana bilang mesh point, dapat ay palaging downstream ang pagkaka-wire sa point mula sa Wifi router. Sa mga diagram sa itaas, hindi gagana ang mesh dahil hindi magagawa ng point na kumuha ng IP address sa Wifi router. Sa halip, sa upstream na modem kukuha ng mga IP address ang Wifi router at point, kaya hindi mabubuo ng Wifi router ang mesh sa Wifi point.

Para sa tamang pagtakbo, nakasaksak dapat ang Wifi router sa pagitan ng modem at switch, o nakasaksak dapat ang point nang downstream mula sa Wifi router.

() Modem → Wifi router→ Switch → Point

() Modem → Switch → Wifi router → Point

Mag-wire ng mga Wifi router o point sa iisang third-party na router

Tandaan: Sa mga sumusunod na diagram, ang ibig sabihin ng "" ay kumonekta sa pamamagitan ng wired na Ethernet. Sumangguni sa itaas para sa listahan ng mga termino.

(X) Modem → Third-party na router → Wifi router

                                                              → Point

  1. Kumokonekta ang LAN port ng modem sa WAN port ng third-party na router sa pamamagitan ng wired na Ethernet.

  2. Kumokonekta ang mga LAN port ng third-party na router sa mga WAN port ng isang Wifi router at iba pang point sa pamamagitan ng wired na Ethernet.

Sa halimbawang ito, dapat ay isaksak na lang ang point nang downstream mula sa Wifi router.

() Modem → Third-party na router → Wifi router → Point

Mag-wire ng third-party na router nang downstream mula sa Wifi router

Tandaan: Sa mga sumusunod na diagram, ang ibig sabihin ng "" ay kumonekta sa pamamagitan ng wired na Ethernet. Sumangguni sa itaas para sa listahan ng mga termino.

(X) Modem → Wifi router → Third-party na router → Point

  1. Kumokonekta ang LAN port ng modem sa WAN port ng Wifi router sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  2. Kumokonekta ang LAN port ng Wifi router sa WAN port ng third-party na router sa pamamagitan ng wired na Ethernet.
  3. Kumokonekta ang LAN port ng third-party na router sa WAN port ng Google Wifi point sa pamamagitan ng wired na Ethernet.

Kung wala sa bridge mode ang third-party na router (aktibo pa rin ang NAT), posibleng hindi magawa ng anumang wired o wireless na client, pati ng mga mesh point, na makipag-ugnayan sa Wifi router dahil gagawa ang NAT ng third-party na router ng hiwalay na subnet.

Para gumana gaya ng inaasahan, ang third-party na router ay dapat itakda sa bridge mode, palitan ng switch, o alisin sa network.

() Modem → Wifi router → Point

() Modem → Wifi router → Switch → Point

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7201509272493428009
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false